Chapter Seventeen

54.7K 620 65
                                    


"Baby doll. Bakit hindi ka sumabay kay Kuya kanina?" Naka kunot-noo na tanong sakin ni Adien habang nagmamaneho to.

Papunta na kami ngayon kila Nixon at nauna na si Alexis don, nagdahilan ako kay Alex kanina na may tatapusin pa ko kaya hindi ako makakasabay sa kanya at nagsabi na ko kay Adien na sa kanya ako sasabay.

Sinulyapan ko saglit si Adien bago ko binalik yung tingin ko sa labas ng bintana. "May tinapos pa ko."

"Tinapos?"

Sumulyap ulit ako dito at nakita ko na tumaas yung sulok ng labi nito habang tinatapik tapik ng daliri nito yung manibela.

Saglit tong sumulyap sakin. "What's wrong? You're always keeping it to yourself. Ano pa ang dahilan at naging bestfriend mo ko kung paglilihiman mo na naman ako."

"What are you talking about?" Naiilang kong tanong kay Ade habang iniiwas ko yung tingin ko dito. "Wag kang masyadong OA, may tinapos lang talaga ako."

"If you say so."

Akala ko titigil na si Adien pero nagulat ako ng tinawag ulit nito yung pangalan ko. Napilitan tuloy akong tignan to. "What?"

He started to smirk and wiggled his eyebrow. "What happened to your date yesterday?"

I rolled my eyes. I knew this was going to happen. Usisero talaga tong si Ade ever since. "Sinamahan lang nya ako na mag shopping, date ka naman dyan."

"Come on, just tell me."

"Anong sasabihin ko sayo?"

"Everything! Details baby doll...Details."

Natatawa lang na pinikit ko yung mga mata ko at hinayaan ko si Ade na mag usisa hanggang kelan nito gusto. Para sa isang lalaki napaka tsismoso talaga nitong lalaki nato.

"Baby doll, you know that sooner or later you're gonna tell me about it. You might as well tell me now." Adien said, there's a hint of warning in his tone.

Alam ko naman yon at mukang pati si Ade kelangan ko munang pagtaguan ng ilang araw.

I'm just freaking scared! Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan si Alexis ngayong 100% sure na ako na mahal ko pa rin sya at hindi ko na kayang mag kunwari pa.

What if Alexis finds out and rejects me again? Paano naman ako? Hindi ko alam kung paano ko iha-handle yung another rejection from him.

Nakaka trauma din kaya ma reject at hindi naman bato yung puso ko. Tshh..

I was snap out of my thoughts when Ade gently nudged my shoulder. "Baby doll, we're here."

I slowly opened my eyes and looked outside. Andito na nga kami sa tapat ng bahay nila Nixon. Nilingon ko si Ade, saka ko lang napansin na nakatitig sya sakin na para bang binabasa nito yung iniisip ko.

Naiilang na iniwas ko yung tingin ko dito. Ade can read me like an open book kaya natatakot ako na baka matumbok nito yung dilemma ko.

"Come on, baka kanina pa naghihintay si Alex." Nakangiti akong sumulyap saglit sa pwesto nito bago ko binuksan yung pintuan sa side ko.

Makalipas yung ilang minuto saka lang sumunod sakin si Ade. Umiiling-iling at nakangiti na tong umakbay sakin habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Nixon.

"Just for tonight, I'll let you slip away." Ade whispered in my ear and chuckled.

Natatawa lang na siniko ko yung tagiliran nito bago ako nag doorbell. Pinagbuksan agad kami ng maid nila Nix. Nakangiti lang akong nagpasalamat sa maid habang si Ade naman nauna ng pumasok sa loob.

Nakita agad namin sila Tita sa sala. "Tita." Nakangiti na tawag ko dito. Nakangiti din na lumingon samin si Tita mula sa kausap nito. "Hija. Hijo." Nakangiti tong lumapit saming dalawa ni Ade.

"Tita! You always manage to look good every time I see you." Ade said with his charming voice and expression.

I mentally rolled my eyes. Nasa charming mode na naman tong lalaki nato. Nakita ko yung paglawak ng ngiti ni Tita at masaya nitong tinapik yung balikat ni Ade pagkatapos nitong pitikin yung ilong nito. "Ohh Hijo. Magkaibigan nga kayo ni Nixon. Parehas nyo kong dinadala sa bola."

Bago pa makasagot si Ade, hinalikan ko na yung pisngi ni Tita. "Hindi yon bola Tita. I agree with Ade, you look gorgeous as always."

Masaya akong niyakap ni Tita at nanatili na nakahawak sa balikat ko yung kamay nito pagkatapos. "Thank you princess. Nasa genes na yata natin yan."

"Natumbok mo Tita." Nakangisi at naka kindat na sabi samin ni Adien.

Sabay sabay nalang kami na natawa na tatlo. "Where is Nix, Tita?" Tanong ni Ade pagkatapos lumipas yung tawanan namin, nilibot nito yung tingin nito sa buong living room pero mga amiga at ilang kamag anak lang namin yung nandito.

Where is Alexis? Iyon sana yung gusto kong itanong ng hindi ko makita si Alex sa paligid.

"Oh nasa pool sila, kasama yung mga kaibigan nya. We're also going out later, kami ng Tito nyo kaya solo nyo tong bahay."

Iyon ang maganda kay Tita, napaka cool Mom nito kay Nixon. Sigurado ako na sa kaibigan na sinabi ni Tita, karamihan don mga babae.

Lumingon ako kay Ade at nahuli ko yung ginawa nitong pag ngisi. Mukang pareho kami ni Ade ng iniisip.

"Nasa dining room yung pagkain, kumain muna kayo." Nakangiti na pinisil ni Tita yung balikat ko at ni Ade bago kami nito iniwan at naglakad pabalik sa kausap nito kanina.

"Ooopppps, where are you going?" Taas kilay na hila ko sa damit ni Ade ng magsimula natong maglakad paalis.

"Pool." Painosente tong tumingin sakin.

"Pool or Girls?" Nakairap kong tanong dito.

"Ahhm beer?" Pa cute pang sagot ni Ade.

"Not gonna happen. Pumunta ka munang dining room at kumain ka muna kahit konti lang."

"But-----" I cut him off. "Now." Taas kilay kong tinuro yung dining room.

Lulugo lugong pumunta sa dining room si Ade habang ako naman naiiling nalang na nakipag usap muna sa iba pa naming kamag anak.

Pupuntahan ko na sana si Ade ng makita ko si Trixie na pababa ng hagdanan. Kinukusot kusot nito yung mga mata nito habang akay akay sya ng katulong. Ohh! She's so cute.

"Trixie." Nakangiti na tawag ko dito.

"Ate Angel!" Nakangiti tong tumakbo at lumundag sa kinauupuan ko.

"Where's my Prince Charming?" Nakangiti agad nitong tanong sakin pagkatapos halikan yung pisngi ko.

Napalitan ng pagtataka yung ngiti ko. "Hindi mo pa nakikita si Prince?"

Tumingala at umiling to ng paulit-ulit. "Sleep." Nakangiti nitong sabi habang kinukusot kusot pa yung mga mata nito.

Nasa taas siguro to ng dumating si Alexis. Aayain ko na sana si Trixie sa pool ng maalala ko na baka kung ano pa ang makita nito sa labas. Masyado pang bata si Trixie para makita yung party ni Nixon.

"Ok wait lang princess, tawagin ko lang yung prince mo." Ginulo ko yung buhok ni Trixie bago ako tumayo at naglakad papunta sa pool para hanapin si Alexis.

Act cool Angelica! Just be yourself and everything will follow.

Pagkalabas na paglabas ko sa pool, hinanap agad ng mga mata ko si Alex sa mga lalaki na nag iinuman sa gilid at mga babae at lalaking naghaharutan sa pool.

Nakita ko agad si Alex sa kaliwang bahagi ng pool na may kausap na babae na halos para ng sawa kung makapulupot dito.

Déjà vu. I gulped hard and gripped my chest.

Napansin ko na parang pamilyar yung mukha nung babae kaya tinitigan ko ng maigi yung mukha ng babaeng nakayakap sa braso ni Alex habang lumalapit ako ng konti sa kanila.

Nanlaki yung mga mata ko ng matamaan ng ilaw mula sa pool yung mukha ng babae na kausap ni Alex.

Damn! Sya yung babae na kasama ni Alex two years ago!

Oh God!

DEL FRANCO BROTHERS: Alexis (The Charmer)  (PUBLISHED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon