Chapter 5

175K 3.7K 254
                                    


I'm James.

Ugh! Nag-eecho pa rin sa tenga ko ang boses ng lalaking 'yun. Sa lahat naman ng pwedeng pangalan niya, bakit 'yun pa? Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi nang matino dahil kung anu-ano nang tumatakbo sa isip ko.

"Hoy ano na? Sino si James?"

"Sa tingin mo bakit James yung pangal—"

Teka nga...

"Anong ginagawa mo rito?!" Automatic na gumalaw ang kamay ko at tinulak ko siya.

"Aray ko! Ang sakit nun ha!"

"Bakit ka ba nandito?!" Itutulak ko ulit sana siya pero napigilan niya ang braso ko.

"Nakakarami ka na ha, pasalamat ka hindi ako nanakit ng babae."

"As if!" Bigla namang naging seryoso ang expression niya kaya natahimik ako.

"H'wag mo kong susubukan..."

Tinulak niya rin ako at tumama ako sa dingding. Lumapit siya sa akin pero nacorner na ako kaya hindi ako makagalaw. Idagdag pa na hawak niya ang magkabilang braso ko at hindi ko akalaing ang lakas ng grip niya. Nagulat ako nung lumalapit din 'yung mukha niya kaya tinignan ko siya nang masama. Manyak ata 'tong lalaking 'to!

Sa sobrang lapit niya ay nararamdaman ko na ang paghinga niya kaya naman napapikit na ako dahil parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Pero nagulat ako nung bigla niyang binitiwan ang braso ko at nakaramdam ako ng sakit dahil kinurot niya nang todo 'yung pisngi ko.

"Aray! Aray! Ano ba?!"

"Ha! Anong akala mong gagawin ko sa'yo?"

"Tigilan mo nga ako!" sabay hampas ko sa kamay niya. "Ano ba kasing ginagawa mo rito? Bakit ka nandito sa unit ko?" Bigla namang kumunot ang noo niya sabay buntung-hininga.

"Sabi na nga ba wala ka sa sarili kanina."

"Ha?"

Nagulat naman ako nung hinatak niya ako kaya napaupo ako sa upuan. Pero ang mas nakakagulat, tinali niya ako. Oo. As in tinali niya ako sa upuan! Ang walanghiya! Akala ko sa movies ko lang makikita ang ganitong move pero akalain mong mangyayari sa akin 'to ngayon?!

"Ayan. Para 'di ka manghampas at manuntok," tapos umupo siya sa harapan ko.

"Anong drama mo at may ganito?! Tanggalin mo nga!" Tinry kong kumawala pero ang higpit ng pagkakatali niya.

"Kaya ako nandito kasi pinapasok mo ako." Napatigil naman ako at tinignan ko siya nang masama.

"What? Ako? Hoy, manigas ka!"

"Pwede ba patapusin mo muna ako?"

"Eh paano kung ayoko?"

"Fine." Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan. "Tanggalin mo na lang yang nakatali sa'yo, " he smirked. "Kung kaya mo."

Kung hindi lang talaga restricted ang katawan ko ay in-arm throw ko na ang isang 'to. Ugh!

"Fine! Tapusin mo na ang kwento mo!" Pagkasigaw ko nun ay mabilis siyang bumalik sa harapan ko.

"Okay. Madali ka palang kausap eh." At ngumiti pa talaga ang bwisit.

Kinuwento naman niya 'yung nangyari kung bakit siya nandito sa loob.

"Naglalakad kang tulala kaya tinanong ko kung anong problema. Sabi mo, "James pangalan niya." Tinanong ko kung sino 'yun. Wala ka nang sinabi. Pero tinulak mo ako papasok sa unit mo tapos tulala ka nang mahigit five minutes." Pagkatapos nun ay tinanggal na niya ang pagkakatali ko sa upuan at lumabas siya sa unit ko.

7th UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon