The Ignored Wife - Special Chapter

359K 6.1K 467
                                    

"There is no really such thing as happy ending. The writer just chose to end the story in a part where all the characters deserve to be happy." - jazlykdat


Five Years Later



***

"Dad, mom needs you at the living room," tawag ni Liam sa ama pagpasok ng study room. Nakaharap si Vaughn sa laptop at nagche-check ng stock market updates.

"Why?" tanong nito sa anak.

"Vander is throwing tantrums again." Tipid nitong sagot bago tumalikod. Sumunod naman si Vaughn sa anak.

He smiled when he saw his wife at the living room. Mukhang pinapagalitan nito sina Vander at Leandrei. Sabay na namang nagsasalita ang dalawa. Si Vance naman ay nakaupo sa single couch at parang matandang nagbubuklat ng magazine.

"Love, ikaw nga kumausap dito sa anak mo," saad ni Lianna nang makalapit ang asawa. Bakas sa mukha nito ang pagod.

"Bakit ano bang problema?" malambing niyang tanong rito. Pinisil niya ang balikat ng asawa para kumalma ito.

"Vander is asking for ice cream. Hindi nga puwede kasi may sipon siya." Sumbong nito sa kanya. He smiled. Akala niya ay kung ano na. Madalas kasing ipagpilitan ng bata ang gusto nito.

"I want ice cream mom! Dad I want ice cream!" Vander screamed. Sa kanilang tatlo ito talaga ang pinakamalikot at makulit.

"But you have colds. Bawal!" Lianna glared at Vander. Hindi naman ito pinansin ng bata at nagpapadyak pa rin.

"How about me, mom? I don't have colds. I want ice cream." Singit naman ni Leandrei.

"Hindi puwede, maiinggit 'yang kapatid mo," suway ulit ni Lianna.

"Ikaw na nga ang dumisiplina sa mga 'to." Inis na baling nito sa kanya.

"Relax, baby." Bulong niya rito at ginawaran ng halik sa noo.

"Liam, are you done with your homeworks?" baling naman ni Lianna sa anak.

"Yes, mom." Tugon naman ng isa.

"Okay, let's go and check." Saad nito sa bata at inakay na paakyat ng bahay.

Napailing na lang siya habang sinusundan ng tingin ang asawa. He reminded himself to take her to a body massage on weekend. Mukha kasi itong stressed.




***

Lianna's forehead creased nang wala na ang mag-aama sa sala pagbaba niya.

"Nasa cinema room po sila, ma'am." Saad ng katulong nang tanungin niya ito.

Mas lalong napakunot ang noo niya nang maabutan ang apat na prenteng nakaupo at nanonood ng cartoons habang may hawak na tig-iisang cup ng ice cream.

"Vaughn!" inis niyang tawag sa asawa. She immediately took the remote control and turned off the screen.

Nagtataka namang tumingin ang apat sa direksyon niya. The kids look at their father as if asking for help.

"Let's talk!" inis na saad niya sa asawa. Nakangiti naman itong sumunod sa kanya.

"Kaya nga ikaw ang sinabi kong kumausap sa bata para hindi niya maipilit ang gusto niya," inis na saad niya rito paglabas ng kuwarto.

"Paano mo ba patatahimikin ang isang taong nagrereklamo?" nakangiting tanong ni Vaughn sa kanya. Her forehead creased.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon