16. What we're all waiting for...

143K 2.1K 88
                                    

"So the YZA movement is a success?"

Nginingisihan ko lang si Gerd habang nakatingin ako sa kanya. We were inside one of the studios in Revert Records. I was rehearsing for my upcoming concert. I asked for a five minute break and now, I am hanging with Gerd.

"Takte, Zach hanggang ngayon siya talaga? Di man lang nagbago?" Tanong niya pa sa akin. I shook my head. I had five years para kalimutan si Yza pero hindi ko nagawa. I tried. Naisip ko kasi noon na wala naman akong babalikan kaya bakit hindi ko na lang siya kalimutan. I went out with other girls. I tried to live my life as normal as I could. I tried to forget her pero kapag malapit ko na siyang makalimutan bigla kong maaalala ang dahilan kung bakit ko inilayo ang sarili ko sa kanya.

It's because of her.

I wanted to give Yza the best. Tulad nga ng sinabi ng Tita niya noong debut niya – isang bagay na hindi ko na nakalimutan, a Consunji deserves nothing but the best. At ngayon masasabi ko na kaya ko nang ibigay ang the best kay Yza. She could ask for the moon and I would gladly give it to her with no questions ask.

Mahal na mahal ko si Yza. I never thought that I'd be capable of loving like this. Minsan kapag iniisip ko, parang umaapaw, sobra-sobra pa.

"Kung pwede lang na di na kami maglayo, Gerd." Ngumisi ako. Tumango naman siya. Napakunot ang noo ko. I've known Gerd since were kids at alam ko na ang mga simpleng galaw niya can mean so many things. I sighed.

"What is it?" I couldn't help but ask. Alam kong may sasabihin siya sa akin. Inuunti-unti niya lang. Umayos ako ng upo. "Gerd!"

"Masaya ka diba?" Tanong niya sa akin. Tumango ako. "Pero sana, wag mong kalimutan si Xander. Kahit na alam natin pareho that Xander did some things, kailangan ninyo pa ring mag-usap ng maayos. He's still your friend, Zachary Drew."

I really hate it when Gerd is making sense. Iniiwasan ko na sana ang pakikipag-usap kay Xander pero kahit yata anong gawin ko hindi ko mapipigilan ang oras at ang pagkakataon. Tama naman si Gerd, kailangan mag-usap kami. Kailangan ko siyang harapin.

Pinaniwala niya ako sa mga bagay na hindi naman totoo. Oo, kasalan ko iyon because I didn't ask Yza. Pero anong magagawa ko? Takot na takot ako noon. Nasasaktan ako tuwing mababasa ko iyong e-mails ni Xander. Napapanganga ako kapag naiisip ko na talagang masaya si Yza kay Xander.

I was afraid to go home back then because I don't want to risk seeing the two of them together. Na baka kapag nakita ko sila, hindi ko mapigilan ang sarili ko at masapak ko si Xander. Gusto ko noon  na ako ang piliin ni Yza, na ako ang mahalin niya. Ilang beses ba akong nagbalik umuwi pero sa tuwina ay naduduwag ako.

I wasn't only afraid that time – sinubukan ko ring ingatan ang pagkakaibigan namin ni Xander. I treasured him. I trusted him. Ang iniisip ko noon ayokong magkasira kami dahil sa isang babae. Nagkataon lang na iisa kami ng minahal pero noong mga panahon na alam kong sila – na akala kong sila – kahit nasasaktan ako, masaya ako para kay Xander. Masaya ako dahil nakahanap siya ng taong makapagpapasaya sa kanya.

"Ano, natahimik ka?" Tanong sa akin nI Gerd. Umiling ako. Tumayo ako para bumalik sa rehearsal area pero natigil ako nang biglang tumunog ang phone ko. I answered that. Hindi ko kilala ang number pero naisip ko na baka emergency kaya sinagot ko.

"Who's this?" I asked the other line. Nakarinig ako ng isang mahabang buntong hininga.

"Zach, si Xander ito. Mag-usap tayo. Nandito ako sa Seventh floor. Sa gym." Iyon lang at tinapos na ni Xander ang tawag. Saglit akong natigilan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Alam ko naman na kailangan nang mangyari nito pero hindi ko inaasahan na kaagad.

The runaway heiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon