Chapter 28: Insecures

64 3 0
                                    

"Okey class, prepare for an oral resitation for next meeting. Goodbye"

"Goodbye and thankyou Ma'am" sabay sabay naming pagpapaalam sabay tayo. Lumabas narin naman ang English teacher namin.

"Bessy, natapos mo na ba yung electrical plan mo? Due date na raw bukas. Grabi na talaga this!! Next week, sisimulan na natin ang Miniture house. Aargh!!" Inis na reklamo ni bessy na nakatayo sa gilid ko. Isinabit ko na ang bag sa balikat ko tsaka ko binalingan si Euri.

"Tatapusin ko nalang mamaya yung akin eh. Tsaka nakabili narin naman tayo ng materials para dun sa Miniture ah." wika ko ng palabas na kami sa classroom.

"Nga pala, asan na naman si baby Yana? Lagi nalang yun nawawala." tanong ko ng mapagtantong wala na naman si Yana. Huminto muna kami.

"I'm here! HUHAAA!" hingal na hingal si Baby Yana ng madatnan kami. Sabay kaming napatakip saming ilong ni Bessy ng bumuga siya ng hangin.

"Enebeyen. Eng behe" maarteng biro ni Bessy. Matalim na tingin ang pinukol samin ni Yana. Hahaha. di naman talaga mabaho, pinagtitripan lang talaga namin siya. Haha

"Grabi siya oh! Di kaya mabaho!" Yana pouted. Hatakin ko tong nguso niya eh. hehehe. Sabay naman naming inakbayan si Yana tsaka tumawa. Pinindot naman ni Bessy ang ilong niya.

Tumigil kami ng nasa hallway na kami. Nagpaalam na si Baby Yana dahil nasa parking lot ang kotseng sundo niya. Sabay naman kaming lumabas ng School gate ni bessy pero nagpaalam na rin siya dahil nasa labas na rin ang kotse ng mommy niya.

Ang chuchal ng mga friend ko diba? Di sasakyan pa sila! Samantalang ako? Maglalakad. Hahaha. Malapit lang naman ang bahay eh.

Kinapa kapa ko ang bulsa ko para sana kunin ang cellphone ko. Kumalabog ang dibdib ko ng wala ito. Huminto ako at hinarap sakin ang bag ko, hinalungkat ko rin ang bag pero wala talaga. shucks! di pwedeng mawala yun! Gift sakin yun ni kuya!! Naiiyak nako. Di ko na alam ang gagawin. Saan ko ba kasi yun nailagay eh!!!

Biglang parang may naglight bulb sa taas ko. Grabi lungss. Naalala ko tuloy yung Lighthouse ni Kris.. eeee! erase! erase!

Sa bulsa ko lang yung nilagay kanina eh. Aha! Baka nahulog sa classroom nung nakaupo ako kanina. waaaaa! Sana nga nandun lang yun.

Dali dali akong pumasok ulit sa School at nagtungo sa classroom namin. Konti nalang ang mga estudyante ang nasa High school Department.

Binuksan ko ang ilaw ng classroom at tinungo ang upuan ko. Agad ko namang nakita ang cellphone ko sa ilalim ng upuan ko.

Nakahinga ako ng maluwag. Shucks! Buti nalang talaga at nakita. THANK YOU LORD! THANKYOU! THANKYOU!

Pinatay ko na ang ilaw ulit at sinara ang pinto ng classroom. Wala ng tao sa Hallway pero di naman nakakatakot kaya okey lang.

Nang maglalakad na sana ako ay nakita kong makakasalubong ko ang mga babaeng pafame. Sila yung mga babaeng trying hard ma belong sa Cassiopeia Girls.

The Total Social climbers of the School. And also known as the Warfreaks. If you don't want trouble, then better stay out of their sight.

At yun ang ayaw ko. Ang Away. Kaya payuko akong naglakad patungo sa dereksyon nila. Napadaing ako ng parang may malambot akong nabangga sa noo ko. Hinamas himas ko ang noo ko at binalingan ang nabangga ko. Pero nanglaki ang mga magaganda kong mata sa nakikita sa harap ko.

Hindi multo. Hindi dingding at mas lalong hindi si Kris. Ang nasa harap ko lang naman ay ang naglalakihang hinaharap ni Maria Agatha Nielze Makabangon. Oo, Macabangon talaga apilyedo niya. Ang Leader ng mga babaeng ginagawang canvas ang mukha. Ang leader ng mga babaeng Warfreaks. At kung minamalas ka nga naman. Nabangga lang naman ako sa dalawang bundok niya sa dibdib. Kaya pala malambot. Eeeeew!

Tumingala ako sa kanya dahil sa taas niya. Aba, sino bang di tataas sa 6 inches school shoes niya. Kaloka! Ginawang runaway show lang ang school. Taas kilay at mataray niya akong tinitigan sa mata. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na mataray ding nakatingin ang mga alipures niya samin-- or should i say-- SAKIN.

"Look what we have here, The oh-so-pathetic-Geek. Their so-called Miss Prim and Proper." nakangising wika ni Maria. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Your not pretty nor sexy. Not even appealing" ani niya na parang nandidiri. Tangins! Anong hindi ako maganda? Ingudngud ko kaya itong mukha niya sa Inidora?! Tangins ng mukha niya kinanvas lang!

"Ano bang nakikita ni Kris sayo at bakit lagi kayong magkasama?" tanong niya. Sinasabi ko na nga ba! Isa siguro sila sa mga babae ng Imapaktong yun! Kainis!

"Just to let you know, Lagi kaming magkasama ni Kris dahil sa academics namin, hindi dahil sa naglalampungan kami" mahinahon pero mariin kong sagot. Tinaasan niya lang ako ng kilay at narinig ko namang mahinang nagbubulungan! Paguntugin ko kayo e! kainis!

"Ang sabihin mo Flirt ka! Inaakit mo si Kris! Malandi ka kasi!" sigaw ng babaeng nasa kaliwa ko.
"Naturingang Miss Prim and Proper pero may tinatagong landi pala!" sigaw pa ng isa.

Nagpanting ang tenga ko sa mga sinasabi nila.Ayoko ng away dahil minimentain ko ang maayos na records ko sa school. Pero hindi rin ako yung klase ng babaeng nagpapaalipusta lang. Aba! Isang black belter yata ang kuya ko sa Taekwondo.

Hinarap ko ang dalawang Mukhang nakipag giyera nung World war II sa pagka basag ng mukha! Pwe!

"Excuse me! Hindi ako kasing baba ninyo para gawin yan! I would'nt stoop down that level just for your so-called Prince! At mas lalong hindi ako katulad ninyo na Makakati ang ari sa Kakalandi!! Tangina! Mga Inscure lang kayo! Isaksak niyo sa baga niyo yang Prince charming niyong bulok!" gigil na sigaw ko. Naiinis na talaga ako! Inaano ko ba sila? Wala naman ah!

"You Bitch!!" sigaw ni Maria nang binalingan ko siya ay nakita kung sasampalin na niya ako..

Sa gulat ko ay napapikit ako. Shucks! paniguradong masakit to! Isang malakas na sampal ang tanging maririnig sa Hallway. Ngunit ang inaasahan kong isang malakas, masakit at mahapdi saking pisngi dulot ng sampal ay wala, Pero paanong nangyaring wala? eh kasing lakas ng pagsabog ang narinig ko na sampal eh.

Dumilat ako at nakita ang mangiyak ngiyak at nakatungo na si Maria habang hawak ang pulang pisngi. Kitang kita ang isang marka ng kamay sa kanyang pisngi. Grabi lungss! Nagmarka talaga kaya ibig sabihin masakit yun. Nakapalibot sa kanya ang mga alagad niya na nakayuko rin. Lahat sila nakayuko sa dalawang babaeng sinasamba ng mga kalalakihan at kinaiingitan ng mga babae dito sa school. At for sure, pati sa labas din ng school.

"Get the hell outta here you social climbing whores!!" Gigil na sabi ni Miss Chloe, ang babaeng nagsampal kay Maria.

"Pero--" aangal pa sana ang isa sa mga babae ng bigla siyang napatingin kay Miss Yona.
"What? Want me to drag your little asses out of here? I'll be more willing to. Kaya nga lang baka di niyo magustuhan kung saan ko kayo dadalhin." wika ni Miss Yona. Nakatalikod silang dalawa sakin kaya di ko kita ang mga expression nila.

Pa aka akang tumakbo ang mga babae palayo. May isa pang natapilok. Nagtawanan ang dalawang babae sa harap ko tsaka ako binalingan. Nagtaas ng kilay si Miss Yona sakin habang si Miss Chloe naman ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa balik ulit sa mukha.

"Can't believe your the sister.." narinig ko pang bulong niya. Agad naman siyang kinurot ni Miss Yona sa gilid na nagpakunot sa noo ko. Anong Problema nila? I cleared my throat before speaking

"Thankyou" wika kong pasasalamat. Kung di sila dumating marahil ay nakalbo na ako ngayon.

Ngumisi si Miss Chloe sakin.

"Don' be. Come on. Follow us. Miuri wants to have a talk with you" wika niya at sabay silang tumalikod ni Miss Yona.

Kumalabog ang dibdib ko. Di ko alam kung bakit ako kinakabahan. Nanginginig ang mga binti ko.

Pero kahit ganun, Sumunod parin ako sa kanila na may isang tanong parin sa aking isip.

Bakit ako gustong kausapin ni Miss Miuri?

--
Sorry for the Typos and wrong grammars.
vote/comment po.
thankyou :*

Unexplainable thing called Love (LS1)Where stories live. Discover now