Chapter Fifteen

56.3K 703 51
                                    


"Baby doll! This is an emergency. I need your help." Adien said in haste dahilan para maputol yung pag e-emo ko.

"What is it this time?" I rolled my eyes and just crossed my arms above my chest, resting my hips against my locker.

Minsan talaga may pagka OA tong si Adien. Emergency pa syang nalalaman tapos mamaya yung emergency na tinutukoy lang pala nya eh hinahabol sya nung babaeng kinalantari nya kagabi at syempre ano pa nga ba ang silbi ko bilang best friend nya? Edi ang maging dakilang human shield nito.

Tumalikod nalang ako dito at kaswal kong binuksan yung locker ko ng hindi ganong pinagtutunan ng pansin si Adien.

"Hindi lang pala ako ang may kelangan sayo. We all need your help."

I spun around. "We?" I frowned and raised my eyebrow.

"Basketball Team, we all need your help. What's with you and Kuya?"

I went still for a few minutes and looked at Adien, dumbfounded. What's with the random question? Nang makita ko na naghihintay to sa sagot ko, iniwas ko yung tingin ko dito.

Tumalikod ulit ako kay Adien para humarap sa locker ko. "Nothing." Mahina lang na sagot ko dito habang nagkukunwari akong may inaayos sa loob ng locker ko.

"Nothing? Are you kidding me? Kung lilipas pa yung isang araw, baldado na kaming lahat sa Team tapos ang isasagot mo lang sakin eh nothing?"

I heaved a sigh of resignation, closed my locker and spun around to look at him. Alam kong hindi din naman ako tatantanan ng lalaki nato.

I feigned ignorance. "Baldado?"

Tinitigan ako ni Adien na para bang binabasa nito kung ano yung tumatakbo sa isipan ko kaya hindi ko maiwasang mapasandal sa locker ko.

"Kuya keeps snapping at everyone. Ang masama pa wala syang ibang alam na parusa kung hindi ang patakbuhin kami ng sangkatutak na lap."

Naiinis na ginulo ni Ade yung buhok nito bago nagpatuloy sa lintanya nya.

"Alam mo ba kung naka ilang lap na ako ngayong umaga lang?" He raised his hand in the air. "Fifty laps baby doll at hindi pa kasama yung inutos nya nitong apat na araw na nakalipas. May practice na naman kami mamaya at sigurado ako pag punta ko don, another fifty laps na naman ang gagawin ko. I'm not even doing anything. Pinipersonal na nya ko baby doll."

He put his hand on my shoulders, looking serious and hopeful.

"Kaya please help me? Help us?"

Hindi ko mapigilan na matawa sa kadramahan ni Ade. Ang OA naman kasi ng reaction nito.

"Ayaw mo non exercise?"

Natatawa pa rin akong nakatingin dito. Napaka melodramatic talaga ng lalaki nato, bagay talagang artista.

"Oh please baby doll, ok lang naman sana kung exercise lang talaga pero may balak yata si Kuya na unti untiin ako. As much as I enjoy sleeping with you, sayang yung kagwapuhan ko kung mangyayari yon."

Napailing nalang ako sa sinabi ni Ade. Napaka conceited talaga ng lalaki nato.

"Malayo ka pa sa kamatayan, puno ka pa ng kayabangan sa katawan eh."

Kinuha ko nalang yung phone ko sa bulsa ko at nagkunwari ako na busy sa pagta type ng message na wala namang sense.

"Baby doll!"

Maang maangan akong tumingin sa kinatatayuan ni Ade mula sa panganga likot ko sa phone ko.

"What?"

DEL FRANCO BROTHERS: Alexis (The Charmer)  (PUBLISHED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon