Chapter 8.1.2

103K 1.6K 29
                                    

CHAPTER 8.1.2

 

TIMMY GIANNE's POV

            Ang sarap naman yatang magkasakit.  Si honey kasi mega alaga sa akin.  Feeling ko talaga mag-asawa kami sa ginagawa niyang pag-aalaga.  Kaya lang bakit gan'un?  Wala man lang ba siyang gustong sabihin sa akin?  Hindi pa ba siya in love sa akin? 

            "Hey..."  Si honey... Feelingera ko lang talaga. "How are you feeling?"

            "Medyo okay naman na..."  Tipid ko pang sagot at hindi ko lang masabi na nage-enjoy ako sa pag-aalaga niya.  Parang ayoko nang gumaling kung ganito naman kagwapo ang mag-aalaga sa akin.  

            "Kung kailan one week na lang tayo dito tsaka ka pa nagkaganyan..."  Hinagud-hagod niya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.  Nakahiga siya patagilid habang sapo ng kamay niya ang kanyang ulo at nakaharap sa akin.  Super lapit niya talaga.  Amoy na amoy ko ang kanyang pabango na lalo yatang nakakapagpahina sa akin.

            "Oo nga e,"  manipis akong ngumiti.  "Okay lang. Bukas naman siguro maayos na ako.  Puwede na tayong mamasyal ulit diba?"

            "We'll see about that..."  Malumanay pa niyang sabi habang titig na titig sa akin.  Ibig ko yatang malusaw... Shit.

            "S-sige..."  Nag-iwas ako nang tingin at 'di ko kayang makipaglabanan nang titig.  Sobrang ganda ng kanyang mga mata.  Pakiramdam ko'y nababasa niya ang nasa sa loob ko.

            "Timmy..."  Seryosong tawag pa niya sa akin.  Dahilan para muli akong mag-angat nang tingin.  Ilang beses na bumuka ang kanyang labi pero hindi niya nagagawang ituloy ang sasabihin dahil sa pag-aalangan.

            "A-ano 'yun?"

          "What do you think is happening between us?" 

Lumunok ako at hindi ko rin malaman ang dapat na isagot doon.
           
"E-ewan ko..."  Muli ay nag-iwas ako nang tingin.  Higit na mas malakas ang kalabog ng puso ko.

            "I'd be honest..."  bumuntong-hininga siya.  "I think I like you.  And, I want you..."  Kinagat niya ang kanyang labi at bakas pa rin ang pag-aalangan.  He likes me.  He wants me.  Positibo ba 'yun?

            "Y-you want me?"

          "Yes..."  Marahan pa siyang tumango.  "So bad... that I can't actually stop myself..."  Tila nahihiya pa niyang sabi at bahagya ring namumula ang kanyang pisngi.  "You probably knew what I mean..."

          "You want me in your b-bed..."  Diretsa ko pang sabi at alanganin pa rin siyang tumango. 

          "S-something like that..."  Mahinang sagot pa niya.

            Natahimik ako at hindi ko alam ang dapat na isagot doon.  Mas nage-expect kasi akong sasabihin niyang he's falling for me pero sadly  pang kama lang pala ako.

          "Did I offend you?" 

            "H-hindi 'no!"  I'm lying.  I am actually hurting.  Pinilit kong ngumiti at hindi ko alam kung umabot man lang ba iyon sa aking mga mata.  "Nanggaling nga ako sa club."

          "Hindi ko inisip na prostitute ka or anything..."  Depensa pa niya.  "Kung ganito man ako sa'yo, it's because I really like you."

          "O-okay lang 'yun."  Nag-iwas ako nang tingin at nag-iinit ang sulok ng aking mga mata.

            "We just need to enjoy what we have, right?"  Ginagap niya ang aking mukha at sinalubong ang malamlam niyang mga mata.  Ang sarap sanang isipin na nagkakagusto talaga siya sa akin.  Pero hindi.  Malabo.  Isang mababang babae lang din ang tingin niya sa akin.

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon