Chapter 13.1.2

83.1K 1.6K 73
                                    

CHAPTER 13.1.2

XIAL ANDREW's POV

"Xial!"
Mariin lang akong napapikit nang marinig ang boses na iyon. Kinuyom ko ang palad ko para pigilan ang manakit nang kahit na sino ngayon. She have the guts to follow us, huh?!

"Bakit mo ginawa 'yun?! Bakit mo ako hinalikan?!" sigaw ko pa at halos mapatalon siya sa pagkagulat. I am way beyond mad. Alam kong kapag hindi ako nakapagpigil ay makapanakit na ako ng tao sa galit.

"I'm sorry, Xial," mahina pang sabi niya kasabay nang kanyang pag-iyak. But I felt betrayed right now and I am not affected by her cries at all! Wala akong ibang inaalala kundi ang asawa ko! Wala nang iba pa!

"Kaya bang ibalik ng sorry mo ang asawa ko?" Fvck! Tumalikod ako upang ikubli ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Nang makita ko ang galit sa mga mata ni Timmy, pakiramdam ko ay katapusan na nang lahat. I just can't take that.

"I love you, Xial... I still do..."

"What?" Kumunot ako at parang hindi maproseso ng utak ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung papaano ako magre-react sa sinabi niya.

"I still love you so much..." Nanginginig pa ang mga kamay niyang humawak sa dibdib ko pero para lang akong napaso doon. Dali-dali akong lumayo at tsaka umiling-iling.

"I don't-" Mariin akong pumikit bago muling harapin siya sa medyo kalmadong disposisyon. "I don't really care right now, Marj," matigas pang sabi ko. "Can't you see, I am very much in love with my wife! Wala ka bang mga mata?!" gigil pang sabi ko sabay talikod. It's hard to even looked at her.

"I knew you love me. Hindi siya ang tipo ng babaeng seseryosohin mo! Alam ko, dahil galing lang siya sa club!" I can't fvcking believe her.

"Narinig mo ba ang sinabi ko?" Tiim-bagang pa akong humarap ulit sa kanya. Pinipigilan ko pa rin nang husto ang sarili ko. "Mahal ko ang asawa ko. Wala akong pakialam kahit saan man siya nanggaling dahil mahal ko siya!"

"You loved me. Nagagalit ka lang dahil iniwan kita." Seriously?

"I can't believe this..." Humugot ako nang isang malalim na buntong-hininga. Pakiramdam ko ay kinakapos ako nang hininga sa sobrang galit. "Just because we had a past, sa tingin mo hindi na kita kayang kalimutan?! Masyado ka namang kumpiyansa sa sarili mo! Sa tingin mo ba, hindi ako makakatagpo ng babaeng higit pa sa'yo?!" sarkastiko ko pang sabi sabay mapaklang ngumiti. I can't believe I am having this kind of conversation with her. "Mahal ko si Timmy. Mahal na mahal na hindi ko kakayaning mabuhay nang wala siya! Naiintindihan mo ba 'yun?! You wasted the chance to be with me. It's been over a long time ago. I have moved on. I am happy being with my wife. D'un pa lang, dapat alam mo nang hindi ka ganoong ka-espesyal, dahil nakayanan ko nang wala ka!"

Agad na tumulo ang luha sa kanyang mga mata at nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Kung siguro sa panahong mahal ko siya, hindi kakayanin ng puso ko na makita siyang umiiyak. Pero ngayon, wala akong ibang maramdaman kundi galit.

"Xial, please..." Hinaplos niya ako ang aking braso at agad ko iyong tinabig. "We can start anew..."

"I want to spend my lifetime with Timmy. Just with her," matigas kong sabi sabay talikod.

Mabilis akong bumalik sa villa para kuhanin ang mga gamit naming mag-asawa. Susundan ko si Kim. Gagawin ko lahat para lang bumalik siya sa akin. Ayokong mawala siya sa buhay ko. Hindi ko kakayanin.

Ayoko...

Papunta na ako sa kotse para sundan ang asawa ko nang pigilan ako ni Riche.

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon