♥33♥

14.1K 173 16
                                    

 Two Words

President Gerardo Ponce and First Lady Mary Ponce arrived at the Malibu beach wedding. Sinalubong ni Gerard ang mga magulang, at agad naman yumakap ang mga ito sa kanya.  Bakas sa mukha ng kanyang mga magulang ang kasiyahan. 

It gave him sense of peace knowing that his parents approved of this wedding... of him marrying Shayla... of them having kids. 

The wedding tent was full of security.  The bystanders were starting to flock at the railings surrounding the tent, where the wedding ceremony would take place at 5:30 PM.

Tinungo naman nila ng kaniyang magulang ang mansion. Pumasok na sa make up room ang kaniyang ina, habang siya naman ay kasama ang ama sa kanyang kuwarto.  Nagsusuot na siya ng kaniyang coat, habang vine-video ng camera man.

"How are you feeling, son?" nakangiting akbay ng daddy niya sa kanya na nakasuot na ng barong Tagalog.

"Nervous and excited." Pag-amin niya. "I'm having sweaty palms." Natatawa niyang ibinukas ang isang palad, habang hawak ang tablet kung saan niya dina-draft ang wedding vow niya.

Napatawa si President Ponce. "I felt that way too,before my own wedding. Pero mawawala din yan mamaya. I assure you that."

He nodded his head. He believed his father. Bukod sa paniniwalang iyon ay natutuwa din siya na nagu-usap sila ng ama tungkol dito. It has been a long time since they shared a moment like this. 


Someone knocked at the door. Si Percival iyon. Kanina pa niya ito inaabangan, dahil ito ang nagasikaso sa problema ng kaniyang pinsan na si Tanya at Matteo. Binalita nito na naayos na ang problema patungkol sa super glue. 

Na-curious nama ang kaniyang ama kung ano ang nangyari sa pamangkin nitong si Tanya. Iknuwento niya sa ama ang nangyari at tawa ito ng tawa.  Pati siya ay napatawa habang kinukuwento iyon. Kahit papaano ay nawala ang kaniyang nerbyos. 

"Mga pilya pala ang magkakaibigan na yun, a?" natatawang sabi ni Pres. Ponce. 

"Ikaw nga pala, Pyke, kailan ka magpapakasal? Bilyonaryo ka na, a? Handa ka na mag-settle down. Nagbabayad ka ba ng taxes mo ng tama?" birong tanong ni Pres. Ponce kay Percival.

"Opo, Ninong." Nakangiting sagot ni Percival. "On the wedding, hindi pa po ako nagpo-propose. Ready na po ako, pero hindi pa po ready yun' girl friend ko."

"Aba, bilis bilisan mo na para magka-apo na rin ang kapatid kong si Pablo." Sabi ni Pres. Ponce.

"Wala yan, Dad. Mahina." Hirit niya.

"Sobrang bilis naman niyan si Ardy, Ninong!" Hirit ni Percival sa kanya. "Nanggigil!"

Binatukan silang pareho ni Pres. Ponce.

"Kayo talagang dalawang mga bata kayo! Hindi kayo gumaya sa'ken at kay Pablo. Do it the right way, sons."

Napakamot sila ni Percival ng ulo at nagtuturuan pa, nang may kumatok ulit. Si Ambassador Migoel iyon. Nag-kamay si Pres. Ponce at Ambassador Migoel. Inaya ito ni Pres. Ponce sa billards room kung saan uminom muna ng kaunting alak ang mga ito.



Sumilip si Shayla sa bintana ng kanyang kwarto habang may curlers pa ang kaniyang buhok at naka-robe.

She felt nervous as she saw that people were flocking outside, because they were intrigued as to who were getting married. Alam kasi ng mga tao na ang attendees sa wedding ay ang President ng US at ang pamilya nito, Mayor ng California at ang pamilya nito, si Philippine Pres. Ponce at First Lady Mary Ponce, si Ambassador Migoel Ponce, at mga anak nito.

Love in a Rush (Completed/ Published in Dreame app)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon