26: Move

358K 7.5K 424
  • Đã dành riêng cho ijiram
                                    

"In love, there is no such thing as 'give and take'. Your true happiness is to give and give and give some more. If something returns, it's just a bonus." -jazlykdat



***

Published by PSICOM. Available in all leading bookstores nationwide.

***

It was silent dinner for them. Nagku-kuwento ang mga bata pero tanging "okay" o "good" lang ang isinasagot ng ama ng mga ito. Nakahalata na rin yata ang mga bata sa tensyon nilang mag-asawa dahil tahimik na lang din nilang inubos ang kanilang pagkain.

Pakiramdam ni Lianna ay bumalik na naman sila noong mga panahong binabalewala siya ng asawa.

Pagkatapos nitong kumain ay nagpaalam na ito sa mga bata na aakyat na. Ni hindi ito tumingin sa direksyon niya. She inhaled deeply as she looked at his back disappearing from the dining area.

Hinatid na muna niya ang mga bata sa kuwarto bago siya nagtungo sa silid nilang mag-asawa.

Vaughn isn't inside the room when she entered. Baka nasa personal space na naman nito sa third floor. Gaya ng dati.

Mabigat ang loob niyang nagtungo sa bathroom para maligo. There is really something with water that helps a person think clearly. Pagkatapos niya kasing maligo ay nakapagdesisyon siya na sundan si Vaughn sa taas.

She won't let this day pass na ganito ang sitwasyon nila. Ayaw niyang mas lumalalim pa ang sigalot nila. Ngayon pa ba siya susuko? Kung kailan sinabi nitong ginagawa rin nito ang lahat para maging okay sila? Kaya alam niyang maayos nila ito. It's just misunderstanding and miscommunication.

She was about to knock when she changed her mind. She scanned her palm on the door instead. Parang gusto niya ulit maluha sa galak nang bumukas ang pintuan. Ibig sabihin talagang binubuksan na nito ang pintuan para sa kanya dahil may access na siya sa silid gaya ng dati.

Vaughn glanced at her pero ibinalik nito ang tingin sa pader. Nakaupo ito sa couch at may mga binabasang files. The wall serves as a computer screen.

"Vaughn, can we talk please?" saad niya at umupo sa tabi nito. He inhaled deeply and snapped his fingers. Agad namang namatay ang screen. Dati pangalan niya ang command prompt ng computer nito.

"Speak," saad nito. Ipinatong nito ang magkabilang braso sa mga hita nito at yumuko.

She inhaled deepy and earned the courage to speak.

"Wala naman akong balak na umalis ulit. Pinili ko ngang manatili dito 'di ba?" She inhaled deeply. Nanatili namang nakayuko si Vaughn kaya hindi niya makita ang reaksyon nito.

"Hindi ako umalis kahit na binabalewala mo ako noong una. Ginawa ko 'yon para sa kambal. I want us to be a family."

Vaughn looked at her and smiled bitterly.

"For the twins? Yeah right! For the kids!" He said sardonically.

Lianna's heartbeats hasten. Hindi na naman yata nagustuhan ni Vaughn ang sagot niya. Bakit ba kasi hindi siya makapa-isip ng tuwid kapag kaharap niya ito?

"Siyempre para din sa 'yo. Hindi naman ako mananatili kung hindi kita mahal." She admitted sincerely. She just hopes that Vaughn could feel it. Tumingin lang kasi ito sa kanya ng diretso.

"Ginagawa ko naman lahat para maging okay tayo, eh." Dagdag niya.

"Do you think I am not making an effort to make us okay?" diretso nitong tanong sa kanya.

"Answer me honestly, Lianna. Lahat ba ng ginawa ko sa mga nagdaang buwan is not an effort to you?" saad nito.

Lianna smiled. She can't help her tears. Of course he is making an effort. Ramdam naman niya iyon sa mga nagdaang linggo. They were okay. Nagbibiruan na nga sila and he is childish/childlike at times which is so unlikely of him. It must have been a big effort for him. Maybe he did those things to make her feel at home. To make the atmosphere around less antagonizing and scary unlike before.

"Sa totoo lang, all the efforts came from me. All you did was just to stay." He said bitterly.

"Stay Lianna," he inhaled deeply. "Stay...at yun lang din ang gusto kong gawin mo. Don't sneak around like a fool."

She stop her tears from falling. He wants her to stay. Sapat na iyon para bumalik ang pag-asa sa puso niya.

"It's just one mistake Vaughn. I am sorry kung hindi ko nasabi agad sa 'yo."

Vaughn stared at her for a moment. Sinalubong niya ang mga titig nito. She felt nervous but she wanted to see his reaction.

Her heart rumbled when he smiled. Tipid lang ito kagaya ng nakagawian nito. He motioned her to go near him. Agad naman siyang lumapit dito. Tuluyan na siyang napaluha ng yakapin siya nito. She also embraced him tightly.

"I am just scared whenever you go out of the house. Baka hindi ka na ulit bumalik. Kaya ayokong lumalabas ka." Saad nito. He felt him kissing her hair.

"Paano ko mapapatunayan na paglabas ko ng pintuan babalik din ako kung hindi mo ako hahayaang lumabas?" Tumingala siya para tingnan ang reaction nito. Para naman itong nag-iisip ng malalim.

"Please let me go out and work. Bored na bored na kasi ako dito sa loob ng bahay."

"Sana kasi sinabi mong nabo-boring ka na dito at gusto mo nang may mapagkakaabalahan." tugon nito. Yes, she should have told him. Next time, she'll be more open.

"You don't have to work for anybody else. You can hold some of our businesses."

Napatuwid siya ng upo sa sinabi nito.

"Hindi ko kaya ang gano'n."

Ipagkakatiwala nito sa kanya ang business nito? Baka malugi lang kapag siya ang nag-manage.

"Di ba kinaya mo nga yung restaurant business sa Davao? You can also manage our hotel and restaurant in Paseo De Roxas."

Seryoso ba talaga ito?

"Iba naman yung sa Davao. Nandoon si Ness na partner ko." Nahihiya niyang tugon rito. It would be too much. Okay na sa kanya ang maging accountant o auditor.

"Ako ayaw mong ka-partner sa business?" tanong nito na sanhi para hindi siya makapagsalita.

"I will help you out. After all, I'm your husband."

She looked at him. Seryoso itong nakatingin sa kanya.

"Okay," tugon niya. Tatanggi pa ba siya? She embraced him again. Yumakap naman ito sa kanya. She feels light that they could already talk this way. It is a big progress.

"Vaughn, puwede bang tanggalin mo na ang mga body guards ko?"

Gusto na niyang lubos-lubosin ang kabaitan nito.

"I don't think that's a good idea," He said kissing the top of her head.

"I promise I won't sneak around, please?" She said pleading. Tumingala siya rito. He pressed his lips together.

"Pag-iisipan ko," tugon nito.

Tumango na lamang siya. At least, okay na sila. She just needs to be open to him. Kasi ito naman ay nag-oopen na sa kanya.

She looked up at him when he caressed her tummy.

"Ano punta tayo sa OB-Gyne bukas?" nakangiti nitong tanong.

"Ano every month mo na lang akong yayayaing magpunta sa OB-Gyne?" She also asked smiling.

"Excited lang!" Natatawa nitong saad. He kissed her quickly on the lips. Napangiti na lang din siya.

"Triplets sana pambawi sa limang taon," excited nitong saad. Napatawa na lang din siya sa sinabi nito.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ