Chapter 24

118K 3K 557
                                    


Dylan's POV


Binabaan ako? Ayos, ah. Pero ano raw? I better ask myself why? Dahil ba sa ginawa kong pananakot kanina? Masyado ba siyang nainis kaya ayaw na niyang umuwi? At talagang si James pa ang sumagot sa tawag. Bahala sila, tutal mag-best friend naman daw sila.

Tsk. Kung kailan naman kailangan ko ng kausap.

Dapat ay uuwi ako ngayon pero hindi ko na itinuloy dahil sa message ni Mei. She said that she couldn't do it, after all. She couldn't forget about James and she'd feel bad if she ended up hurting me. Alam ko. Tanggap ko na 'yon, matagal na pero sinubukan ko pa rin. Sumugal ako dahil ayaw kong sayangin ang pagkakataon. Gusto ko siyang pasayahin pero mukhang hindi ako ang makapagbibigay no'n sa kanya.

Hindi ako umuwi dahil ayaw kong makita ako ni Ate. Malakas pa man ding makaramdam 'yon kaya madali niyang malalaman kung ano ang problema ko. Bumalik ako rito at dahil ayaw kong magmukhang malungkot ay naisipan kong pag-tripan si Lyka. Ilang beses ko na siyang tinakot pero hindi ko naman akalaing kakagat pa rin siya sa mga pananakot ko. Hindi ko alam na iiyak siya.

Hindi ko rin inaasahan na ibabato niya ako sa sahig. My back throbbed in pain but I deserved that. Mas gusto ko pang masaktan nang pisikal kaysa ganito. Kaysa hindi ko alam kung saan o bakit masakit.

Pumunta rin sa unit si James at inilabas niya si Lyka. Bigla ko tuloy naisip kung may gusto ba siya sa kanya at hindi lang kaibigan ang turing niya kaya hindi niya pinili si Mei. May gusto rin ba si Lyka sa kanya? Pero paano naman si Mei? Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin.

Hay, ang gulo ng buhay! Makatulog na nga lang. Bukas, babalik din sa dati ang lahat.


***

Lyka's POV


Napabalikwas ako nang bangon dahil sa panaginip ko pero nagulat ako nang makita kong wala ako sa unit ko. Teka, ang huling alala ko . . . OH MY GOD. Nakatulog ako pagkatapos no'n?

Lumabas ako sa kwarto at napasigaw naman ako nang makasalubong ko si James.

"Gising ka na pala," bati niya. "Gusto mong kumain?"

"Dito ako natulog?" sabay turo ko sa kwarto niya. "Saan ka natulog?"

"Oo. Alangan namang patulugin kita sa sofa?"

Naalala ko naman ang nangyari kagabi at bigla akong nahiya nang makita ko ang benda sa tuhod ko. Ang tanga ko naman kasi. Hindi ko nakita 'yong huling step kaya dumiretso ako sa lapag at nagasgas ang tuhod ko. Buti nga at 'di ako pinagtawanan ni James. Kung siguro si Dylan ang nakakita ay namatay na 'yon kakatawa.

Inaya naman niya akong kumain kaya sabay na kaming bumaba. Tinulungan ko na rin siyang magluto at ako ang nagsangag ng kanin, habang siya ang nagprito ng itlog at ham. Hinain naman sa lamesa ang mga pagkain at tahimik na kumain. Noong patapos na kami ay bigla naman siyang nagtanong.

"Nga pala, nag-review ka na ba? Finals na next week, which is, bukas na."

Nabulunan ako nang marinig ko 'yon at inabot naman niya sa akin agad ang baso ng tubig. Doon ko narealize na ang lakas ng loob kong mag-drama kahapon pero hindi pa ako gaanong nakakapag-aral. Buti na lang at isang subject lang ang ite-take ko dahil exempted ako sa iba.

"Hindi pa ako nag-aaral," sabi ko naman at tinawanan niya lang ako.

"Huwag kang mag-alala, ako rin. Sabay na tayong mag-review?"

7th UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon