Chapter One

115K 1.2K 83
                                    

"You can't do this to me Adien." Nagmamaktol kong sabi dito sa telepono habang pinapadyak padyak ko pa yung paa ko kahit alam kong hindi ako nito nakikita.

Adien Del Franco

Isa sa mga besties ko at ang nakababatang kapatid ni Alexis.

"Angel, this is not the first time na sasabay ka kay Kuya umuwi. Ano bang problema mo at nagmamaktol ka? Samantalang dati daig mo pa ang nasilihan pag sinasabi ko sayo na sumabay ka kay Kuya."

How dare him! Ipaalala pa talaga.

"You got the key word DATI hindi na ngayon at tama bang ipangalandakan mo pa yon. I was so young back then."

"Ang bitter mo. It's final Angel. Sumabay ka kay Kuya. I'll pick you up tomorrow ok? Kasalanan mo din naman. Tama ba namang ibangga mo yung kotse mo sa pader wala pang isang linggo na binigay sayo. Tshh...ni hindi ko nga alam kung paano ka nagkaroon ng license." Natatawang sabi nito.

"Sige tumawa ka pa dyan. Tama bang ipaalala pa pati yung katangahan ko?" Naiinis kong sabi dito.

Imbyerna talaga itong si Adien. Oo na kasalanan ko na. On my defense, nagkamali lang ako ng palit ng gear. Mas sanay ako sa automatic tapos tama bang manual yung binili sakin? Kaya ayon two weeks akong grounded sa kotse ko. Ayoko namang mag commute dahil masyadong hassle. Isa pa nakakaasiwang mag commute ng dahil sa uniform ko.

Pero kung si Alexis naman pala yung susundo sakin, mas maganda na mag commute nalang ako.

"Nakausap ko na si Kuya. See you tomorrow baby doll."

"Wait----"

Shit! Binabaan ako? Inis talagang Adien to! Tama ba namang ipagpalit ako sa ka-date niya. Napaka playboy talaga. Parehong pareho sila ng Kuya nya.

Isa pa tong si Cristina-isa din sa mga besties ko. May date din kaya hindi ko maistorbo.

Haiii, Ano bang meron ngayong araw na to at puro may date yung nakapaligid sakin?

Napag iiwanan na ba talaga ako?

"Sweetheart."

"Ay date!" Napasigaw ko nalang na sabi ng basta nalang sumulpot at nagsalita si Alex malapit sa tenga ko.

Alex chuckled. "Date?" He raised his eyebrow. "All you need to do is ask, Sweetheart." He said with a smirk on his lips.

"Spell Asa." Naka irap kong bulong dito sabay abot ko sa bag ko.

"Be nice to me Sweetheart. We have a deal remember?" Nang iinis na sabi nito sakin.

"Paano ko makakalimutan yung tungkol doon kung sa araw araw nalang na ginawa ng Dyos, lagi mo nalang sakin yan pinapa alala?" Taas kilay kong sagot dito.

Ang pinagtataka ko lang, isang linggo na ang nakakaraan pero wala pa rin itong miski anong inuutos sakin. Dapat ba akong kabahan ng dahil don?

"You're mine." He shrugged his shoulders at nauna na tong naglakad papunta sa parking lot.

Sumunod na din ako dito makalipas ng ilang minuto kong pagkaka-tigalgal ng dahil sa sinabi nito but I keep my distance habang naglalakad kami ni Alexis dahil akala nyo ba sa high school lang may mga tsismosa? Naglipana din kaya sila sa University. Katulad nalang ngayon. Walang humpay yung bulungan ng mga nadadaanan namin ni Alexis.

Daig ko pa may kasamang celebrity.

Lakas talagang makahatak ng tao nitong lalaki na to.

I shook my head.

I can't blame them dahil kahit saan mo naman talaga ilagay si Alexis pagpye-pyestahan at pag pye-pyestahan yung itsura nito.

Even when we're still in high school may fans club na kaya tong si Alexis. Sa tingin nyo ba sa pelikula at anime lang nangyayari yung fans club? You're dead wrong. Eto na nga yung ebidensya oh.

Sa mga katangian ba naman ni Alex hindi na ko nagtataka na may fans club to. He was very tall, nangungusap yung mga mata kung makatingin, matangos yung ilong, kissable lips-na ang sarap kagat kagatin.

Shemay Angelica! Pagnasahan na naman daw ba yung taong walang kamalay malay.

Basta to make it short si Alexis yung definition ng salitang HOT.

"Thinking of me?" Nakaakbay na bulong sakin ni Alex.

"Mag kape ka nga ng nerbyusin ka naman." Sabay alis ko sa braso nito na nasa balikat ko.

"Denial." Susupalpalin ko na sana si Alexis ng bigla ako nitong inunahan sa handle ng pintuan ng kotse nito at binuksan yung pintuan ng passenger seat. "After you, sweetheart." Nakangising sabi nito sabay turo sa loob ng sasakyan nito.

I rolled my eyes at his antics. "Thanks." Masama ang loob na bulong ko dito.

Natigil yung akma kong pagpasok sa loob ng kotse nito ng bigla nalang may lintang kumapit kay Alexis na hindi ko alam kung saan nanggaling.

When I said linta, kung maka-kapit talaga kay Alexis daig pa na super glue.

Sarap sabuyan ng asin!

"Alex baby, sabi mo sakin may date tayo ngayon?" Nakayapos nitong tanong kay Alexis.

Sa pagkagulat ko, tumingin pa sa akin yung babaeng linta na mukang inodoro yung pagmumukha.Tinaasan ako nito ng kilay habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

Kapal naman ng mukha ng mang uri ng babaeng to. Yung pagmumukha nga nya hindi nya ma ayos ayos eh.

Tinignan ako nito ng nang iinis na tingin bago ito bumaling kay Alexis at walang pagdadalawang isip na hinalikan yung mga labi nito.

Hindi na talaga nahiya.

Tamang maghalikan sa harap ko? Sige tumingin ka pa sakin ng ganyan na babae ka at baka hindi ako makapag timpi i-flush ko yung pagmumukha mo sa inodoro!

At lintik na aspile to.Tumutusok na naman sa puso ko.

Naiinis na sumakay nalang ako sa kotse ni Alexis at pabalibag na sinara yung pinto ng sasakyan nito. Iniwas ko din yung mga mata ko sa gawi nila Alex.

Isa to sa rason kung bakit tinigil ko na yung kabaliwan ko kay Alexis.

Dahil yon sa sangkatutak nitong girlfriend.

Love sucks!

Sino ba naman ang hindi maiinis?

Mahal ko na sya, hindi pa ako natututong mag bra. Samantalang siya, ang galing ng mag alis ng bra ng iba!

Lintik talagang buhay pag ibig to.

Alex's voice snapped me out of my reverie.

"Sorry about that, sweetheart." He said looking at me apologetically pagka-upong pagka upo agad nito sa driver's seat.

I raised my eyebrow and looked at him in disbelief.

Tama ba yung pagkakarinig ko? Kelan pa to natutong mag sorry tungkol sa pakikipaglandian niya. This is the first time pero hindi nalang ako kumibo. I don't trust myself to speak dahil alam kong ga-garalgal yung boses ko. Buti nalang hindi ako madaling umiyak o dahil sanay na kong magpigil ng luha ko?

Dahil kahit anong pagpipigil ko naka tattoo na yata yung pangalan ni Alexis sa puso ko. Akala ko ba sabi nila puppy love lang to? Bakit hanggang ngayon masakit pa din?

DEL FRANCO BROTHERS: Alexis (The Charmer)  (PUBLISHED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon