CHAPTER 20 ~ Want ~

124K 2.6K 181
                                    

CHAPTER 20

SNOW'S POV

Hindi kayang makalimutan ng buong pagkatao ko ang boses na iyon. Kahit ilang beses kong ginusto na iwaksi sa isip iyon lalo na ang taong nag mamay-ari no'n.

"Snow?! What the hell are you doing here?"

Pilit kong inaninag ang mukha niya pero hindi ko iyon makita. Pakiramdam ko ay parang dam na kumawala ang mga emosyon ko. I'm yearning to see him. I can't help it. It's a natural reaction for my heart to jump with joy and yet the pain immediately followed.

Pinalis ko ang penlight na nakatapat sa mukha ko at ipinikit ko ang mga mata ko na nasilaw ng lubos. Pagkaraan ay iminulat ko ang mga iyon. Halo-halong emosyon ang nasa mga mata ni Phoenix. Pero kung may isa akong natitiyak ay iyon ang katotohanan na iisa lang ang nararamdaman namin.

"Hi, Nix nix." I whispered. "You're crushing me by the way."

Sandaling tinitigan niya ako na para bang hindi pa rin siya makapaniwala na nandito ako ngayon sa harapan niya at pagkaraan ay nawala na ang bigat niya sa ibabaw ko. Tinulungan niya akong makatayo.

"Hindi pa rin kita matalo." natatawang sabi ko.

Tumalikod siya sa akin at lumapit sa bintana ng unit at sumilip roon. "Anong ginagawa mo dito, Snow?"

"Taylor was my co-worker."

"Co-worker?"

"Nakahanap ako ng trabaho. I was bored and I decided to look for a job since wala naman akong ginagawa. I'm really here for the vacation but..."

"She died."

Tumango ako kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. "Yes. Hahayaan ko na lang naman sana ang nangyari. Casualty during robbery is not uncommon. But she died on my hands and I couldn't do anything."

"It's not your fault."

"I know that but that doesn't change the fact that I could have done something. Nag black out ako, Nix nix. Hindi ko maalala ang mga naituro sa atin at iyon ay dahil wala roon lagi ang atensyon ko. Dahil hindi ko sinseryoso ang trabaho natin."

Humarap siya sa akin. Ilang pagitan lang ang layo niya sa akin pero alam kong pareho namin nararamdaman ang layo namin sa isa't-isa. At alam ko na katulad ko ay pinipigilan din niya na tawirin ang distansiya na iyon.

"I'll handle this-"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Hindi kita gagambalain sa kung anong gagawin mo pero hindi ako titigil. I'm doing this even without BHO CAMP's permission."

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang kuyom ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ko. I'm stopping myself from running to him. I need to remember why I left.

I didn't left so I could forget him. I just walked away from the pain. Hindi madali makalimot at sa tingin ko hindi posible. Sa tingin ko kasi kapag nagmahal ka kahit ano pa ang maging ending, hindi mo magagawang burahin ang nararamdaman mo para sa kaniya. Maaaring may dumating na mas mamahalin mo o tatanggapin mo na lang na hindi mo magagawang magmahal ng mas higit pa sa ibinigay mo sa taong minahal mo.

"Snow..."

"If you want to make sure that I'm safe then let me come with you. One way or the other hindi din naman ako magpapapigil."

He brushed his hair up in exasperation. Kilala naman niya ako. Natural na ata sa akin ang pagiging matigas ang ulo. "Fine."

Bahagya ko siyang nginitian at ilang sandali lang ay naiiling na sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi niya.

BHO CAMP #5: Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon