*Chapter 6*

531 13 5
                                    

sorry sa late update!!! ngayon lang naikabit ulit ung net namin eh haha! buti naka wifi na kami (naks mayaman) haha kaya mas madali na akong makapagupdate!!

magkakaalaman na kaya??

abangan ^___^

special mention to @epalnareader... thanks sa long comments mo! i do appreciate it ^_____^

ito na talaga pramis!

enjoy!!!

____________________________

“People will generally accept facts as truth only if the facts agree with what they already believe.”

-Andy Rooney

~~~~~~~•~~~~~~~

Sophia‘s POV

Ang gaan sa pakiramdam ng trip na to though I’m living with pretentions… with lies, rather… still, I am enjoying every second of it.

Dito sa Ilocos, hindi ako si Tricia Crisologo na takot na takot dahil ilang beses nawalan ng minamahal. Hindi ako sa Sophia Santos na hindi na takot mawalan. Dito, ako si Tricia Santos na masaya… na simple… na walang problema at  ang tanging nakakakilala lang ay si Theresse, Kristine at si… Mark Angelo.

Nakita ko nga pala si Mark Angelo dito kaso hindi ko na siya nakausap ng maayos dahil kailangan na niyang umalis. Pangalawang beses na niya akong nililigtas… una sa emotional pain tas pangalawa, sa physical pain. This man reminds me of Niko so much.

Anyway, the day after the incident, Cape Bojeador ang target namin. Maaga kaming pumunta doon sa lighthouse para hindi masyadong hassle. Maganda yung place, luma pero attractive tas malakas ang hangin at maganda ang overlooking. This is life. So relaxing and worry-free pero may isang bagay ang mas umagaw ng atensyon ko… kahit nasa itaas ako, rinig na rinig ko yung tunog ng piano sa ibaba.

*Minuet playing*

Napalingon agad ako sa narinig ko.

“It’s Bach’s.”

“Ano sis?” tanong ni Theresse pero hindi ko na siya sinagot… nagmadali akong bumaba.

Habang pababa ako, palapit ng palapit yung tunog. Kahit dumadami na yung turista, hindi pa rin naaalis yung atensyon ko sa naririnig ko hanggang sa mareach ko yung balustrade in between two old rooms. Nakabukas yung isang room at sigurado ako na doon ko narinig yung tunog ng piano. Pababa na sana ako sa room na yun kaso…

“Tricia!” bigla akong tinawag ni Kristine kaya napalingon ako sa kaniya. “What are you doing there?”

“May titignan lang.”

“Sige bilisan mo ha! Hintayin ka naming sa itaas.” sabi niya tas makyat na siya at binalik ko yung atensyon ko sa piano…

Teka? Wala ng tumutugtog? Bumaba ako at nakita kong sinasara na ito ng caretaker.

“Kuya? May piano po ba sa loob? Sino po yung tumutugtog?” tanong ko. sana mainitindihan ako nito.

“Ah? Ang narinig ko lang na sinabi niya, siya daw yung pinadala ng DOT para ayusin yung lumang piano sa loob.”

“Sinabi po ba niya yung pangalan niya?”

“Hmmm… Ni… Niko? Oo, Niko ata.” Niko? Si Niko?

Nagmadali akong bumaba at nakalimutan ko ng magpasalamat sa caretaker dahil ang tanging nasa isip ko lang ay… si Niko. Ang tagal ko ng pinangarap na makita siya kaya hindi ko na sasayangin tong pagkakataon na to.

A Beautiful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon