*Chapter 5*

444 10 3
                                    

“Love is a promise; love is a souvenir, once given never forgotten, never let it disappear.”

-John Lennon

~~~~~~~•~~~~~~~

Mark Angelo’s POV

It’s been 10 years since I left the Philippines and now, I’m so back. Anyway, I’m Mark Angelo Thompson, 23, Everywhere (I live everywhere I want, so there).

Gaya ng sabi ko, it’s been 10 years. After kasi umalis ng long lost childhood bestfriend/ fake cousin ko, umalis na din ako sa Pilipinas at tumira sa Austria for good.

I’m a violin player way back kaya pinursue ko ang Conservatory of Music when I enter college. Sa Austria, sumikat ako at kinilala bilang Prince of Classical Music. Ginawa ko to dahil sa kaibigan ko… well, she’s not just a childhood bestfriend or a fake cousin to me kasi para saken… she’s my young love na until now, I feel the same for her pa din.

That’s why I came back to find her. I promise to look for her kasi kapag lumaki na kami.

Kamusta na kaya siya? Naaalala pa kaya niya ako? Kasi ako… hindi ko siya makakalimutan kahit hindi niya mabanggit banggit ng buo yung Mark Angelo Someroux Thompson dati. Hehe at dahil doon, binansagan nalang niya akong Niko. Ewan ko ba kung bakit Niko… ang layo nga ng rhyme sa pangalan ko eh haha pero hinayaan ko nalang kasi siya naman nagbansag eh.

Sino siya? Siya si Tricia Crisologo. Anak siya ng Tito Robert ko kaya nung nagkakilala kami sa orchestra for the very first time… ang alam namin magpinsan kami pero napag alaman din naming… hindi pala totoo yun kaya kinuha na siya ng tunay niyang mga magulang.

She plays the piano since pianist ang mom niya at ako naman sa violin since… wala lang haha! Pinag-workshop lang ako nila mom at dad sa pag pagplay ng violin pero ngayon, I am playing the grand piano kasi gusto kong manatili sa akin yung alaala ni Tricia.

We usually jam together at ang Minuet ni Bach ang favorite namin.

Tumutugtog pa kaya siya? Sana nga. 10 years na din ang lumipas kaya sana nakamove on na siya.

After nilang umalis sa Cebu, wala na akong balita sa kanya. Sinearch ko din siya sa internet pero walang lumalabas na Tricia Crisologo. Okay lang kaya siya? Baka naman hindi niya kinaya yung mga pinagdaanan niya? Nako wag naman sana.

As I look for her, kung saan saan na ako nakarating sa bansa. Nagbabakasakaling makita ko siya sa isa sa mga lugar na pinupuntahan ko pero walang Tricia Crisologo. Si kuya Louis na nga yung nawawalan ng pag-asa para sa akin eh pero hindi pa rin ako sumusuko.

I stayed at my kuya’s pad since may classical concert akong gagawin sa DLSU sa August 25. Ang pinaka hindi malilimutang araw sa buhay ko.

Nagfocus muna ako doon para naman hindi ako mapahiya sa Alma Matter ni kuya. Doon kasi siya graduate at pinagmayabang niya ako sa school niya. Grabe si kuya saken. User. Haha, kidding aside.

One time, when I was about to go to our practice sa La Salle, may nakasabay akong isang lalaki sa CR. Well, he’s gwapo pero I’m more gwapo! Haha naman!

So ayun nga, hindi naman sa tsismoso o interesado ako sa lalaking to pero… nakuha niya yung atensyon ko. may kausap siya sa phone that time.

Okay, HINDI AKO BADING.

“Hindi siya kumagat sa plan A ko eh but I’m gonna make sure na this time… sa plan B ko… makakaganti na ako sa ex ko na yun. We’ll meet nga later eh. Oh sige pare, balitaan kita.” Binaba na niya yung phone at lumabas na.

A Beautiful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon