36: Love

385K 7.6K 484
                                    

"The universe has its way of healing itself." –jazlykdat


***

  Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.  

***

Lianna looked sideways pakiramdam niya kasi ay may nakatingin sa kanya. She's inside a boutique in a mall. Namili siya ng mga kulang na gamit ng triplets. Yung guestroom na katabi ng kuwarto ni Liam ang ipina-convert nilang room ng triplets. May ipinagawa pang tatlong kama ang asawa niya para sa mga bata with a detachable crib each. Yung isa ring guest room ay ipinagawa nitong playing area for toddlers na kumpleto sa gamit. It was all Vaughn's idea kaya naman masayang-masaya siya. He is very hands on when it comes to the kids.

She was waiting for her receipt nang lumapit ang body guard sa kanya.

"Ma'am, nakita po naming umaaligid si Ms. Janine." Bulong nito sa kanya.

Umakyat ang inis sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang kailangan ng babae. Nakita na nga nitong wala siyang pakialam sa mga sinabi nito.

"Just don't let her come near me." Utos niya rito. Tumango naman ito bago dumistansya sa kanya.

It's been three days since that conversation with Janine. Hindi naman ito nasundan. Ngayon lang ito nagparamdam ulit. She wanted to file charges against her para hindi na siya nito muling malapitan kaya lang wala naman siyang maisip na ikaso rito.

Basta huwag lang siyang lalapitan ulit ng babae. Hindi bale lagi naman siyang may body guards kapag lumalabas, pati rin ang mga bata. She even asked permission from the school director na papasukin din sa school premises ang body guards ng mga ito just to make sure. Pumayag naman ito.

---

Dumaan sila sa school ng mga bata para sunduin ang mga ito. Inireport din ng mga ito na umaaligid din daw ang Janine na iyon sa eskuwelahan.

She's a bit puzzled kung ano ba ang kaya nitong gawin kung sakali pero wala namang ibang makakasagot sa kanya kundi ang asawa niya. Siya naman ang nakasama nito. Is she a psychopath? Or does she have a tendency to be one?

---

Vaughn surprisingly comes home early for the past three days. Natamaan yata ito sa biro niya noong nakaraan na late ang normal na uwi nito. O baka rin dahil mahigit isang buwan na lang ay naka-schedule na ang panganganak niya kaya gusto nitong masiguro ang kalagayan niya. Sumama pa nga ito sa last na check up niya. Ito pa ang pumili ng date ng panganganak niya. Madalas din nitong tanungin kung okay lang siya at kung may dinaramdam ba siya. He always reminds her na kapag may naramdaman siyang kakaiba ay tawagan niya agad ito. She finds that sweet and caring. Kaya naman panatag siya na ang Janine na iyon ang nagsisinungaling at hindi ang asawa niya.

"Are you okay?" Vaughn asked her while they are having dinner. Bahagya yata siyang natulala. Iniisip niya kasing sabihin dito ang tungkol sa pag-aaligid ng Janine na iyon sa kanilang mag-iina.

"I'm good," she answered forcing a smile. Tumitig naman si Vaughn sa kanya na parang tinatantiya kung nagsasabi siya ng totoo.

"I'm okay," she said reassuring. Hinawakan niya ang kamay ng asawa na agad din naman nitong pinisil. He smiled and kissed it.

"Mom, why are you blushing?" Liam scoffed. Pinamulahan ba talaga siya?

"She feels giddy." Natatawa namang sabad ni Vanna. Nagkatinginan silang mag-asawa.

"I really don't understand girls. Isn't that grossed?" Liam answered with a boring face. Natawa silang pareho sa sinabi nito.

"Isn't that sweet?" napapangiti niyang tanong sa anak. Natatawa namang pinisil ni Vaughn ang kamay niya.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon