CHAPTER 17 ~ Try ~

91K 2.3K 111
                                    

CHAPTER 17

SNOW'S POV

ONE MONTH LATER

Napatili ako ng pagkalakas-lakas na tipong yayanigin na ang tinitirhan ko nang bigla na lang umapoy ang hawak ko na frying pan. Mabilis na inihagis ko iyon sa sink at pagkatapos ay binuksan ko ang gripo.

Nakasimangot na umupo ako sa high stool at tinignan ko ang sunog na fried chicken sa lababo ko. "Seriously. Five minutes lang akong nawala para maglaro ng Clash of Clans nasunog na agad?"

Bumuntong-hininga ako at binuksan ko ang cup board sa itaas ng kitchen counter. Kumuha ako roon ng instant mac and cheese bago ko iyon nilagyan ng tubig at inilagay sa microwave.

Kahinaan ko pa rin ang pagpirito. Pero nitong nakaraan na buwan natuto na akong magluto ng mga madadaling pinoy foods. Hindi man katulad sa sarap ng luto sa BHO CAMP pero at least may nakakain na akong iba. Nakakasawa na rin kasing kumain sa labas.

Kinuha ko ang cellphone at akmang maglalaro ako ulit ng makita ko ang oras sa screen ng aparato. Omg almost an hour pala akong naglaro!

Napanguso ako at tinapunan ko ng tingin ang pobreng manok. "Sorry, chicken. Hindi naging worth it ang pagkamatay mo. Hindi na mauulit."

Kung bakit naman kasi ni-refer sa akin ni BDW ang Clash of Clans. Naging past time ko na tuloy. Hanggang comfort room ata naglalaro ako. Wala naman kasi ako na ibang gagawin dito sa condo. Naiinis naman ako sa mga bagong movie na binili ko dahil puro love story. Kung ano-ano lang ang naaalala ko.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit ako sa microwave na tumunog na. Kinuha ko doon ang mag and cheese at sinimulang kainin. "Gusto ko iyong mac and cheese ni Kuya Hermes o ni Ocean." nagbaba ako ng tingin sa kinakain. "Hindi naman sa ayoko sa'yo. Pero...ayoko talaga."

Ganto ang buhay ko dito sa Seattle. Kung hindi ako nasa Steam kung saan MWF ng pasok ko ay nandito lang ako sa bahay at nakikipag-usap sa mga non-living objects. O kaya naman minsan kausap ko si Athena na wala namang ibang binanggit kundi ang kagandahan niya.

Kapag wala sa mga iyon ang ginagawa ko ay malamang naglalaba, naglilinis o sumusubok na naman akong magluto.

Yes, marunong na akong maglaba. Noong una ang dami kong naitapon na damit dahil naghawa-hawa ang kulay. Malay ko ba naman na hindi pala basta-basta lalaban lang ang mga damit. Sa paglilinis naman madali lang kasi bumili ako ng vacuum.

Hindi naman pala mahirap mag-isa. Masyado lang siguro akong nasanay na nakahanda na ang lahat. Kahit na noong mga bata pa kami ay tinuturuan naman ako at ang mga kapatid ko nila Momma ay hindi naman kami sumusunod. Hindi naman kasi nawawalan ng helpers sa bahay. Sa BHO CAMP naman ay may weekly cleaning sa mga agent na gustong magpacleaning.

Ibinaba ko ang container ng mac and cheese ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. "Hello?"

"Athena dyosa ito!"

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Alam ko. Uso po ang caller ID."

"Ang sungit naman. Menopause lang? Anyway! May maganda akong balita bukod sa maganda pa rin ako, sexy, habulin-"

"Oo na. O tapos? Ano ang magandang balita mo?"

"Huh? Kasasabi ko lang. Maganda ako, sexy, habulin-"

Inalis ko sa tapat ng tenga ko ang telepono at inintay ko muna na matapos si Athena sa listahan niya ng mga katangian niya. Nang sa tingin ko ay tapos na siya ay itinapat ko ulit iyon sa tenga ko. "O tapos?"

"Sandali, ngumunguya pa ko." sabi niya at kasunod niyon ay ang tunog na parang may matigas siya na bagay na dinudurog.

"Kumakain ka na naman ng Chupa chupps?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang favorite niyang lollipop.

BHO CAMP #5: Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon