PAGE-49-

8.1K 109 17
                                    

PAGE-49-

Ang sakit-sakit nang ulo ko kinabukasan.tanghali narin naman ako nagising.paglabas ko naman nang kwarto nabungaran ko si Near sa kusina na nagtitimpla nang juice.

“gising kana pala!naghanda ako nang pagkain mo,kumain kana!”umupo naman ako sa silyang nakaharap dito

“salamat at sorry kagabi”

“ayos lang!nga pala si Harley at Yvon umalis na sila kaninang madaling araw”napatunghay naman ako dito at kunot noong tinignan ito

“umalis?”napabungtong-hininga nalang ako bago ulit nag-salita “ganun ba!”

“Odin,sinusukuan mo naba si Harley?”

“nagugutom na ako,pwede bang kumain na ako”tumango naman ito at hindi na nagtanong

Nakuntento nalang itong panoorin ako.nakakawalang gana nga kung tutuusin.pero pinilit ko nalang ubusin dahil pinaghirapn ito ni Near.nakuha ko itong biruin na masarap magluto kahit na ang utak at puso ko,lumilipad kay Harley.Ako nalang din ang nagprisinta na mag-hugas nang pinagkainan ko.hinintay lang naman ako nito na matapos.

“girlfriend..may nangyari ba sa inyong dalawa ni Harley?bakit nagmamadaling umalis yun kanina?”salubong sakin ni Throwie

“baka naman magpapakasal na kaya ganun!”

“huwaaattt?”kulang nalang mabingi ako sa lakas nang pagkakasabi nito.nagkibit-balikat na nga ako at iniwan ito,pilit naman ako nitong hinabol

“girlfriend naman,huwag mong hayaang..”

“tapos na samin ang lahat,Malaya na siya!”

“what?odin naman!bakit sinuko mo si Papa Harley sa babaeng lukaret na iyon!”napa-iling naman ako nang sumingit si Nina

“pwede ba!bigyan niyo naman nang katahimikan ang buhay ko,kahit ngayon lang!wag niyong hayaan na isipin ko nang isipin si Harley.may buhay siya may buhay ako!ano pabang gusto niyo?”nag-sitahimikan naman ang mga ito

Asar na iniwan ko ang mga ito,hindi narin naman ako sinundan nang mga ito.naramdaman atang gusto kong mapag-isa.naglakad-lakad na nga lang ako sa dalampasigan at naupo sa buhangin.mabuti pa dito payapa,ang tanging maririnig mo lang yung lagaslas nang alon at ihip nang malakas na hangin

Hindi naman mainit sa part na pinagkakaupuan ko.tanda ko rin naman ang napag-usapan namin ni Harley kagabi.at tanda ko rin ang mukha niyang nasaktan sa sinabi ko.hay!bakit ba napagulo nang salitang pag-ibig?

Sadya din talagang matututo ka dito.matututo kang mag-tiis,umiiyak,lumaban,mangarap,sumugal at higit sa lahat matututo kang tanggapin na ang isang bagay ay hanggang doon nalang at hindi na pwedeng madugtungan pa

Natapos narin naman ang pagbabakasyon namin sa batangas.kanya-kanya na naman kaming balik sa sariling buhay.wala rin naman akong naging balita kay Harley,kung tutuusin mag-iisang linggo na nga mula ngayon

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon