*Chapter 14*

288 5 2
                                    

“As a well-spent day brings happy sleep, so a life well spent brings happy death.”

- Leonardo da Vinci

~~~~~~~•~~~~~~~

Sophia’s POV

This is crazy.

10 years kong pilit na kinalimutan ang lahat pero sa isang iglap lang… bumalik lahat ng yun. Ang pinakamasakit pa doon ay yung katotohanan…

Katotohanang… ang pamilyang kinalala ko ang pumatay sa totoo kong pamilya.

Umalis ako sa La Salle at nagpasyang umuwi pero hinabol ako ni Bright. Kailangan ko ng company niya ngayon kaya hinayaan ko lang siya na sumama sa akin sa bahay pero hindi ko siya kinakausap.

Bakit ako nasa La Salle?

May nagtext kasi sa akin kanina. Ang sabi…

Red Roses +6392790*****

Good morning, Sophie! Today is one memorable day.

I hope you can join me. I’m @ DLSU Manila’s Library.

See you in a bit. This is going to be fun.

Familiar yung number since sinave ko siya kasi ito yung number nung nagtext sa akin nung may nag-iwan ng flowers sa table ko.

Pinag-iisipan ko kung si Niko o si Bright to pero nung mabasa ko yung DLSU… sure ako si Bright to kaya tinanong ko siya.

“Bright, did you ever changed your number? Or do you have another number?” tanong ko

“No. why? Hindi pa ako nagpalit ng number simula noon. Cellphone, oo pero number hindi. Wala din akong ibang number. Yung existing lang bakit?”

“Eh sino to?” inabot ko sa kanya yung cellphone ko at pinabasa yung text.

“Hindi saken to.” eh kanino to? imposibleng kay Niko dahil walang cellphone yun.

“Yan din yung number nung nagbigay ng flowers sa akin eh.”

“Huh? Iniisip mong akin tong number na to at ako ang nagbigay ng flowers na yun sayo?”

“Ganun na nga?”

“Sophie, kahit nung naging tayo... never kitang binigyan ng red roses, remember? It’s either tulips or white roses lang ang binibigay ko sayo.”

“Oo nga noh? Kung hindi ikaw… hindi din si Mark Angelo… eh sino to?”

“Malamang may stalker ka.” Grabe? Stalker agad? Nakakatakot kaya yun.

“Ganun? Wag naman sana.”

“Joke lang. Wag mo nalang intindihin yan.” Nagnod ako “Okay ka na ba?”

“Medyo. Hindi madali pero kailangan kong kalimutan to. Hindi to makakabuti sa akin pero salamat na din at nalaman ko ang totoo.”

“Mabuti naman kung ganun.”

“Salamat din kasi hindi mo ko iniwan ngayon.”

“Wala yun. Basta ikaw. Tara matulog ka muna… gigisingin nalang kita pag nakarating na tayo sa inyo.” Nagnod ako at natulog ako sa lap niya.

Pag gising ko, malapit na kami sa amin.

Pag dating naman sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko. Wala ako sa mood makipagkwentuhan kaya natulog nalang ako.

A Beautiful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon