Chapter 28

78.4K 717 74
                                    


CHAPTER 28

Maghapon kaming nakakulong sa kwarto at maghapon naman nagtetraining ang buong team. Ngayon lang kami nagkayayaan magswimming at lumabas. 

"Mag swimming tayo tutal hapon naman na kaya hindi na masyadong nakakasunog ng balat ang init."

Pagkatapos namin magbihis ay nagpunta kami sa may bandang dulo ng resort para hindi naman masyadong matao. Meron din namang ibang tao sa napuntahan namin kaya lang hindi kasing dami ng tao roon sa may bungad.

"Langoy tayo hanggang sa kabilang part?" nanghahamon na sabi ni Liz.

"Private na yata sa parteng iyon eh," sagot naman ni Yna.

"Tara tignan lang natin yung kabila, mukhang exciting magpunta roon eh."

Nakaupo kami sa isang malaking buhay na bato sa pinakadulo ng resort na pinuntahan naming at natatanaw namin ang kabilang parte ng isla na medyo mapuno. Hindi na sakop ng resort ang kabilang parte at mukhang private property na.

Nagkatinginan kaming apat at sabay-sabay na napangiti. Gusto namin pare-pareho na puntahan ang kabilang part. Nagkasundo kaming apat na magtrespass at pinuntahan namin ang parteng mapuno.

Naghubad kami ng suot naming mga dress at nilangoy ang hanggang sa kabilang parte na mukhang private property.

Naglilibot na kami sa kabilang parte at mukha ngang private ang parteng ito. Nagtatawanan pa kami habang naglalakad ng mapadpad kami sa harap ng isang napakagandang bahay. Nagkatinginan kami at halatang sila ring tatlo ay namangha sa ganda ng bahay sa harap namin.

Nanigas kaming apat ng biglang may tumahol at sa harap namin ay may lumabas na isang malaking aso na mukhang lalapain na kami at galit na galit na nakatingin sa akin. Namalayan ko na lang na nagtakbuhan silang tatlo, samantalang ako ay hindi na nakakilos sa kinatatayuan ko sa takot na baka habulin at baka maabutan ako ng aso. Hindi man lang nila ako hinila para isama sa pagtakbo.

Huminga ako ng malalim at tahimik na nagbilang hanggang tatlo. Tatakbo na sana ako nang biglang may nagsalita.

"Dont move!" Napaligon ako sa may bandang likuran nung malaking aso. Nakatitig kasi ako sa aso kaya hindi ko nakita ang lalaki kanina na parating.

"Don't run if you dont wanna be bitten," sabi nya sakin habang lumalapit sya sa aso. Hinimas himas nya ito sa ulo nang nakalapit na siya. "Go now, Angel," sabi nya na nakangiti at biglang tumakbo yung aso sa direksyon ng malaking bahay.

Angel ang pangalan ng aso na yun eh mukha namang demonyo na parang lalapain na 'ko kanina.

"What are you doing here?"

"N-naligaw ako eh," sabi ko. Sa kawalang masabi ay walang keenta ang nasabi kong ipalusot sa kanya.

Bigla syang tumawa ng nakakaloko. "Try again."

Patay na ako nito, hindi sya naniwala sa akin. At sino nga naman kasi ang maniniwala sa napaka lame na palusot ko? Anong sasabihin ko? Baka ipadampot nya ako sa pulis dahil sa pagtetrespass ko.

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa habang nakahawak pa sya sa baba nya pero hindi man lang ako nailang sa kanya kahit pa naka two piece lang ako.

"Trespasser," sabi nya pero hindi pa din ako nagsasalita. Biglang may maid na dumating na may hawak na oversized T-shirt at inabot sa lalaki.

"Oh isuot mo," sabi nya at inabot sakin ang T-shirt na dala ng maid kanina. Kinuha ko naman sa kanya at sinuot ko. "Angel hates red that's why you were his target," sabi nya pa na inginuso ako. Red kasi ang twopiece na suot ko. Ano ba talaga ang alaga nya? Aso o toro?

Mr. COLD (the heartbreaker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon