Chapter 13

147K 3.5K 359
                                    


Lyka's POV


"Thank you."

Agad kong isinarado ang pinto pagkasabi ko no'n dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko inexpect na nakakakaba pala ang pagt-thank you.

Bigla naman akong napangiti dahil nakatakas ako sa pagluluto. In fairness, ang bait niya ngayon at siya ang nagprisinta na magluto. Parang tuloy gusto kong magkasakit ulit next day. Pero syempre, Lord, joke lang.

Dahil wala akong magawa at nakapagpahinga naman na ako sa clinic kanina ay pumunta ako sa teritoryo ni Dylan. Napatigil naman ako dahil ang linis ng side niya. Wow, parang mas malinis pa siya kaysa sa akin.

Umupo naman ako sa kama niya at nagsimulang maghanap ng pwedeng pangblackmail o pang-asar sa kanya in case na may gawin na naman siyang kalokohan. Patingin-tingin din ako sa pinto dahil baka bigla siyang pumasok. Patay ako 'pag naabutan niya ako rito.

Siguro after one minute ay may nakita akong dalawang photo album. Una kong binuksan 'yong color blue na medyo sira na ang cover at napanganga ako nang makita ko ang pictures.

Wow. Para silang may lahing Kastila. Ang cute niya noong bata siya at mas kamukha niya ang Daddy niya kaysa sa Mommy niya. May isa ring babae ro'n at mukhang ate niya 'yon.

I browsed the rest of the photos and all of them were family pictures. Bigla tuloy akong napaisip kung magiging kamukha niya ang Dad niya pagtanda niya. Pero kasi ang amo ng mukha ng Dad niya at mukhang mabait siya sa pictures, 'di tulad ni Dylan na laging nakangiti nang nakakaloko.

Itinabi ko ang blue album dahil wala akong pwedeng pang-asar sa kanya ro'n. Kinuha ko ang pangalawang album, 'yong red ang cover at hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Pagtingin ko sa loob, tama nga ang hinala ko.

This was an album about his childhood, along with his friends.

Sa unang pages ay puro silang dalawa ni Mei noong mga bata pa sila. Meron pang pictures na magkahawak sila ng kamay habang tumatakbo papunta sa playground. Meron ding nakahawak si Dylan sa mukha ni Mei habang nakangiti nang malapad. Ano ba naman 'to? Susmiyo, Dylan. Kung kailan siya tumanda, saka pa siya naging torpe. Daig pa siya ng batang version niya!

Unti-unti na akong kinakabahan habang nililipat ko ang pages at pagtingin ko sa susunod ay napatigil na ako. Silang tatlo na ang nasa pictures.

It was really him.

Kahit na sinabi niyang siya nga 'yon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Looking at his childhood photos made me reminisce our past.

"Nakakainis ka," I blurted out while looking at his young self, smiling timidly at the camera. "Bigla ka na lang aalis tapos ngayon magsosorry ka?"

Bago pa ako tuluyang magdrama ay sinarado ko na ang album at niligpit ko 'yon. Tinignan ko pa kung may naiwan akong bakas at baka maging suspicious ang lalaking 'yon. After that, bumalik na ako sa pwesto ko.

May nakita naman akong post-it notes na nakatabi sa drawer ko kaya kinuha ko 'yon at ewan ko ba pero trip ko ngayong magsulat ng kung anu-ano.


Nagkasakit ako ngayon. Ang tagal na rin nung last time na nagkasakit ako kaya ang weird sa pakiramdam. Pero nakakatawa dahil . . . ah basta. Secret!


Actually ang isusulat ko dapat ay dahil nadamay ako sa isang love triangle. Nakakatawa dahil nakikita ko kung gaano katorpe si Dylan at kung gaano kamanhid si Mei.

7th UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon