Chapter 11.1.2

82.4K 1.6K 41
                                    

Published: August 15, 2013

CHAPTER 11.1.2

TIMMY GIANNE's POV

Kinabukasan ay nakakabingi pa rin ang katahimikan ni Xial. Gusto ko sana magtanong pero nauunahan ako nang inis sa tuwing maaalala ang Marj na 'yun.

Kaya naman hindi na rin ako nagtaka nang mapansin kami ng parents niya noong kami ay nasa hapag kainan kami at nagbe-breakfast. Ang obvious naman kasi dahil hindi kami nag-uusap.

"Nag-aaway ba kayong dalawa?" si Doña Matilde na halinhinan pa kaming tiningnan ni Xial.

"No, mama..." si Xial ang sumagot at mapaklang ngumiti. Saglit din niya akong nilingon at makahulugang tinapunan nang tingin.

"Parang hindi kayo nagpapansinan? Pag-usapan ninyo 'yan." si Don Enrico na nakakunot-noo pa. Halinhinan din niya kaming tinitingnan.

"We're really fine, papa. Medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko. And, gan'un din si Timmy." si Xial pa rin ang sumagot.

"Ang formal mo, Xial." ang Doña na makahulugan ding ngumiti sa akin. "Obviously, may pinag-aawayan nga kayo because you just addressed her by her first name."

"Naku, mama, hindi po talaga. Wala lang din po ako sa kundisyon." sabat ko na rin.

"Wala ka sa kundisyon?" ang Don.

"Opo, medyo hindi po maganda pakiramdam ko. Gan'un lang po." Bahagya pa akong tumango at mapaklang ngumiti.

"Baka naman pregnant ka na!" ang Doña na para bang na-excite! Naubo ako at mabilis na uminom ng tubig. "Sa wakas magkaka-apo na kami!"

"No!" sabay pang tanggi namin ni Xial na nagdudumilat din ang mga mata.

Nagkatinginan naman ang parents ni Xial at takang pinagpalitan ulit kami nang tingin.

"Hindi po ako buntis." pag-uulit ko nang sagot sabay bahagyang ngumiwi. "Hindi pa po." tinapunan ko rin nang tingin si Xial na blangko pa rin ang ekspresyon.

"She's not pregnant, mama." si Xial na sinegundahan pa ang sinabi ko. "Tara na, honey. Baka ma-late pa ako sa appointment ko." mabilis na kayag pa niya matapos na sulyapan din ang paubos ko ng pagkain.

"Sige..." tumango ako at sumunod na rin sa kanyang gusto.

"Akala ko ba masama ang pakiramdam mo, hija? Bakit 'di ka na lang magpahinga muna." awat pa ng Don sa amin.

"Okay lang po ako, papa. May meeting rin po ako with my clients." pagsisinungaling ko pa.

"Masyado ka namang hard-working. Hayaan mo na ang asawa mo magtrabaho. Gusto ko na ring magka-apo." ang Doña.

"Hindi po, mama. Okay lang po talaga ako." Umiling ako at hindi rin ako komportable manatili sa mansion na wala si Xial. Ayoko ring ma-interview pa sa mga bagay bagay na puwedeng hindi ko masagot nang maayos. Mahirap na. Baka mabuking pa kami nang wala sa oras.

"Okay, sige, ingat kayo." Bumuntong-hininga na lang ito at hindi na rin naman nangulit pa.

Agad rin muna kaming umakyat sa kwarto para gumayak. Parehas pa rin kaming walang kibo habang nagkakanya-kanya sa paggalaw.

Hindi naman din nagtagal ay nagpasya na kaming umalis. Pero sa halip na sa bahay namin, ay sa condo muna ako nagpahatid. May kung ilang linggo na rin kasing hindi nalilinis ang unit at nanghihinayang lang din ako dahil halos puro bago pa ang mga gamit doon.

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon