Chapter 14

89.8K 745 68
                                    

CHAPTER 14

Napahawak ako sa ulo ko ag kinapa ang cellphone sa tabi ko nang may tumawag. Tinignan ko ang oras bago sinagot at 5:30 pa lang ng umaga. It was Saturday at ang maistorbo sa pagtulog ng ganitong araw ay nakakainit ng ulo.

"What?" masungit na sagot ko. Si Yuan ang tumawag.

Yuan:
Nasaan ka na?

Ako:
It's weekend,Yuan. Of course I'm still sleeping.

Napairap na lang ako sa kawalan. He should know that I was disturbed!

Yuan:
We have practice. Pumunta ka na ngayon dito at iinit na naman ang ulo ng sweetheart mo.

Napabangon ako sa narinig. Ako na nga pala ang manager nila at kapag may practice ay kailangan din ako. Ngayon ko lang napansin na pabulong syang nakikipag usap sa akin.

Ako:
Am I late? Pwede bang hindi muna ako magpunta ngayon?

Alam kong magtatalo lang kami ni Kurt dahil sa pagiging late ko. And I didn't want to put up with his shits right now. Ang utak ko ay nakatutok sa pahinga at para mabago ito ng bigla ay nakakawala sa mood para sa akin. We would clash and it wouldn't be good.

Yuan:
Bascta magpunta ka na ngayon, unahan mo na sya hangga't wala pa.

Ako:
Fine

Binaba ko na agad at nag ayos para umalis. Huwag lang talaga sya aattitude sa akin ngayon.

Nagmadali na ako at pagkatapos ng kulang kulang isang oras ay nasa audi na ako.

"L.A!" si Carlo ang unang nakapansin sa akin.

Nagkalat pa sila at kanya kanya ng ginagawa. Nilapag ko muna ang mga gamit ko saka lumapit kay Ice na syang pinaka malapit sa pinagbabaan ko ng gamit.

Nagkwentuhan kami ng kung anu ano at nang matagal na ay hindi pa nagsisimula, nainip na ako.

"Ba't ang tagal nyo magsimula? We should start now para mas maaga din ang tapos."

Lumingon pa ko at may mga kanya kanya pa rin silang ginagawa.

"We're waiting for Kurt."

At talagang paimportante din naman pala.

"Alam naman nya na may practice kayo ngayon no?" Tumango si Ice. "Paimportante! Babatuhin ko ulit ng bola 'yon sa ulo makita nyo!"

Tumawa sya, aliw na aliw sa mga sinabi ko.

"Masyadong mainit sayo si Kurt no? Di mo type?"

"Type na type lang," sabag ni Yuan.

Tinitigan ko ng masama at nilunok nya ang tawa nya. Makuha ka sa tingin.

"Baka naman namimiss mo lang kaya hinahanap mo!" sabi ni Emman. Nagtawanan silang lahat at kinantyawan ako.

"May tumawag na ba don? Pakisabi naman bilisan at 'wag masyadong paimportante! Yuan, paki nga please?"

"Sinong paimportante?"

Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko.

"Bakit ka ba nanggugulat?!" sigaw ko sa kanya.

Ini snob nya ako at nagsimulang kausapin ang buong team. Tumahimik ako at nakinig lang din sa lahat ng sinasabi nya.

He maybe a jerk but he sure as hell seem to be an effective team captain. Nakakagwapo pag ganyang seryoso sya.

Pagkatapos ng mga sinabi nya ay nagstart na sila.

Mr. COLD (the heartbreaker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon