11. Take my breath away

142K 1.9K 204
                                    

 "So nasaan ka ngayon?! I swear Yza, uuwi ako at susunduin kita?!"

Napangiwi ako nang marinig ko ang boses ni Nikita sa kabilang linya. Halos maramdaman ko na ang presensya niya sa tabi ko sa lakas ng boses niya. Pakiramdam ko naririnig ng mga tao sa loob ng bus na iyon ang pinag-uusapan namin ni Nikita. I looked around Zach's tour bus and I saw his friends minding their own business. His manager – I know who she was from her meeting with Sparkle the other day – Yana Abella was reading a book while the two guys were watching something habang iyong Yngrid naman ay nagdo- drawing ng kung ano sa sketch pad niya. I looked for Zachary Drew – I found him sitting at the back with his aviators on. Hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin pero nginitian ko na lang siya.

"Hindi ko sasabihin sa'yo dahil alam kong kapag ni-torture ka ni Yto, sasabihin mo sa kanya." Mahinang wika ko.

"Ilang beses kong sinasabing wala na akong gusto sa kapatid mo?" Tanong niya sa akin.

"And do you think I believe you?" Tanong ko sa kanya. Umiling ako. "Basta Niki, safe ako. Wag mo na lang sabihin kay Yto na tinawagan kita."

"At bakit ko sasabihin sa kanya? We don't talk to each other." Niki's voice shook. Gustuhin ko man siyang tanungin hindi ko magawa kasi limited ang time sa paggamit ng phone. I was lucky enough that Zach let me use his personal phone.

"Ibababa ko na. Mag-ingat ka diyan. I love you, Niki." I told her then I ended the call. Binalingan kong muli si Zach naroon pa rin siya sa upuan niya – tahimik. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya tapos ay ibinigay ko ang phone niya.

"Z-zach, salamat." Ngumiti ako sa kanya. He took off his aviators and looked at me. Nakakunot ang noo niya. Kung ako ang tatanungin, mukha siyang may buwanang dalaw. I just smiled at that thought. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang mag-isip nang ganoon gayong wala akong mapupuntahan, wala akong pero at nawawala ako.

Maayos naman sana ang lahat. Nakaalis na ako sa village. Sumakay ako ng bus, tahimik ang lahat. Akala ko makakalis ako nang maayos pero minalas ako. Na-hold up ang bus na sinasakyan ko. They took all my things. Hindi sila naawa, lahat ng pasahero sa bus na iyon ay kinuhanan nila. I was so scared, I was crying but then I was grateful enough that they let us all live.

Ang kaso, wala na akong pero at hindi ko alam kung saan ako pupunta. That was when I started having second thoughts. Naisip ko kanina na bumalik na lang at harapin ang kasal kay Xander but then I don't want to because I don't love Xander at kapag ginawa ko iyon pahihirapan ko lang ang sarili ko. So I stayed at the hi-way waiting for the world to change. I prayed to God to send an angel to save me from that situation at parang nanandya dahil bigla na lang siyang dumating.

"Zach..." Tawag ko sa kanya. Tumabi ako sa kanya. Umusog siya. Halos idikit niya ang sarili sa bintana makalayo lang sa akin. Nakadama naman ako ng lungkot. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Xander noon – that Zach was just being nice to me because of Yto pero kasabay noon ay naalala ko rin ang sinabi ni Niki at ni Musika. I remembered his guitar – they said that he's in love with me pero bakit siya ganito? Napailing na lang ako. Dapat yata hindi ako naniwala sa kanila noon. It's obvious, Zach doesn't want me.

"Sorry..." I said.

"For what?" He asked.

"For barging in your life like dynamite." Sabi ko sa kanya. "Pero wala na kasi akong mapupuntahan. I don't want to go back to my family. It's too complicated right now." I said. "Plus, it's... it's kinda funny because I decided to run away because of you."

The runaway heiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon