Chapter 15

87.7K 684 46
                                    

CHAPTER 15

Hindi na ko nakisakay sa mga biruan at hindi din naman ako nagpahalatang masyadong affected dahil panigurado ay lalo lang ako kakantyawan. Halos buong araw ay inasar nila kami at mukhang nakuha na ni Kurt na ang mapikon ay mas lalong bubuskahin kaya gaya ko ay sumunod lang sya sa agos.

Hindi ko pinahalata pero ako na ang nabubwisit kaya naman pangiti ngiti na lang ako. Maghapon nya din ako binubwisit at nagtagumpay sya sa pambubwisit sa akin.

"Oh tapos na practice? Pwede naman na sigurong umuwi diba?" sabi ko.

"Oo sige pwede na LA, gusto mo bang ihatid na lang kita?" si Yuan. Nakangiti akong tumango

Inakbayan ko sya at sabay kaming naglakad palabas.

"Yuan!" biglang tawag ni Kurt bago pa kami makalabas ng audi.

"Bakit?" nilingon namin sya.

"We should celebrate her being a part of our team."

Inirapan ko. Gusto nya lang akong bwisitin. Feeling close na.

"Pass ako," sagot ko na lang. "I want to rest. Sa dami ng inutos mo kanina ay kailangan ko talaga magpahinga," sabi ko.

He smirked. "That's your job," sabi nya na ipinagkibit lang ng balikat ang pang aakusa ko sa kanya.

"We can chill at your place," he suggested, hindi pa rin binibitawan ang celebration na kahapon pa nila inuungot sa akin. Ang kaibahan lang ay si Kurt ang nagpupumilit ngayon.

Hindi na ako nakatanggi ng excited silang nag ingay. Anong trip nya at feeling close na sya?

Habang nagkakasiyahan ang lahat ay nagtitigan kami. I could pretend that this doesn't affect me, that I wasn't even slightly annoyed of all the teasing, but I could only fool myself, he knew better. And by the way he was looking at me funny, I was pretty sure he intentionally suggested all this. To push me more. He could see right through me and I hated every bit of it.

"Tama na titigan, mamaya magka inlove-an kayo diyan," panimula na naman ni Yuan.

Tinulak tulak pa ako ng bwisit na akala mo ay ikninatutuwa ko pa ang pang aasar nya.

"Don't even think I am slightly interested. You're not my type!" nandidiring sagot ko na lang.

"You won't pass my standards. Height pa lang ay bagsak ka na," nang iinis na sagot nya. Nakatawa pa!

"Ano namang paki ko sa standards mo?" tinalikuran ko na ulit sya at humarap kay Yuan. "Tara na Yuan at baka hindi ako makapagpigil sa bakla na yan."

Nauna na akong naglakad at alam ko namang nakasunod silang lahat sa akin. Narinig kong nag usap silang mag convoy na lang papunta sa amin at ako ay kay Ice sasabay.

Kinuha nila ang address ko at sinabing susunod na lang ang iba dahil bibili pa sila ng beer at ng chips. Magdadrive thru na lang din ang iba para sa bahay na rin kami sabay sabay na kumain.

Nang makarating sa bahay ay nagulat ang tatlo nang kasabay kong pumasok sina Ice, Emman at Carlo. Nakasunod na sa amin sina Glenn at Allen.

Sinabi ko sa kanila ang mga napagplanuhan at hindi man umangal at nagsalita ay titig pa lang nila alam ko nang hindi nila nagustuhan.

"Lei bakit naman biglaan pa to. Pinagod mo kami imbes na nakahiga lang kami ngayon eh," mareklamong sabi ni Liz nang mapag-isa kaming apat.

Nasa kusina kami at nagpeprepare para mamaya pagdating ng mga makukulit na players. Si Yna naman talaga pinaka busy sa amin at pinakamaraming ginagawa pero dinaig sya ni Liz kakareklamo. Hindi ko na nga lang pinapansin at baka magkasagutan lang kami.

"Maj, hi!" nakangiting pasok ni Ice sa kusina. He was wearing a simple navy blue t-shirt and a khaki shorts. May cap sya na nakasuot patalikod.

Nagtinginan kami kay Maj at parang nangamatis ang mukha nya sa pagkapula.

Hindi sya pinansin ni Maj.

Narinig ko pang inaasar ni Ice si Maj. Nagkatinginan na lang kaming tatlo.

Hindi nagtagal ay sumunod na rin ang apat kay Ice. Saktong pagpasok nila ay ready na ang mga pagkain na prinepare ni Yna. Sisig at tokwa't baboy.

Nilantakan nila agad. Sina Emman at Glenn ay sinimot pa ang kanin namin, gutom daw sila.

"Nandyan na ba sila lahat?" tanong ko sakanila.

"Si Kurt ba L.A? Nandyan na," natatawang asar ni Carlo. Binato ko ng hawak kong kamatis.

Pinapunta ko silang lahat sa living room para doon na lang sila maghintay at masyadong magulo kung marami kaming nagsisiksikan sa kitchen. Sumunod naman sila at nagkanya kanya na lang sila ng dala ng mga pagkain sa sala.

Paglabas namin ay pinakilala ko sila sa lahat.

"Yuan, Ice, Steven, Ken, Allen, Kristian, Carlo, Emman, Glenn, Bryan, Angelo, Michael, Ron..." Inisa-isa pang tinuturo ni Liz habang binabanggit nya yung mga pangalan nila. "Eh nasaan si Kurt?"

"Nagpapausok sa labas," sabi ni Ron at nagtawanan sila.

"Papasukin mo na Ice," sabi ni Yuan.

Patayo pa lang si Ice ay pumasok na sya. Nagkakainan na kami at lahat ay nakatingin sa kanya.

Hindi ko na naipakilala si Kurt sa tatlo dahil hindi naman kami close at baka pare pareho lang kaming mapahiya kapag ginawa ko at wala man lang syang ka rea reaksyon. Baka hindi kami pansinin at talagang palalayasin ko sya sa pamamahay namin.

Habang tumatagal ay mas lalo kaming umiingay lalo nang medyo nakakarami na sila ng inom. Hindi sila bumili ng hard drinks at puro beer lang naman.

Panay ang asaran nila at tawanan.

"Si Ice si Ice!" paulit ulit na sabi ni Ken. Hindi ko na masyadong nasundan ang asaran nila at kinakausap din ako ng katabi kong si Maj. Narinig ko lang ang sinabi nang mapahinto si Maj sa sinasabi.

Nilibot ko ng tinginang buong living room at huminto ang tingin ko kay Kurt. He was smiling. Marahil ay dahil sa asaran ng kanyang mga kasama.

"Gago," natatawang sabi naman ni Ice at binato ng unan sa mukha si Ken.

Kahit hindi ko alam ang kanilang pinag uusapan ay natatawa na lang din ako sa kanila. This was actually what I liked about them. They're just so easy to be with.

Sa gitna ng asaran ay muli akong napatingin kay Kurt. Tumatawa na sya at nakakamangha na ibang iba ang aura nya kapag tumatawa sya.

Marahil ay naramdaman na may nakamasid ay napalingon din sya. I didn't look away, too engrossed by his expression. Nakatawa at parang walang pinoproblema.

Napawi ang kanyang ngiti at napatitig din sa akin.

Mr. COLD (the heartbreaker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon