Chapter 47: Deceived

62 3 0
                                    

BUONG magdamag akong umiyak. Buong maghapon akong nagkulong.

Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang mga nalaman ko kagabi. Akala ko panaginip lang, pero sa pagmulat ng mga mata ko kanina, andun parin yung sakit na siyang nagpadaloy ng mga luha ko ulit.

Bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko nung malaman naming naaksidente ang mga magulang namin. Ang sakit nung nalaman naming naulila na kami sa magulang.Ang sakit nung nalaman naming nakatakas ang driver na nakabunggo sa sasakyan nina mama't papa. Ang sakit nung aksidente kong narinig na naguusap sina Kuya,Ate at nung matalik na kaibigan ni papa na ninong ni kuya na isang Imbestigador, na hindi. Hindi aksidente ang pagkakabangga nina mama't papa tulad ng sinabi ng mga pulis samin.

Ayon sa pagiimbestiga niya ulit sa nangyari . Sa lakas ng impact at sa mga nakuhang niyang impormasyon sa mga saksi, ay sadya ang pagkakabangga. Gusto sanang kasuhan nina ate yung nakabangga dahil ayon sa ninong ni kuya ay nakilala na niya ang katauhan ng driver sa tulong narin ng mga saksi.

Ngunit, kahit gustuhin man daw nilang gawin iyon. Kahit magbayad pa kami ng pinakamagaling na abogado. Kahit ubusin pa namin ang trust funds namin lahat at kahit ibenta pa namin ang mga kaluluwa namin. Hinding hindi namin kayang talunin ang driver na yun. Dahil galing pala ito sa pinakamayaman at pinakamapakapangyarihang pamilya sa mundo.

Hindi ko namang aakalain na ang pamilyang yun pala ay mga Elizalde.

Ang pamilyang sumira sa malaperpekto at masaya naming pamilya noon.

Pero bakit?

Bakit parang ayaw kong maniwala? 'Bat parang may parte saking ayaw maniwala? Na nagdududa?

Bakit ayaw kong maniwala na maaaring minanipula na naman ng baliw na kapatid ni Kris ang impaktong yun upang makipag mabutihan sakin?

Dahil ba mahal ko na siya? Di ba mahal naman niya ako? Teka, nasabi naman niyang mahal niya ako diba?

"I like you, shikina sierra.."

ay tanga! Like pala ang sinabi niya! Pero pareho lang naman yun diba?

Hindi. Kailangan ko ng assurance. Kailangan ko ng siguridad na pareho nga ang nararamdaman namin sa isa't isa. Dahil kung pareho man, kaya kong ipaglaban ang nararamdaman namin sa mga kapatid ko. Papatunayan ko sa kanila na mali ang inaakala nila kay Kris. Na hindi ako matutulad sa kanila.

Na totoong mahal ako ng Impaktong yun..

Pero pano ko siya makokontact eh nasa ibang bansa siya? Pero, baka ma offend siya pag tinanong ko. At tsaka, baka pagtawanan pa 'ko ng impaktong yun!

Hmm. So sino ang lalapitan ko? Sino ang pagtatanungan ko? Yung taong malapit na malapit sa kaniya? Teka! Si Luhan at si Ivan!

Ay teka, nasa amerika rin pala yung dalawang yun!

Hmm. Ah! alam ko na kung sino.

Dali-dali akong nagbihis at tahimik na umalis ng bahay. Pumara ako ng taxi at sinabi ang address. Habang nasa loob ng taxi ay tanaw ko mga ilaw sa labas ng bintana. December na kaya malamig, kahit pala pilipinas ay lumalamig basta December.

Tinanaw ko naman ang oras sa cellphone ko at 10 pm na. Buong araw kaming hindi nagusap ni ate kanina. Ni kahit sa oras ng pagkain ay hindi kami nagsabay. Ang lamig lamig ng trato niya sakin. Kasing lamig ng gabing ito ang naging trato niya sakin.

Alam ko naman kung bakit. At naiintindihan ko si ate. Mahal lang nila ako kaya gusto nila akong protektahan. Pinoprotektahan nila ako dahil ayaw nilang matulad ako sa kanila na pinaglaruan ng mga Elizalde.

Oo, masakit. Masakit na ganun ang naging tratuhan namin sa isang iglap lang. Pero naiintindihan ko sila. Pero sana naman maintindihan din nila na hindi ako sila. Wala akong kinalaman sa naging nakaraan o alitan nila ng kapatid ni Kris.

Unexplainable thing called Love (LS1)Where stories live. Discover now