CHAPTER 29 ~ Fluff ~

109K 2.3K 121
                                    

CHAPTER 29

SNOW'S POV

Akmang ipapatong ko ang mga paa ko sa coffee table nang tabigin iyon ni Waine na kaharap ko. Binigyan ko siya ng matalim na tingin na hindi naman niya pinansin at bale walang pinagpag niya lang ang lamesa na parang may imaginary germs doon.

"Ang arte mo, Kuya Waine." nakasimangot na sabi ko.

"Malinis lang talaga ako. Mamaya makapitan pa si Serenity ng mga bacteria na dala mo."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Kung umarte si Kuya Waine talaga nitong mga nakaraan araw ay para siyang ina ni Serenity. Buti nga hindi naiinis ang isang iyon at bigla na lang siyang lasunin.

"Speaking of your Serenity, talagang mag iistay kayo rito?" tanong ko.

"Oo. Bakit ayaw mo?"

"Oo, ayoko. Kung si Serenity okay lang. Kaso kapag nakikita kita gusto ko na lang lunurin ang sarili ko kasi ang hirap mo kausap."

Bago pa siya makapagsalita ay nakarinig kami ng mahinang pagtawa na nanggagaling sa kwarto ng unit nila dito sa BHO CAMP. Ilang sandali lang ay lumabas si Serenity na nakaupo sa wheel chair niya.

May maliit na ngiti sa mga labi niya na lumapit siya sa amin, "Pagpasensyahan mo na si Waine. Ganiyan talaga 'yan. Maaalalahanin at maalaga."

Nakangiwing nilingon ko si Kuya Waine na ngayon ay nangingiting nakatingin sa babae. Kahit na hindi sila magsalita pakiramdam ko hindi lang sparks kundi kuryente ang dumadaloy sa pagitan nila.

"Hello? Hello? May tao pa po rito. Pwede pong bawasan natin ang malaswang tinginan na nagaganap." nang-aasar na sabi ko.

Naniningkit ang mga mata na tinignan ako ni Waine. "Inosente ang tinginan namin."

"Di rin."

Tinaasan niya ako ng kilay, "Parang kayo ni Phoenix hindi? Nakakapagtaka ka nga na hindi nauumay sa inyo ang mga agent."

Automatikong napangiti ako ng malaki ng marinig ko ang pangalan na binanggit niya. Naiiling na tinignan ako ni Kuya Waine na parang sinasabi na mas malala pa nga ako kesa sa kaniya. Hindi ko naman itatanggi. I'm in L-O-V-E.

"Hindi sila mauumay dahil ganito tin naman kami kahit noong mga bata pa lang kami."

"Ahh." sabi ng lalaki na may ngisi sa mga labi. "Bata pa pala kayo may malaswang hangarin na kayo sa isa't isa."

"Hindi kaya! Inosente kami. Inosente ako! Look at me!" utos ko sa kaniya at tinuro ko ang mukha ko. "Mukha bang makakaisip ang mukha na ito ng kakaiba? Look at my innocent eyes."

Nilingon ni Kuya Waine si Serenity at umiling siya. "Wag kang maniniwala riyan. He even took advantage of the guy when he was drunk."

"Noon! Noong mga bata pa kami inosente ako. Saka hello? Sino kayang nag corrupt sa utak ko?" inismiran ko ang lalaki at hinarap ko si Serenity na nangingiti sa bangayan namin. "Serenity, ikaw talaga ang pinunta ko rito. Kung si Kuya Waine lang hindi ko 'yan dadalawin kahit tubuan siya ng mushrooms dito."

"Ang cute niyong dalawa." naiiling na sabi ng babae. "Para kayong magkapatid kung magbangayan."

"Eww no!" I said in grimace.

Akmang magsasalita pa ako ng pagulungin ni Serenity ang wheel chair niya palapit sa akin at kinuha ang isa kong kamay. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Ang sabi nila engage ka na raw. Where's the ring?" tanong niya ng bitawan niya ang kamay ko.

"Pinagawa pa ni Phoenix. But I'll show you when it's done." excited na sabi ko.

Nagkasundo kami ni Phoenix na wala kaming idadagdag sa sing sing. Ayaw kasi namin na mabago ang orihinal na ganda niyon. Besides gusto kong ipakita kay Tita Ruby kapag nabuo iyon.

BHO CAMP #5: Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon