10. You found me

131K 2K 203
                                    

 It's midnight. I know it's too dramatic but I waited for the clock to strike twelve before I went out of my room with my clothes inside my bag. I made a decision early this night after talking to Xander's parents. Lalayas ako.

It's not that I don't love my parents anymore – I love the both of them – I love my family but I just don't want to be trapped to something that I know I will regret doing. I don't love Xander. I realized after what he did to me that I only want him around as a friend. Mula nang umalis si Nikita at si Yto – si Xander lang ang constant na tao sa buhay ko. Hirap akong makipakaibigan sa iba dahil hindi ko alam kung kinakaibigan nila ako dahil ako si Yza o dahil isa akong Consunji. I was just being careful and because of that – I didn't gain any friends while growing up.

I slowly walked down the stairs. Ingat na ingat ako dahil baka magising si Tatay o si Nanay. Masama man ang loob ko kay Tatay pero hindi ako totally galit sa kanya. I know that Tatay loves me very much pero kailangan kong gawin ito. Ilang beses kong sinubukang magpaliwanag sa kanya ngayong araw pero ayaw niya akong pakinggan. Mas focus siya sa idea na sa ayaw at sa gusto ko pakakasalan ko si Xander. Si Nanay naman ay nagtatampo sa akin at naiintindihan ko siya. I wanted to tell her that I'm very sorry but I know for a fact that she's not ready to listen yet.

I sighed. Nakakalungkot isipin na ganito pa iyong nangyari sa akin. Ang dami kong gustong sabihin kay Tatay pero alam kong kailangan niya ng panahon bago niya ako hayaang magsalita.

Sa ngayon lalayo muna ako. Susubukan kong mamuhay mag-isa. Matagal ko nang gustong gawin ito pero palagi kong iniisip ang mga magulang ko. Masasaktan sila kapag umalis ako.

Finally, I reached the front door. Dahan-dahan kong binukas iyon at nang makalabas ako ng pinto ay tumakbo na ako palabas ng gate. Tulog ang guard na bantay kaya mabilis akong nakalabas ng gate.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong kaibigang matatakbuhan. I wanted to call Nikita but I know that she's busy making a name for herself. So I'd rather face this problem alone. Tulad nga ng sinabi ni Tita Laide – I need to stand up for myself. Twenty four na ako pero hanggang ngayon hindi ko magawa ang gusto ko sa buhay ko. My life is just empty. Kaya kong makuha ang lahat ng bagay sa mundo dahil sa yaman ng pamilya ko pero hindi ako masaya dahil hindi ko magawa ang gusto ko.

I was half way the side walk when I suddenly heard my name. Natigilan ako. I looked back and I saw Yto running after me. My eyes widened – hindi dahil hinahabol niya ako kundi dahil naka-boxer shorts lang siya – he's revealing his six pack abs in the middle of the sidewalk. Wala nab a talaga siyang hiya!

Huminto siya sa harapan ko. "Saan ka pupunta?"

 

"Bakit nakaganyan ka?!" Nanlalaki ang mga mata ko. Binatukan niya ako.

 

"Saan ka pupunta?" Muling tanong niya. Napaiyak ako. Kumunot ang noo niya. "Yzang!"

"L-lalayas na ako..." Sumisinghot na sabi ko. I wiped my tears. Napakamot ng ulo si Yto. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya ako sa park sa kabilang street. Pinaupo niya ako sa swing. Naupo rin siya sa tabing swing at saka bumuntong hininga.

"Aalis ka? Saan ka pupunta?" Tanong niya.

 

"Hindi ko alam. Bahala na. Basta ayoko na dito. Ayokong magpakasal kay Xander. Hindi ko siya mahal."

"Kung hindi mo siya mahal bakit mo siya hinalikan?" Yto asked in a cold tone. My tears just kept on falling. I couldn't stop crying. Napatingin ako kay Yto. Binuksan ko ang bag ko at humugot ng t-shirt doon. Alam kong fit sa kanya ang damit ko pero nag-aalala ako na baka sipunin kasi siya.

The runaway heiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon