PAGE-28-

9.4K 101 9
                                    

AN:B-DAY ngayon ni codilyn bronte at dahil b-day niya etong update ko.greet niyo siya kung friend niyo siya sa fb..mamats sa patuloy na nag-reread nito..

PAGE-28-

Nanginginig yung mga tuhod ko at napataas pa ako nang kamay na parang susuko.kagat-kagat ko din yung ibabang labi ko sa kabang nararamdaman ko.pakiramdam ko sasabog ang puso ko at mabibingi ako sa lakas nang tibok niyon.

"humarap ka!"utos nito sakin

Unti-unti nga akong humarap dito nang nakapikit,ramdam ko naman na sa pagharap ko sa noo ko naman napatutok ang baril nito.ilang segundo din akong nanatiling nakapikit lang,napadilat nga lang ako nang marinig ko ang marahas na pag-hinga nito at pagtanggal nang pagkakatutok nang baril sa noo ko.

Masyadong madilim dahil nga walang ilaw kaya hindi ko makita ang itsura nito.may narinig naman kaming mga yabag at sa gulat ko bigla nalang ako nitong hinatak para makapagtago sa imbakan nang mga kahon.Mistulang nakayakap nga ito sakin sa ayos naming dalawa.parehas kaming nakahilig sa isat-isa

"ano na!asan na?"narinig naming sigaw nang isang lalaki

"nandyan lang yun!bilisan niyo at hanapin niyo agad."pagkatapos nang usapan na iyon,tumahimik na ulit ang paligid

Para namang nakahinga nang maluwag yung lalaking nakahawak sa ulo ko.nakasubsob na nga yung mukha ko sa leeg nito,dahil sa pagkakahawak nito sakin.unti-unti ko namang inangat yung mukha ko nang magkalakas ako nang loob na titigan ito.

Napatingin din naman ito sakin,bukas yung malaking bintana na malapit samin,kaya sapat ang liwanag nang  buwan para makita ko kung sino ito.ilang segundo din akong parang nawala sa sarili bago nasambit  ang pangalan nito

"ha..har..harley."una-unahang  naglandas ang luha sa mga mata ko nang makilala ito

iniwas naman nito yung tingin sakin at tumingin sa gilid.halos mapatakip ako nang bibig para lang mapigilan ang paghikbi ko.halata mo ang pag-hihirap na naranasan nito sa mga kamay nang tauhan nang Daddy ko.

halos pikit na yung kaliwang mata nito dahil sa pamamaga at yung gilid nang labi nito at mga pisngi ay puno na nang pasa.nangangatal na hinawakan ko ang mukha nito paharap sakin.malungkot lang itong napatitig sakin

"i'm sorry..i'm so sorry.."umiiyak na niyakap ko ito nang mahigpit,halos ilang minuto din bago ko naramdaman ang pag ganti nang yakap nito sakin

"gusto kong magalit sayo,sa lahat-lahat nang ginawa nang magulang mo sakin,sa pagtataksil mo sakin.pero hindi ko magawa..hindi ko magawa dahil hindi kita kayang saktan Odin,hindi ko kaya kasi mahal na mahal kita."mas lalo pa akong napaiyak at siniksik ang sarili dahil sa sinabi nito

"patawarain mo ako Harley,patawarin mo ako..ito lang ang kaya kong gawin..ito lang."marahan namang hinaplos nito ang buhok ko

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon