12: Stubborn

410K 7.6K 335
                                    

"Do things really go back to how they used to? Or is it just our imagination?" -jazlykdat

***

Published by PSICOM. Available in all leading bookstores nationwide.

***

Madilim na ay nasa himpapawid pa lang sila. The city lights look fantastic from above. Pero ni hindi magawang i-enjoy ni Lianna ang view dahil ninenerbiyos pa rin siya sa susunod na mangyayari at kung saan sila dadalhin ni Vaughn.

Patingin-tingin siya sa likod nila para tingnan ang mga anak niya. Hindi niya makausap ang mga ito dahil sa glass wall na nakapagitan sa kanila.

Mukha namang nag-uusap ang dalawang bata at tumatawa pa especially Liam. She knows why. Gustong-gusto kasi talaga nitong maging piloto. Maybe riding a chopper excites him. Ngayon alam na niyang lahat yata ay minana nito sa ama.

Nakahinga siya ng maluwag nang magsalita si Vaughn sa radyo at sinabing lalapag na sila.

Few minutes later, lumapag sila sa tuktok ng isang building. Vaughn didn't utter any word. Nagtanggal lang ito ng seatbelt at bumaba na.

Wala siyang nagawa kundi tanggaling mag-isa ang seatbelt niya na hindi niya alam kung paano.

Hindi na niya mapigilang mapamura nang hindi pa rin ito matanggal-tangal. Paano ba kasi tanggalin? Pinagpawisan na siya at lahat ay hindi pa rin niya matanggal.

Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto sa tapat niya.

Vaughn is looking seriously at her. Yung mga anak naman niya ay katabi na nito at nakababa na rin pareho.

Without any word, lumapit ito sa kinauupuan niya at walang kahirap-hirap na tinanggal ang seatbelt. He smirked before moving out of the chopper.

"Are you okay mom?" Liam asked pagkababa niya.

"I am," Nginitian niya ito. Maybe she's transparent. Medyo nainis kasi siya sa inakto ni Vaughn. Pinahirapan pa siya nitong magtanggal ng seatbelt, tutulungan lang din naman pala siya.

Bahagya siyang nilamig sa pag-ihip ng hangin kaya't napayakap siya bigla sa sarili. Napatingin siya sa katawan niya. Naka-lacy top pa pala siya at two-piece bikini.

Napatingala siya nang maramdamang may bumalot sa likod niya. Natigilan siya nang makitang yung coat pala iyon ni Vaughn.

Magpapasalamat sana siya rito pero tumlikod na ito sa kanya.

Liam held her hand at sumunod na sa mag-ama na nauna nang naglakad.

Vaughn opened a door that leads them to a stairway. Pagkababa ay may pintuan ulit itong binuksan. Bahagya siyang napakunot nang makitang katulad ng structure nito ang third floor sa Mansiyon ni Vaughn. Pero baka magkatulad lang. Hotel-like kasi ang bahay nito.

He walked down the hallway. Napatingin siya sa isang pintuan. It looks like his personal space.

Napailing na lang siya nang bumaba sila sa hagdan sa dulo. Ito talaga ang bahay ni Vaughn. Ni hindi man lang niya alam na may helipad pala ito sa taas. Hindi naman kasi niya noon binuksan ang dulong pintuan nang i-explore niya ang buong bahay. Vaughn didn't show it to her nang ipasyal siya nito noon sa buong bahay.

"Mom, can you not stay at my room? I need privacy?" parang matandang saad ni Vanna nang nasa second floor na sila at nasa tapat na ng kuwarto nina Vaughn at Liam.

"Privacy? You're just four years old," natatawa niyang saad dito. Liam already went inside his room. Sila na lang tatlo ang nasa hallway.

"Mom, I'll be turning five next month," reklamo nito.

"Please mom? Huwag ka na dito sa room ko matulog," saad nito at agad nang pumasok ng room. It automatically closed.

She looked at Vaughn. Nagkibit-balikat lang ito at pumasok na rin sa sarili nitong kuwarto.

She was left on the hallway.

Natatawa niyang ini-scan ang palad sa pintuan ni Vanna. Her forehead creased when her access is denied. Inulit niya ang pag-scan pero hindi talaga bumukas ang pinto. Lumipat siya sa kuwarto ni Liam, the access was also denied.

What's happening?

Napapailing na lang siyang pumunta sa isa pang pinto. It's a guestroom. Sana naman ay bumukas ito. Pinagpawisan siya nang hindi rin ito bumukas. Inisa-isa niya ang pinto ng mga guestrooms sa second floor pero ayaw talagang magbukas.

Bumalik siya sa third floor at inisa-isa ang mga pintuan. Everything is locked.

Shit!

Laglag ang balikat na bumaba ulit siya ng second floor. Her heart is beating so fast.

Why would Vaughn be this cruel?

Is this his way of telling her she's no longer welcome inside his house?

Napaupo na siya sa sahig. She feels tired. She feels hopeless.

"What are you still doing there?" Vaughn looked at her with creased forehead. Nakabihis na ito ng pambahay. Siya din ay napakunot-noo.

Iniisip ba nito na umalis na siya?

No way! Kung kailangang matulog siya sa sahig, gagawin niya.

"Magpalit ka na ng damit para makapag-dinner na tayo." Kaswal nitong saad bago tumalikod na. Binagtas nito ang daan patungo sa hagdan paibaba.

She was a bit disoriented.

Magpalit ng damit? Saan?

Ayaw nga siyang papasukin ni Vanna sa kuwarto and she has no access to the door.

"Lianna, magbihis ka na!"

Bigla siyang napatayo ng magsalita ulit ito.

"You're so stubborn!" saad nito bago lumiko sa pasilyo at nawala na sa paningin niya.

Her heart started beating so fast again. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto ng kuwarto nito.

She feels nervous. Una, dahil hindi niya alam kung ano ang mararamdaman kung makikita niya ulit ang kuwarto nila dati. Pangalawa, paano na lang kapag hindi rin magbubukas ang kuwarto, umasa lang siya sa wala.

She scanned her palm. It was perhaps the longest two seconds of her life. Naghalo-halo na ang emosyong nararamdaman niya nang bigla itong bumukas.

Did Vaughn intentionally lock all doors of the house so she has no choice but to stay in his room?

Nostalgic. That's what she felt upon entering inside the room.

Malaya niyang inilibot ang tingin sa loob hindi kagaya noong natulog sila roon kasama ang mga anak. She avoiding Vaughn's stare.

Nothing has changed. The marble floors, curtains, couches, bedside lamps, and all look exactly as it was before. Walang naidagdag wala ring nagmukhang luma.

Her eyes started welling-up as she remembers everything that happened inside the room years ago.

But her heart all the more welled-up as she remembers how scared she was. This room was a witness to how sneaky she was. Wala kasi itong surveillance camera.

She moved towards the walk-in closet. Mas lalo siyang naluha nang makitang nandoon pa rin ang mga damit na iniwan niya noon. Maayos iyong naka-hanger. Her shoes are arranged on the shoe rack. When she opened the cabinets, her clothes and underwears are still there folded neatly.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Where stories live. Discover now