Chapter 38

118K 3K 522
                                    


Isang linggo na rin ang nakakaraan simula noong nangyari 'yon. Ang nakakainis lang, bago ako matulog ay naiisip ko pa rin ang lahat. I would think about the 'what ifs' but they would always end up with what happened that day—with the reality.

"Nakangiti ka na naman diyan, babae," sabay hampas sa akin ni Kuya ng bimpo. "Tulungan mo nga muna ako ro'n sa kusina."

Inirapan ko naman siya kahit nakatalikod na siya sa akin at wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

"Kuya!" sigaw ko nang makita ko kung ano ang ipapagawa niya sa akin.

"Ano? Hiwain mo na 'yang mga 'yan at malapit na silang dumating."

Napakasama talaga! Paghiwain ba naman ako ng sandamakmak na sibuyas? At dahil ang dami niya ngang ginagawa ay hindi na ako nakatanggi. Para tuloy akong tangang iiyak-iyak do'n habang naghihiwa.

Pagkatapos no'n ay naghilamos ako at badtrip lang dahil nakikita kong tinatawanan ako ni Kuya kaya winisikan ko siya ng tubig. Hah! Akala niya ha?

Bumalik naman ako sa sala at nanood na lang ng kung anu-ano para magpalipas ng oras. Medyo nadi-distract nga lang ako sa amoy ng niluluto ni Kuya. Ah, siya nga pala, pupunta sina Mei at James dito mamaya. Yes, sila na, at sobrang saya ko para sa kanila.

Ako naman, heto, isang linggo nang nababaliw . . .


***

"Dylan, please naman oh? Tama na 'yong ginawa mo noong nakaraan. Kung sasaktan mo lang ulit ako, tigilan mo na ako."

"Hindi ako nagbibiro!" he yelled, as if he was fighting against the sound of the pouring rain. "Mei made me realize a lot of things. I wasn't aware of my own feelings."

Napansin ko namang nagtinginan ang mga taong malapit sa amin sa direksyon niya kaya nilingon ko siya at nagulat ako nang makita ko siyang nakaluhod.

"What are you—!"

"Alam kong mahirap paniwalaan lalo na't nakita mo kung gaano ako nasaktan noong umalis si Mei pero totoo ang sinabi ko kanina," sabi niya at hindi ko alam kung umiiyak ba siya o dahil lang 'yon sa pagpatak ng ulan. "I already sorted my feelings and the truth became clear to me. Gusto kita. Ikaw, Lyka, hindi si Mei. Ikaw."

Pagkasabi niya no'n ay bumagsak na rin ang luha ko at hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal si Mei. Paano kung sinasabi niya lang 'yan dahil nasaktan siya? Paano naman ako?

"Give me a chance, Lyka," he said, still kneeling. "Gusto kong patunayan sa'yo na totoo lahat ng sinabi ko. Noong umalis ka nang wala man lang paalam, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya please, huwag ka namang umalis ulit."

"Ikaw naman ang may kasalanan no'n," mahina kong sagot.

"Alam ko. Alam kong mahirap din ang hinihiling ko pero sana, kahit mapatawad mo lang ako sa mga ginawa ko sa'yo."

His eyes looked sincere and I felt guilty for doing this to him. Alam ko rin namang hindi lang ako ang nasasaktan. Alam kong ilang taon siyang nagtiis at nagtago para kina Mei at James pero ang hirap sabihin na okay lang ang lahat kahit hindi.

"Fine. Apology accepted," I coldly said, "but that doesn't mean I'm giving—"

"That's enough for me," sabi naman niya at saka siya tumayo. Habang naglalakad siya papunta sa direksyon ko ay ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. Parang lalabas sa dibdib ko.

"What?" tanong ko nang tumigil siya sa harapan ko at lalo akong hindi nakagalaw dahil bigla niya akong niyakap.

"Thank you," he whispered as we both got drenched in the rain.

7th UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon