Chapter 17

84.4K 1.6K 46
                                    

Old A/N:

sorry naman my dear readers di ko masyadong pansin ikli ng ud. well anyway, maraming tnk u p rin sa pagsubaybay nito ha. to start ur monday right, ud agad agad hehe be safe everyone!

********

CHAPTER 17

TIMMY GIANNE's POV

Naging patago ang relasyon namin ni Xial sa takot kong magsabi sa aking mga magulang. Ang tanging naging safe haven namin ay ang condo unit.

"I think we should get married soon..." malambing pang sabi ni Xial habang hinahagud-hagod ang balat sa aking braso. Napapikit ako sa sarap nang pakiramdam ng init ng kanyang hubad na katawan.

"Hindi pa nga natin nasasabi kina Mom and Dad, diba?" tiningala ko siya habang nakasandig sa matipuno niyang dibdib.

"When do you plan to tell them? Hindi naman puwedeng ganito tayo palagi, diba?" Bumuntong-hininga siya sabay matamang tumitig sa aking mukha. "Gusto kong makasama ka na..."

"Paano ko ba sasabihin?" naguguluhan ko pang sambit. Madalas ay nauunahan ako nang takot sa kanilang magiging reaksyon lalo pa nga't hindi maganda ang pinagsimulan naming dalawa. "Puwede bang sabihin ko na lang na naging magkasintahan na lang tayo? Omitting the other info about us?"

"The thing was kilala ka halos ng buong angkan ko. Ang hirap naman yatang i-deny na asawa kita, diba? Kung sana nakarating ang parents mo noon sa kasal natin, hindi na sana naging problema 'to. Hindi naman alam nang lahat na hindi tayo legal na mag-asawa..."

"Pero n'ung napunta ka sa bahay, wala bang nakakilala sa'yo d'un?"

"I don't know... I have no idea..." Bahagya pa siyang umiling. "Pero piling-pili lang naman din ang mga bisita natin noon. Ang parents mo nga lang ang hindi rin nakabalita since nasa abroad sila noon."

"Pero may invitation sila, diba?"

"Hmm..." Malalim siyang napaisip. "I think so. Malapit ang parents ko sa parents mo. Pero how come na parang wala silang alam?"

"Hmm... baka may alam na sila..." Hindi ko na rin naiwasan ang mag-alala. Maaaring naghihintay lang din sila sa ipagtatapat ko? Ngayon pa lang ay dinadapuan na ako nang hiya sa mga nagawa ko noon. Parang hindi ako nababagay sa kanilang pamilya. Pakiramdam ko ay hindi ako kabilang roon. Madudungisan ko lang ang kanilang pangalan.

"I think we really need to tell them," suhestiyon pa niya. "Kaysa kung anong info pa ang makarating sa kanila."

"Natatakot ako," pag-amin ko rin dahil iyon naman ang totoo. Hindi ko alam kung papaano magre-react ang mga magulang ko sa mga desisyong ginawa ko noon.

"Me too, pero sana matanggap na lang nila kung ano man tayo ngayon. And besides, papakasalan naman talaga kita ulit."

"Sana nga magiging madali lang ang lahat... Sana..."

"If not..." Iniharap niya ang aking mukha at pinagmasdan ako na akala mo ba kinakabisa ang bawat parte noon. "Hindi naman kita bibitiwan. Ipaglalaban kita..."

Tumango ako at iyon na lamang nga siguro ang dapat kong panghawakan sa ngayon. Dinampian niya ako nang halik at sapat na ang selyong iyon para humupa ang kaba sa aking puso.

***

Tulad nang dati, matapos ang patagong pagtatagpo namin ay inihatid niya ako sa mansion.

"So, see you tomorrow?" Malagkit pa siyang tumitig sa akin. Hindi pa man siya umaalis ay nalulungkot na kaagad ako.

"See you..." Pinilit kong ngumiti nang matamis pero hindi ako sigurado kung iyon nga ba ang rumerehistro sa mukha ko.

"What about my goodnight kiss?" Nakakaloko pa siyang ngumuso at tanging mahinang tapik ang ginawa ko sa kanyang pisngi.

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon