PAGE-16-

10.9K 105 10
                                    

PAGE-16-



Hindi siya pinatulog nang gabing iyon,kahit anong pilit niyang matulog hindi mawala sa isip niya ang mga pangyayari noon.ang pangyayaring nakapag-pahiwalay sa kanya sa batang lalaking palagi niyang kasama noon.



Apat na taon siya nang mabulag siya dahil sa isang aksidente at dahil sobrang bata pa niya para sa isang operasyon,mas pinili nang mga magulang nilang hindi muna siya operahan.simula nang araw na iyon nabuhay siyang palaging may tungkod na dala 



Ang tungkod na iyon ang siyang nagiging gabay niya sa tuwing maglalakad siya nang walang kasama.maayos pa siya nung mga panahon na nasa anim na taon pa siya.palaging nasa tabi niya ang mommy at daddy niya para umalalay sa kanya



Pero,sumapit ang araw na nag-sawa yata ang mga itong alagaan siya kaya kumuha nalang ang mga ito nang talagang mag-aalaga sa kanya.madalang nalang niyang makasama ang mga magulang niya dahil sa negosyo nang mga ito.


Naiiwan siyang mag-isa sa bahay kasama nang mga katulong sa bahay,nagpapaskong mag-isa at nag cecelebrate nang birthday na mag-isa.tanging mga regalo nalang buhat sa mga ito ang nakukuha niya sa araw nang mahahalagang okasyon sa buhay niya



Naawa siya sa sarili niya at gusto niyang takasan ang mundong iyon pero wala siyang magawa kundi umiyak nalang at magmukmok sa kwarto dahil isa siyang bulag.lumipas ang dalawang taon pa na halos ganun lang at takbo nang buhay niya



Walong taon na siya noon at pumapasok na sa school pero tampulan naman nang tukso dahil sa pagiging bulag niya.pinili niyang maging normal yung buhay.pero mahirap din pala kung aping-api kana sakanila



hoy,bulag tumabi ka nga diyan.break time nun at naglalakad siya nang biglang may tumabig sa kanya



haha!si bulag nagdapa.”hindi siya sumagot sa sinabi nang mga ito sa kanya at pinilit na tumayo mula sa pagkakadapa niya


hindi tama yung ginawa niyo!mag sorry kayo.narinig niyang sigaw nang isang batang lalaki



bakit naman kami mag-sosorry sa kanya?kasalanan ba namin na naging bulag siya.



ang sama mo!pagkatapos nang salitang iyon ay nagkagulo na ang lahat



Hindi niya maintindihan yung gagawin dahil sari-saring mga tinig na ang naririnig niya.hanggang sa narinig niya ang boses nang isang teacher na umaawat pala sa dalawang batang ngayon ay nag-susuntukan na daw.



Simula nang araw na iyon nakakilala ako nang isang kaibigan,kaibigang palaging nasa tabi ko pag kailangan ko nang masasandalan.dalawang taon ang tanda nito sa kanya.kaya palagi siya nitong sinasamahan at inaalalayan sa mga bagay na ginagawa niya

at sa tatlong taon na iyon hindi nito sinasabi ang pangalan sakin,ang sabi nito siya daw ang nakatakdang mapangasawa ko balang araw kaya ang itawag ko daw sa kanya ay future husband.sa totoo lang natuwa siya sa sinabi nito pero alam naman niyang biro lang nito yung sinabi



pwede ba kitang maging husband paglaki ko?tatlong buwan narin buhat nang maging kaibigan niya ito



hah?gulat nitong sabi habang nasa garden sila nang school



ang sabi ko ikaw ang gusto kong maging future husband ko!”sigaw niya nang nahihiya dito



haha,ahaha!”alam naman niyang nakakahiya yung sinabi niya dahil napakabata pa niya pero gusto niya talaga ito,tutal at sinabi naman din nito sa kanya na siya ang nakatakdang mapangasawa nito balang araw

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon