PART-18-

10.6K 106 8
                                    

PART-18-

Nawala nga yung lungkot ko napalitan naman nang pagkalito,patuloy sa pag lapit sakin si kaden.si harley naman ay hindi nalang umimik dahil sa sinabi nitong timbangin ko kung sino ang talagang mahal ko

lumipas pa nang lumipas ang araw mas lalo siyang naguguluhan sa nararamdaman niya.mahal niya si harley pero mahal niya din si kaden.ano bang klaseng puso ang meron siya ngayon?,masyado naman atang sakim

"sweety."nilingon niya si harley habang magkatabi silang nakaupo ngayon sa damuhan sa park

"alam mo ba na dati akala ko hindi na ako makakakitang muli.akala ko noon tuluyan na akong magiging bulag kasi humina din yung puso ko noon kaya hirap silang operahan ako."bigla nalang niya iyon nasabi dito na hindi niya alam kung bakit

hindi ito umimik sa sinabi ko,nanatili lang itong nakikinig sakanya at ang mga mata ay sa unahan na nakatingin at hindi sa kanya.isang pagbuntong-hininga ang ginawa niya bago muling pinagpatuloy ang pag-sasalita.

"ang lungkot-lungkot ko nun kasi wala akong makita,naiingit ako sa iba kasi sila nakikita nila yung mga bagay na gustong-gusto kong makita.katulad nang asul na langit at mga bituin sa kalangitan"nangingilid na naman ang luha niya pag naalala niya yun

tahimik parin itong nakikinig lang sa kanya,hindi man ito tumitingin sa kanya naramdaman naman niya yung mahigpit na paghawak nito sa kamay niya.yung paghawak na iyon,alam niya ang pahiwatig ay magpakatatag ka

"tapos,isang araw dumating si kaden sa buhay ko,pakiramdam ko nun kahit bulag ako nakikita ko nadin ang mga nakikita nang ibang batang katulad ko na hindi bulag.simula nang araw na iyon natuto akong makuntento sa bagay na meron ako kahit bulag ako,ang sabi ko nga nun sa sarili ko pag laki ko isang katulad niya yung gusto kong mapangasawa,nakakatawa no?ang bata-bata kopa pero ang landi kona dahil naiisip ko agad yung pag-aasawa."

sa pagkakataong iyon lumingon na ito sa kanya nang may konting ngiti sa labi.pinahiran nito nang likod nang palad nito yung pisngi niyang nabasa nang luha niya.

"pagkatapos nun nabigyan ako nang pagkakataon na maoperahan ulit dahil may donor na daw ako nang mata.ang saya-saya ko nun hon,sobrang saya ko kasi at last makikita ko nadin yung mga bagay na gusto kong makita lalo na si kaden."

tahimik parin itong nakatingin sakin,tahimik parin ito habang sobrang higpit na nang hawak sa mga kamay ko.pero ganun paman kababakasan na nang lungkot ang mukha nito.

"hindi ko man nakilala yung taong nag mamay-ari nang mga mata ko,palagi akong nanalangin noon na sana kung naririnig ako nung may ari nang mga mata ko,sobrang nagpapasalamat ako sa kanya.dahil sa kanya nakikita kona yung mga bagay na pinagdamot saking makita noon,mga taong mahal ko tulad mo hon."

niyakap siya nito nang mahigpit,yung yakap na puno nang pagmamahal at pang-unawa,yakap na hinding-hindi kana din bibitaw dahil gusto mo lang iyon damhin hanggang sa huling hininga mo sa buhay.

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon