14. Kaunti na lang

135K 2.1K 155
                                    

"Thank you, Mr. and Mrs. Abella."

I smiled at Yana's parents as I bid them goodbye. Babalik na kami ng city ngayong araw na ito. Halos one month rin akong nag-stay sa kanila at sa one month na iyon dama ko na na gusto ko talagang maging teacher. Mrs. Abella has a school for special kids. Palagi siyang nagpupunta doon at isinasama niya ako. Noong una ay nanonood lang ako sa kanya but then later on, I started mingling with the kids and I loved the feeling of satisfaction every time they look at me like they have learned something. Masaya ako because I finally found my passion. Isa na lang ang kulang. Ang approval ni Tatay.

Naisip kong bumalik na sa amin at harapin na lang ang problema. Dalawa lang naman sila ni Nanay na inaalala ko. I can deal with Xander. Kung kakausapin ko siya siguro naman maiintindihan niya ako. Siguro nakabuti rin  ang paglayo ko, tumapang kasi ako kahit paano.

Si Zachary Drew naman, medyo umiiwas ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. He was actually making me feel that he really likes me – no loves me. Dama ko sa bawat kilos niya. Like the other day, nagising ako na may pink rose sa unan ko and I knew it was from him because AC kept on teasing him about it. Tahimik lang naman siya but when I looked at him. I caught him smiling at me. Namula pa nga ang mukha niya at dahil doon nag-blush tuloy ako.

Somehow I knew that Zach is just like Yto. He's a man and somehow I knew that he had his fair share of women. Alam ko. Narinig ko minsan si Yngrid na itinatanong kay Zach iyong mga babaeng nakasama nito sa Amerika. Zach didn't want to talk about that – siguro dahil nandoon ako. Ayoko rin namang marinig nakakaramdam kasi ako ng inis.

I guess I like him.

No, I do like him. Kahit na para siyang pagong sa bagal. I had always like Zachary. Noon pa. Hindi lang ngayon. Akala ko lang hindi because I was so used to him being around me but when he left, nasaktan ako kasi gusto ko siya and I may not act like it but I really did missed him and when I saw him that day at Sparkle, he acted as if he didn't know me, nasaktan ako.

"Lika na. Baka ma-traffic tayo." Sabi ni Yana. I watched Yana as she embraced her dad and mom. Ginulo pa ni Mr. Abella iyong buhok ni Yana. Tapos noon ay umakyat na siya sa bus. Isa-isa na kaming sumunod. I settled on the seventh seat. Maya-maya ay nakita kong umakyat si Zachary Drew. Tumingin ako sa may bintana, napansin kong sa tabi ko siya umupo.

He cleared his throat. "Yza..."

"Yes?" I looked at him. Medyo nakataas pa ang kilay ko. Natatawa ako sa hitsura ni Zach.

"Wala lang..." He looked away.

"Aw c'mon on dude?!" Biglang sumigaw si AC. "Ang slow parang pagong!"

"What the hell are you an international sensation for?" Si James naman. "Ang torpe!"

"Can you just shut up? I'm making a move here?!" Sigaw naman niya. Napahagikgik ako.

"My goodness ZD!" It's Yngrid's turn. "You're so torpe. Tita Audrina said that hindi naman  like that si Tito Zach noon. Why are you so torpe. Hey Yza!" Binalingan naman niya ako. "Because we're so naiinip na, ako na lang ang magsasabi. ZD is trying to---"

"I'm asking you out on a date." Agaw niya sa sinasabi ni Yngrid.

"Finally! After five years!" I exclaimed. Natatawa ako pa ako nang mamula ang mukha niya. "Yes, I'm going out with you. It'll be our first date so make everything worth remembering, Zach."

Tinitigan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala. Nagkibit balikat ako. I guess umiiral ang pagiging Consunji ko. Naisip ko kasi na kung hihintayin ko siya baka uugod-ugod na kami, hindi niya pa rin nagagawa ang gusto niya kasama ako. Gusto ko rin naman si Zach kaya bakit ko pa patatagalin.

The runaway heiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon