PROLOGUE

277K 4.8K 589
                                    

A/N: Para sa nag-aabang ng storya ni Snow at Phoenix, eto na po siya :) Though ito ay SNEAK PEAK lang. Naka line up pa lang siya :) Matagal pa ito pero eto...sure na sure na. Akala ko dati mauuna pa si Athena at Aiere sa kanila pero tenenenen!

PROLOGUE


SNOW'S POV



Ako si Snow Night, isang agent ng BHO CAMP organization. Pero matatawag nga ba ako na agent? Kung ang ginagawa ko lang naman ay painitin ang ulo ng kapatid ko kapag pumapalpak ako, ubusin ang pasensya ng boss at pinsan ko na si Dawniella, at higit sa lahat ang maghapon kong pamimitas ng mangga kasama ang best friend ko na si Phoenix Martins?



Pero kahit ano pang sabihin ng iba, kuntento na ako sa buhay ko. Bakit pa kailangang magtrabaho kung nandiyan naman ang pamilya at best friend ko para sa akin? Alam kong hindi ako iiwan ng pamilya ko. Alam ko na hindi ako iiwan...ng best friend ko.



Pero nagising ako sa katotohanan. Teka....hindi lang pala ako ginising.



Sinampal pa ako ng katotohanan.



Kasi ngayon, nandito ako at nakatingin sa kaniya. Nakangiti siya, ngiti na para sa akin lang. Ang pinakaespesyal na ngiti niya. Nagniningning ang mga mata niya at halata ang kasiyahan sa kaniya. Na hindi na siya makapaghintay...



Sunod-sunod ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko sasabog iyon sa paraan ng pagkakatingin niya. Iisa lang ang nararamdaman ko.



Kasiyahan...?



...



...



Hindi. Hindi sa kasiyahan. Dahil kung kailan nagising na ako, kung kailan alam ko na ang totoong nararamdaman ko...at saka naman naging huli na ang lahat.



Dahil ngayon nandito ako at nakatingin na lang sa kaniya. Nakangiti siya, ngiti na para sa akin lang noon. Pinakaespesyal na ngiti na sa akin lang niya binibigay noon pero ngayon ay nakalaan na para sa iba. Nagniningning ang mga mata niya sa kasiyahan...



...



...



at hindi na siya makapaghintay na pakasalan ang babaeng mahal niya.



Isang taong hindi magiging ako.



Dahil huli na. Dahil ako at siya ay mananatili na lang na,



Syntax Error.

BHO CAMP #5: Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon