13: Gaze

384K 7.3K 374
                                    

"When we love, there is only one thing that scares us. It's not losing the person but the thought that someone might see what our eyes are capable of seeing." -jazlykdat



***

Published by PSICOM. Available in all leading bookstores nationwide.

***

Dahil sa tagal ni Lianna na maligo at magbihis, pagbaba niya ay tapos nang kumain ang tatlo. Hindi man lang siya hinintay. Nauna na rin ang mga itong umakyat ng kuwarto. Nawalan tuloy siya ng gana.

She counted one to ten before going inside the master's bedroom.

Nadatnan niyang nakaupo si Vaughn sa mahabang couch at nanonood ng TV. It's her first time to see Vaughn watching TV inside the room. Madalas kasi ay sa laptop ito nakaharap.

She went inside the bathroom and prepared herself to bed.

Vaughn is still watching when she laid down. Mabilis lang siyang dinalaw ng antok.

Nagising siya ng madaling araw dahil masakit ang tainga at pisngi niya. Gagalaw sana siya at ibabaling ang mukha nang mapansing sa dibdib pala siya ni Vaughn nakaunan. His right arm is draped around her shoulders. Yakap-yakap siya nito habang ang isang paa naman niya ay nakapatong sa hita nito. She can smell his manly scent. Nararamdaman pa niya ang pagtama ng mainit na hininga nito sa tuktok niya.

Dahan-dahan siyang gumalaw para umalis sa pagkakayakap nito pero mas lalo nitong hinigpitan ang yakap sa kanya. This time his other hand is holding her waist.

Paano siya makakaalis?

His heart is so closed to her. Rinig na rinig niya ang dagundong ng puso nito. And her heart beats fast as well.

It took forever for her to sleep again in that position.

Wala na si Vaughn nang magising siya.

Pagbaba niya ay nasa sala ang dalawang bata at may kani-kaniyang coloring book at nagkukulay.

She remembered baka puwede na niyang i-enroll ang dalawang bata ngayong araw. Wala din naman siyang gagawin.

She asked Vanna if she could get the documents from her room pero tinawanan lang siya ng anak.

"Mom, dad already put everything inside your room," saad nito. Hindi pa siya nakasagot sa sinabi nito.

She went to the master's bedroom at tiningnan ang drawers. Nandoon nga talaga ang lahat ng documents na dala niya.

She went to the closet. Nandoon na rin ang suitcase niya pati ang dinala niya sa probinsiya.

Napailing na lang siya.

What is this?

Are they back to being normal couples?

Normal family?

The thought sent tingles through her spine. She hopes so.

She prepared herself para lumabas ng bahay. Nagpaalam na rin siya at nagbilin sa dalawang bata. The kids are so cool and independent. Pakiramdam niya ay kayang-kaya na ng mga ito ang sarili nila. No, they will always be her babies.

She planned to hail a cab pero hinarang siya ng guwardiya sa gate ng bahay.

"Ma'am, hindi daw po kayo puwedeng lumabas kung walang go signal ni Sir Vaughn," saad ng guwardiya sa kanya.

"Ano? Seryoso ka?" kunot-noo niyang tanong.

"Kami po kasi ang mapapagalitan ma'am."

"Bakit hindi ako puwedeng lumabas? I-e-enroll ko lang ang mga bata." Saad niya rito.

"Tawagan ko lang po si Sir Chad. Siya na lang po ang kausapin niyo."

A moment later, Chad appeared.

"Ms. Lianna, hindi daw po kayo puwedeng lumabas ng bahay kung hindi kasama si sir Vaughn,"

Bigla siyang nainis sa sinabi nito. She doesn't understand why.

"I-e-enroll ko lang ang mga bata. Why am I not allowed to gou out?"

"Si Sir Vaughn po kasi ang nagsabi."

Inis siyang bumalik ng bahay. Kahit magreklamo siya doon wala rin namang magagawa ang mga ito. Sumusunod lang din sila sa utos.

Inis niyang tinawagan si Vaughn. Mabuti na lang at kinuha niya ang number nito sa cellphone ng mga bata.

"Yes?" Vaughn answered right after one ring. Alam kaya nito siya ang tumatawag?

"I'm going out. I-e-enrol ko ang mga bata. The guards won't allow me to go out." Walang prenong saad niya rito. She doesn't care kung magalit man ito. It's not fair na hindi siya nito hayaang lumabas ng bahay. Ano siya preso?

She heard Vaughn's sigh.

"Give the credentials to Chad, siya na lang ang mag-eenroll sa mga bata," utos nito. Mas lalong nadagdagan ang inis niya sa sinabi nito pero kinalma na lamang niya ang sarili.

"I have to check the school personally para makita ko kung 'yong amenities na nakalagay sa website ay existing talaga." Kalmado niyang saad.

"Kung iyan lang ang iniisip mo, I'll just ask him to take pictures for you."

Nagsalubong ang kilay niya sa pahayag nito.

"Look, I have to see the place personally para maramdaman ko kung okay ba iyon para sa mga anak ko." She tried hard not to raise her voice.

"Since when did your instinct correct?"

Her face reddened upon realizing what he meant.

"Will you stop insulting me?" Humigit siya ng malalim na paghinga.

"I admit hindi nagwo-work ang instinct ko dati but you don't have the right to question a mother's instinct!" madiin niyang dagdag.

"Alright you may go but I will ask two body guards to accompany you."

"Salamat," wala sa loob niyang tugon rito. She doesn't like the idea of body guards pero para matapos lang ang usapan ay hindi na lang siya nagreklamo

"Don't put the phone down yet. May sasabihin pa ako."

"What?"

"Please don't wear fitted white pants and blue blouse."

Ano daw?

Weirdo!

***

Vaughn just came out from a lunch meeting when his eyes were caught by a woman across the street.

The woman is wearing fitted white pants and a sleeveless royal blue top. It suits her well. It wasn't seductive. It actually looks refined but he didn't know why she looked so delectable in his eyes.

He saw her walked across the street towards his direction. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang napangiti. Mabuti at napigilan niya ang sarili. He felt her eyes boring on him. Can she feel the same electricity that he feels?

Parang ginutom siya bigla. He walked inside a restaurant. Nakita niyang papasok din ang babae.

"Take a seat." Saad niya nang makatapat ito sa kanya. When the woman is about to look at her, nagbaba siya ng paningin.

He doesn't understand why the mere thought of meeting her gaze makes his heart beats fast.

"A-are you talking to m-me?" the woman asked.

He earned the courage to meet her gaze.

His heart started to race.

He tried to suppress the smile that radiates from his heart upon meeting the woman's electrifying stare.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Where stories live. Discover now