Chapter 7.2.2

92.4K 1.7K 34
                                    

Published: July 13, 2013

CHAPTER 7.2.2

XIAL ANDREW's POV

Halos madilim na rin nang makauwi sina Timmy at Gerald. And, believe me, I've never been this pissed. I hate it. I have no idea what's going on with me, but she's being careless. I hate it.

"Sorry, bro. Ipinasyal ko lang din si Timmy sa San Francisco bridge. Gusto lang daw niya magkaroon ng picture d'un." Agad naman ding paliwanag ni Gerald pagbungad pa lang sa akin. Wala akong idea sa reaksyong binibigay ko.

"Ipapasyal naman kita diba?" Baling ko pa kay Timmy na iwas ang tingin. Kumunot ako at malinaw ko namang sinabi sa kanya ang mga plano ko.

"Malapit na lang din naman kami d'un kaya nagpasama na ako." Paliwanag rin naman niya at kulang na lang ay hindi niya ako tapunan nang tingin. She seemed awkward. Dahil ba sa nangyari ulit sa pagitan namin?

"Fine!" Pinigilan ko na lang ang aking sariling mainis at humugot nang isang malalim na buntong-hininga. And then, a naughty idea crossed my mind. "So, where is my kiss?" Nagtaas ako ng kilay at pilyong ngumisi.

"Kiss?" Lumunok pa siya at wala sa sariling iginala ang tingin sa mga nakikiusyoso sa amin.

"O kiss daw!" Tukso pa nang malokong si Andrei na abot-tainga ang ngiti.

"I'm waiting, honey..." Ngumuso ako at palihim naman niya akong inirapan. Gusto ko sanang tumawa nang malakas dahil sobrang pula ng kanyang pisngi. So cute.

"O-of c-course..." Mapakla pa siyang ngumiti at alanganing tumingkayad para halikan ako sa pisngi.

"Ano ba 'yun? Magkapatid lang?" Wagas na wagas pa ang tawa ni Andrei at nahawa na rin ang ibang nakikiusyoso.

"What are you going to do about it, huh?" Ngumisi ako at irap lang ulit ang ibinalik niya sa akin.

"Sa kwarto na lang honey..." Pinaningkitan niya ako at sarkastikong ngumiti.

"Sige na nga, ako na nga. Nahihiya ang honey ko sa inyo! Close your eyes, guys!" Nakangisi pa rin akong lumapit sa kanya at hinapit siya sa baywang.

"Ano bang ginagawa mo?!" Tila irritable pa niyang sabi at mahina akong hinampas sa dibdib.

"I am going to kiss you properly." Yumuko ako at hindi na siya binigyan nang pagkakataong magprotesta. I tried to open her lips and she resisted. But hell, I am so damned persistent.

"X-xial..." Banayad pa niya akong itinulak.

"Are you sick, honey?" Kumunot ako at mabilis na dinama ang kanyang balat noo at leeg. "May lagnat ka..."

"Okay lang ako. Ipapahinga ko lang 'to." Iwas pa niya at tuluyan na siyang lumayo sa akin. "Don't worry..." Malakas pa niya akong sinuntok sa tiyan at napangiwi na lang ako dahil sa lakas niyon.

Nagmamadali siyang nagmartsa paakyat sa ikalawang palapag at iiling-iling lang na sumenyas sa akin si Andrei at Gerald.
"Kanina pa siya ganyan, painumin mo gamot." Sabi pa ni Gerald.

Tumango ako at noon na lang magpasyang sundan ang aking asawa. I am really getting used to this, huh.

Saktong pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko nga ang aking asawa na nakahubad na para magpalit ng damit! Damn that body.

"Hindi ka man lang kumatok!" Gulat pa niyang sabi at sobrang pula ng kanyang mukha. Nagkubli siya sa closet at pinapaulanan ako nang matatalim na tingin.

"We both stay in this room? Why do I need to knock?" Sarkastiko pa akong ngumiti at wala akong balak na lubayan siya.

"Can you turn around?" Galit pa niyang sabi at bahagya pang napapapadyak.

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon