Pajama, Birthday Girl Ghost

243 4 0
                                    

iLina: isa po uling kwento na inspired sa isang palabas na napanuod ko sa youtube. PEro ang character na si Carla ay akin pati na ang thoughts. Pero ang idea ng isang birthday girl na nagmumulto, galing doon sa palabas. :)

______________________________________________________________

Pajama, Birthday Girl Ghost

Simula nang gumradweyt ako sa kolehiyo, hindi na ako nagka-oras para sa sarili ko. Ang akala ko na exciting na mundo sa labas ng paaralan, boring pala, monotonous. Araw-araw nagmamadali ka. Uutusan ka ng boss mo kung saan-saan. Aattend ka ng walang katapusang seminars sa kung saan-saan. Wala kang oras sa friends, family. Ano pa kaya sa love life?

“Ma’am, wala na po kaming bakante maliban doon sa isang two-bedroom room. Magdadagdag lang po kayo ng 300 pesos, mas kumpleto rin po sa gamit ang kuwarto kaysa sa single room na ni-request n’yo.”

Nakangiting sabi sa akin ng receptionist. Pagod ako sa biyahe. Kailangan kong magpahinga kaagad para sa isang 3 days seminar na bukas ng alas-syete ng umaga ang simula. Kaya tinanggap ko na lang ang natitirang silid.

Inabot na sa aking ng receptionist ang susi at pumunta sa room 404 sa fourth floor. Dim ang ilaw sa hallway, maliban sa room service na nakasalubong ko paglabas ko ng elevator, wala na akong nakita pang tao habang papunta ako sa silid ko.

Room 404. Sa wakas, pwede na akong matulog matapos ang mahabang biyahe. Isinuksok ko ang susi sa keyhole at pinihit iyon.

Nang bubuksan ko na ang pinto, may naramdaman akong kumuwit sa kanang balikat ko.

Nilingon ko kung sino iyon. Walang tao sa likuran. Hindi ko na lang iyon pinasnsin.

Hmmm, maganda naman ang kuwarto. Dalawa ang kama. Dim rin ang ilaw. May T.V., refrigerator, roundtable na puwedeng doon ka kumain. Iyon lang. Maganda rin ang bathroom. Para sa akin okay na basta may hotwater at bathtub.

Natigil lang ako sa pag-o-obserba sa kuwarto nang marinig kong bumukas bigla ang pinto ng silid. Nang lumingon ako, bukas nga ang pinto, pero ang nakakapagtaka, wala namang tao sa labas niyon. Sumilip ako sa hallway, wala ring tao.

Hay, naman, ang weird ng hotel na ito. Namulsa ako, dinama ang maliit na rosaryo ko roon.

Inalis ko sa isipan ang isang suspetsa saka isinara na lang ang pinto. Ini-lock ko iyon mabuti.

Tok!

Ano iyon?

Tok!

Parang kinakatok na salamin? Tiningnan ko ang dresser roon pero wala naman akong makitang maaaring pumukpok roon. Ako lang din ang tao dito sa silid.

Tok!

Hinanap ko ang ingay.

Tok!

Dumako ang tingin ko sa makapal na kurtina roon. Nanigas ang katawan ko. Dahan-dahang naglakad ako roon.

Maingat na itinaas ko ang isang kamay ko para hawiin ang kurtina.

Tok!

Tapos, hinawi ko na ang kurtina. Inihanda ko ang sarili ko sa makikita.

Nakakita ako ng anino. Babaing mahaba ang buhok!

“Ahhhh-“

Napahinto rin ako kaagad sa pagsigaw nang makita ang sarili kong repleksyon sa salaming bintana pala ang naroon. Inilapit ko ang mukha ko roon. Tumingin sa labas. Umuulan na pala.

Tama, iyong ulan lang iyon. Patak ng... ulan. Binura ko rin agad ang isa na namang namumuong suspetsa sa isip ko.

Pero di pa ako tapos sa pagdi-deny sa sarili ko nang makarinig ako ng mga yabag.

Tales of FrightWhere stories live. Discover now