*Chapter 3*

456 13 4
                                    

“Showing off is the fool's idea of glory.”

- Bruce Lee

~~~~~~~•~~~~~~~

Bright’s POV

Hi, I’m Jedediah Hernandez, 23, Taguig.

Why Bright? Coz that’s what my name means…

Ako ang ex-boyfriend nitong si Sophia Santos. Bakit kami naghiwalay? Kasi masyado na siyang nakakainis. She’s a very distracted person. Yung kahit handa kang tumulong para mabawasan yung mga gumugulo sa kanya pero di ka niya papansinin… tas ang dami dami pang nagkakagusto sa kanya at dahil socialite siya, palagi niyang nakakalimutang may boyfriend siya. Hindi naman sa seloso pero sobra na kasi minsan. Yung tipong gusto mo siyang makasama pero pag magkasama kayo… yung ibang bagay pa din ang binubrought up niya sa usapan niyo.

Sobrang mahal ko si Sophie pero hindi ko na matiis yung ginagawa niya. Pero hindi ko din siya matiis. Pero kailangan ko siyang tiisin. Ang gulo.

Bakit magulo? Kasi gusto kong gumanti. Ilang buwan palang kaming naghihiwalay tas makikita ko sa stat niya sa fb na… may bagong boyfriend na siya? Ano siya chicks? Gumaganti siya dahil nahuli niya kong may kadate dati? Oo kasalanan ko pero hindi man lang niya ko binigyan ng second chance.

Kaya para makaganti din ako… nagpanggap ako. Gumawa ako ng poser account sa facebook. Gumamit ako ng picture and information ng isang sikat at gwapong lalaki sa internet… at ang maswerteng mukha at katauhan ay kay… MARK ANGELO THOMPSON o mas kilala bilang prince of classical music.

Bakit siya? Dahil nabalitaan kong NIKO ang pangalan ng bagong boyfriend ni Sophie, pinalitan ko nalang ng Niko yung Mark Angelo. Gusto ko silang sirain at sa pamamagitan nito… sisiguraduhin kong mahuhulog siya at masasaktan gaya ng ginawa niyang pananakit sa akin ngayon.

Sinigurado kong gwapo para madaling makuha ang atensyon niya… at hindi nga ako nagkamali dahil nung in-add ko siya, confirm lang siya agad. See?

The following day, may nabasa na naman akong status niya…

“I wanna be with you for a lifetime and not forever because LIFETIME is a reality while FOREVER is just a fantasy. Good night everyone. #still #missing #you.”

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa nabasa ko pero… baka mapahiya lang ako kapag inisip kong ako yung taong tinukoy niya dito.

So nilike ko gamit ang poser account na Niko Thompson.

Mahuhulog ka din sa bitag ko at kapag nangyari yun… sisiguraduhin kong hindi ka na sasaya pang muli.

Halos lahat ng post ni Sophie, nilalike ko para mapansin niya ako. Alam kong sa dami ng likers ang friends neto eh natatabunan na yung pangalan ko… ni Niko pala.

One time, nagpost siya ng picture niya. Honestly, nilike ko talaga yun kasi mas gumanda siya ngayon. Yung picture na yun was actually her fashion blog for that day.

Nilike ko pero as expected… marami siyang likers. Napansin kong hindi na umuubra yung pa-like like lang… dapat, nagcocomment na ko para naman makuha ko na ang atensyon niya.

Niko Thompson

Are you a goth?

Sophia Santos

No, dear. I’m no goth… I’m a moth. Jk. Why? [tss. Napaka talaga neto… mapatulan nga.]

Niko Thompson

Ayos ka din sumagot eh noh? Sabihin mo… hindi mo lang alam yung ibigsabihin nun. Ganyan ka ba talaga? Hindi mo sinisiryoso ang mga bagay bagay.

A Beautiful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon