♥1♥

24.3K 261 44
                                    

Beauty's Curse

"Our next contestant is Ms. Shayla Milena Pontes."

Confident, poised, graceful, at nakangiti na rumampa si Shayla sa harap ng entablado, papunta sa host ng isang noontime show.

"Ang ganda mo naman! May lahi ka bang foreigner?"

"I'm half Filipino-half Brazilian." Sagot niya.

"Oh! So you know how to talk in Portuguese?" interesadong tanong ng host.

"Kaunti lang po. My mom just told me unforgettable words that my father told her." Paliwanag niya.

"Can you give us an example?" request ng host sa kanya.

"Eu te amo. Quer casar comigo?"

"Wow!" Na-amaze na sabi host. "What does that mean?"

"I love you. Will you marry me?" nahihiya niyang tugon.

"Ang sweet naman! Are your parents here now?" curious na tanong ng host, habang naghahanap sa audience.

"My parents are not here," napalunok niyang tugon. She hoped the host would not ask further about her parents, because it was a sensitive topic for her.

Sanggol pa lamang siya nang mawala ang kaniyang ama. Muling nag-asawa ang kaniyang ina ngunit ito ay nalulong sa droga, dahil sa impluwensiya ng kaniyang ama-amahan.

Pilit man niyang tanggapin ang riyalidad na ito, Sa tinging niya, masakit tanggapin dahil inaasam asam pa rin niya ang magkaroon ng buo at maayos na pamiylya.

She desired the total opposite of her current situation now.

Hindi man kumpleto ang kaniyang pamilya, mas gugustuhin pa niyang solo parent na lang ang kaniyang ina, kaysa may step dad nga siya, ngunit nilulong naman nito ang ina sa drugs, at nais pa siyang halayin ng ama-amahan.

She tried hard to compose herself. She had to answer right and convince the judges. She had to win not for the crown, but for the money. She needed it for her allowance this month, and to pay the money she owed her friends.

Agad niyang pinilit mag-isip ng magagandang bagay na nangyayari sa buhay niya at ito ay ang kaniyang mabubuting kaibigan.

"But my friends are here to support me." Agad niyang sagot at tinuro ang mga kaibigan na nasa audience, upang ilihis ang topic patungkol sa pamilya.

Agad niyang kinawayan ang mga ito. Nagtilian naman ang kanyang limang supportive at matatalik na kaibigan na sina sina Rori, Tanya, Pinkie, Rainbow at Jackie.

Napatingin naman ang host sa direksyon ng kanyang kinawayan.

"Aba! Magaganda din pala ang mga kaibigan mo, ha! Bakit hindi din sila sumali sa beauty pageant?" tanong nito.

"Ayaw na nilang maki-kumpetensya sa akin, dahil mas kailangan ko po manalo kesa sa kanila." Tapat niyang sagot.

Napatawa ang host sa sinabi niya.

Kunwari ay natawa din siya. But deep inside, halos mahimatay na siya sa nerbyos at pressure na manalo.

Kailangan manalo ako dito. Marami akong kailangan bayaran sa mga kaibigan at sa tuition fee! Graduating na kasi siya.

"Kailangan ko pa mag-ipon para masuportahan ko ang plano kong pagtakas kasama si Mommy. At gusto ko din mabawi ang farm ni Daddy mula kay Luciofer."

Matapos ang question and answer portion ay muli silang pinarampa sa stage, habang naka-ismid naman sa kaniya ang isa sa mga kandidata na si Angela.

Love in a Rush (Completed/ Published in Dreame app)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon