Some time Ago in High School

8.4K 84 27
                                    

High School Days

Naiinip na ang 16 years old na si Gerard sa loob ng sasakyan ng pinsan nitong si Percival.

"Dude, what are we waiting for? I'm famished!" He grunted, while playing with his PS 3.

"Dude, what are we waiting for? I'm famished!" He grunted, while playing with his PS 3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dude, sandali na lang. Lalabas na yon." 

"Sino bang hinihintay natin?" tanong niya. 

"Basta." Tipid na sagot ni Percival habang inaabot ng tanaw ang gate ng exclusive school for girls.

Maya maya ay nag-ring na ang bell. Palabas na ang mga high school. 

Tila na-excite si Percival at nag-dial na sa mobile phone. Tinawagan nito  ang guwardiya sa may gate.

"Sir," excited na sambit ni Percival. "Palabas na po ba si Rori Franscesca Prieto?" tanong nito. "Ah, ganun ba? Pakibigay na lang po yung flowers. Kapag ako po kasi ang nagbigay eh baka hindi po tanggapin, Sir...  Please. Salamat po." Pakiusap ni Percival. 

Bakas sa mukha nito ang lungkot sapagkat gusto nitong ito ang kusang magbigay ng flowers kay Rori. 

Pinagkasundo sina Percival at Rori ng mga magulang ng mga ito. Simula pagkabata ay gusto na ni Percival si Rori, kaya naman kahit bata pa sila ay sinusuyo na nito ang dalaga. 

Siya naman ay napapailing. "Hay, nako. You're love sick, dude! Tsk! Tsk! Tsk!" He said and crossed his arms. 

"Pag ikaw na-in love, asar talo ka din sa'kin, dude!" Busy pa rin sa pag-aabang si Percival mula sa loob ng sasakyan.  Sumandal ito upang mag-relax, ngunit napabalikwas ito nang may nakitang palabas na mga dalaga.

"Andiyan na ba?" pati siya ay na-excite na rin. "Asan ba, dude?" 

"Wag ka magulo." Sagot naman ng pinsan. "Shit! Ayan na siya!" Anito at napahawak sa manibela. "Please. Please, Rori. Tanggapin mo naman yung flowers." Halos pabulong na sabi ni Percival. 

Pinagmasdan niya ang tinutukoy ni Percival na babae na tumanggap ng flowers. Mestiza ito at maganda, ngunit napansin niyang parati itong nakayuko kaya tuloy bahagyang natatabunan ito ng mahaba nitong buhok. 

"Ang ganda, dude!" Aniya. Halos idikit na niya ang mukha niya sa harap na salamin. Nakaramdam siya ng pagka-inggit sa pinsan.  

Nahihiyang ipinasa ng dalagang mestiza sa chinitang babae ang bulaklak. Maganda din ang Chinita, ngunit mas may appeal sa kaniya ang unang tumanggap ng bulaklak.

"Hindi yun si Rori. Si Shayla yun, barkada niya." Sagot naman ni Percival. "Yan!" Tinuro nito ang sumunod na tumanggap ng bulaklak. "Yan ang baby ko!" Kinikilig nitong hinila ang damit niya sa sobrang tuwa, dahil tinanggap ni Rori ang bulaklak at inamoy pa. 

Napangiti ang Chinitang dalaga na sinabi ni Percival na si Rori. 

"Yes! Yes! Yes!" Masayang sambit ni Percival sa upuan nito. Siya naman ay hindi na nawaglit ang mga mata sa mestizang dalaga na tila mahiyain. May ilang mga babae pa ang lumapit, at tila isang tomboy. Umakbay ito kay Shayla, at naharangan na nito ang view niya ng dalaga.

Love in a Rush (Completed/ Published in Dreame app)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon