Chapter 18

85.4K 714 57
                                    

CHAPTER 18

"Get up!" Naramdaman ko pang may tumatapik sa balikat ko. Hindi ako dumilat dahil inaantok pa ako at sobrang masakit pa din talaga ang katawan ko hanggang ngayon.

Parang halos kakatulog ko lang, pagkagaling sa school diretso uwi agad ako at natulog.

"Hey!"

Dali-dali akong napaupo mula sa pagkakahiga dahil sa gulat sa pagsigaw ng gumigising sa akin. Nagdilat ako ng mata saka humiga ulit at pumikit. Wala akong lakas mainis ng sobra kaya matutulog na lang ako ulit.

"I'm not eating dinner. I still need a lot of sleep so please, leave me alone,"sabi ko. Tinakpan ko pa ng unan ang mukha ko para iparating na ayokong magpaistorbo.

"I said I'll pick you up at 7!" sagot nya.

Napakunot ang noo ko nang mag sink in na parang lalaki ang nagsasalita. Agad akong napabangon at hindi nga ako nagkamali. Lalaki nga ang kausap ko kanina pa na nandito ngayon sa kwarto ko.

"Fix yourself," sabi nya at bahagyang nag-iwas ng tingin sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?" nagpapanic na tanong ko. Nakakahiya. Ang nipis nipis ng suot kong sando tapos wala pa akong suot na bra at ang shorts ko ay sobrang iksi.

"I texted you earlier," sabi nya na hindi makatingin.

"You didn't text me. Yuan did."

Bumaling sya sa akin sandali at nag iwas din agad.

"Will you please wear something decent?" sabi nya.

Tinakip ko sa aking katawan ang comforter ko at hinintay ang kanyang pagsagot.

"Paano ka nakapasok dito?"

"Kanina pa ako nagdodoorbell pero walang nagbubukas kaya sinubukan kong buksan yung pinto at hindi naman nakalock kaya pumasok na lang ako."

Napamura ako sa isip. Hindi man lang ni lock ng mga babaeng 'yon ang pinto at iniwang bukas. Paano na lang kung magnanakaw at rapist ang pumasok sa akin dito?

"Why are you picking me up? Are you trying to take me out on a date?" halos di makapaniwalang sabi ko. I couldn't think of any reasons why are we going out.

"We are going to a party. Get ready in 10," sabi nya at tinalikuran lang ako.

"Why do I need to come with you?"

"Because I asked you to."

"Ang bossy mo!"

"Ayaw mo?"

"Ayaw."

Nagkibit balikat lang sya. "Marami naman dyan. Yuan just recommended you," tumayo sya at lumabas ng kwarto ng maisip ko kung bakit ako nirecommend ni Yuan.

Hinabol ko sya na nasa hagdan na at bumababa nang maabutan ko.

"Hintayin mo lang ako sa baba."

I wore a black tube dress that fell just above the knee and partnered it with black high top leather martin boots. I applied light make up and I was good to go.

Pagkakita sa akin ay tumayo sya agad at hindi na ako hinintay makababa. Napairap na lang ako sa kawalan at sinundan sya sa kanyang sasakyan.

"Now tell me, why do you need to bring me with you?" tanong ko nang nakaupo na ako ng maayos sa shotgun seat.

Wala akong natanggap na sagot. Imbes na ipiagpilitan ang tanong ko ay nanahimik na ako. Sa buong durasyon ng byahe ay tahimik kaming dalawa

Nang huminto ay nilingon nya ako. "You just have to stand beside me all night," sabi nya at lumabas na.

Mr. COLD (the heartbreaker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon