*Chapter 22*

253 9 2
                                    


Sino daw si bestfriend? ahaha

You'll see :D because today is OCTOBER 4 !

_______________

“Lies and secrets… are like a cancer in the soul. They eat away what is good and leave only destruction behind.” 


― Cassandra Clare, Clockwork Prince

 

 

Sophia’s POV

 

“He… is… your bestfriend?” tanong ko habang nakatingin pa din ako sa stage.

“Yes. Mark Angelo Thompson. Nagkakilala kami sa Austria when I studied there. Mabait siya and he seems to be so dedicated sa pagtugtog. He was playing violin talaga pero because of her LONG LOST bestfriend na akala niya pinsan niya… he switched in playing piano. Nakakatouch ano? Ang balita ko nagkita na sila and I’m so happy for him... for them.” Sabi niya tas hindi ko maiwasang mapaluha.

Maya maya, tumugtog na si Niko at Minuet ang tinutugtog niya. I can’t help myself from being in tears.

“Yan yung palagi niyang tinutugtog nung nasa Austria kami. Sobrang mahal niya talaga yung bestfriend niya. Tricia ata ang pangalan nun. She’s very lucky to have Angelo. Kaya nga nung bumalik siya sa Austria for operation, I told him na umamin na siya sa bestfriend niya para hindi na to mawala sa kanya. Di ba kapag gusto mo ang isang bagay… dapat pinagpupursigihan mong makuha to? Tignan mo ko… kahit alam kong hindi ako ang gusto mo… I really forced myself to get you. I know that in no time… magiging okay din ang relasyon natin at hindi ko hahayaang mawala ka saken.” Sabi pa niya. “Are you crying?” tanong niya saken dahil napansin niya atang umiiyak ako

“Natouch lang ako sa kwento mo. Can I just excuse myself?” sabi ko tas nagpunas ako ng luha then nagnod siya.

Pumunta ako sa CR at doon ko pilit na dinadigest yung lahat ng sinabi ni Dylan.

Now I get it.

Our destiny is being unfair to us.

Kinalma ko yung sarili ko at hinanda ito sa posibleng mangyari ngayong gabi. Paglabas ko, nakaabang na si Dylan doon.

“What took you so long? Okay ka lang ba?” salubong niya.

“Yes. Medyo nahilo lang ako kaya natagalan ako.”

 

“Sure ka?”

 

“Yeah. Okay lang.”

 

“Sure ka ah? Tara na.” yaya niya.

“Are we going home na ba?”

A Beautiful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon