Chapter 10: For You

91 2 0
                                    

3 days after..

After classes ay nagsisimula na ako sa paginterview sa bawat speaker or sa mga team captain ng bawat sports club dito sa school. Habang si Kris naman ay nagsimula na ring mag take ng pictures ng bawat practices nila.

Next month narin ang Intramurals kaya maraming sports club na ang nag hahanda para sa mga competitions para dun. Kaya madali narun para samin ang paghagilap sa kanila.

Natapos ko na ang pag interview sa isang team captain ng Soccer team. Pati narin sa Girl Basketball team, At ngayon naman ay kakatapos ko lang sa paginterview sa isang member ng Badminton.

"Sige, thankyou so much for your cooperation. I'll make sure you'll have your own copy of this" ngiti ko naman kai Patricia, yung myembro ng badminton, pagkatapos kong makipagkamayan.

" It's a great pleasure to our club." ngiti naman niya. Pagkatapos ay nagpalinga linga siya na para bang may hinahanap. Nakaupo kasi kami ngayon sa isa sa mga benches na nakaharap sa Court nila.

"Uhm.. if you don't mind me asking. Diba si K-Kris Elizalde ang supposed to be photographer para sa Interview mo? Asan na siya?" namumulang tanong naman niya. Sus! Sabi na nga ba!

"Uh. Oo" tumingin naman ako sa paligid upang hanapin ang mokong yun. Lahat ng interview ko sa mga babae, laging hinahanap si Kris. At sa bawat bigkas nila sa pangalan niya, kung hindi namumula ay nangingisay sa kilig.

"Sige, hanapin ko muna ang isang yun. Balik nalang kami dito para mapicturan na namin kayo" I smiled at her as i got up.Tumango lang siya at Tumalikod nako.

Asan ka bang Elizalde ka!

I was roaming around the whole school for half an hour. And I'm so exhausted. Kainis talagang isang yun, sabing UNITY eh!

And just when I was about to give up looking for that guy. Nakita ko siyang nakikipag usap or should I say Nakikipaglandian sa malanding team captain ng Volleyball team. Gosh! Sorry for the term.

First day ko palang sa paginterview ay siya na ang target ko. Kasi sikat ang volleyball team namin dito sa Bansa. They always play in an International Volleyball Competition. And the thing is, They always won the Game.

And as the Team captain syempre dala ang pangalan niya sa pagkapanalo nila. Kaya lang, Ang arte! Ayaw magpa Interview kasi busy daw siya, eh prenteng nakaupo lang naman siya nung hinagilap ko siya sa cafeteria. Hinintay ko pa siya for 5 freaking hours kasi sinabi niya! Tapos biglang nawala nalang siya sa campus. Yun pala umuwi na.

The next day, Talagang na busy na siya kasi nagsimula na ang Training nila sa volleyball. Kaya nganga ako ▼▪▼

Pero ngayon ay nakikipag tawanan pa kai Elizalde. At Binabalewala ang mga team mates niyang tinatawag na siya. At talagang namumula pa habang kinakausap siya ni Elizalde.

At ang Kris namang to ay panay ang picture kai Ms.VC at minsan lang sa mga ibang myembro nila. Minsan ay kumikindat pa ito. At pinapakita ang trade mark niyang smirk. Psh! Flirt!

Habang naguusap sila ay nahagilap ng mga mata niya ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay para naman malaman niyang oras ng trabaho ngayon at hindi ang Landian.

Nakita ko siyang nagpaalam kai Ms. VC at sa mga members nito sabay kindat sa kanila. FLIRT! FLIRT talaga!

I just rolled my eyes ng makalapit na siya sakin at tinalikuran siya.

"Pwede ba Elizalde. Oras ng Trabaho ngayon at hindi landian. Hindi mo pa nga napipicturan ang Badminton team, Nakikipaglandian ka na sa mga volleyball team." I said, dissapointed.

Nakasunod lang siya sakin pabalik sa Badminton court. Ngunit pinigilan niya ang braso ko at pinaharap sa kaniya, kinuha naman niya ang kamay ko. Nagulat ako kaya hindi ako naka palag.

May nilagay siya saking kamay na isang nakatuping papel.

"I Interviewed the Volleyball Captain for you. Kasi sabi mo Ayaw magpa interview sayo" he said staring directly to my eyes. Pagkatapos ay nagsimula ng maglakad ulit.

Napatingin naman ako sa kamay kong may papel. I Interviewed the Volleyball Captain for you. Shocks! pinilig ko ang ulo ko at tumingin kai Kris na huminto sa paglalakad at tumingin ulit sakin na may ngiti sa labi.

Medyo malayo na siya sakin pero rinig ko parin ang sinabi niya.

"Your Welcome, by the way Jane" he said then wink.

--

Unexplainable thing called Love (LS1)Where stories live. Discover now