Manika ni Nicka

269 5 0
                                    

iLina:i think two years ago na nang mapanuod ko ang isang Japanese horror stories sa youtube, hango po ang kuwentong ito roon (Pati na rin po ang PAJAMA BIRRTHDAY GIRL), plus, maya kaparehong karanasan rin po ako tulad ng kuwentong mababasa ninyo. Sana po ay magustuhan ninyo!!

Manika ni Nicka

Bakasyon sa tag-init nang pilitin ako ng aking ina na magbakasyon sa bahay ng kapatid niya, si Auntie May. Wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang gusto niya.

“Carla? Welcome!”

Mahigpit na niyakap ako ni Auntie nang makitang ako ang dumating. Hinila niya ako sa loob ng bahay niya na may ngiti sa labi. Ngunit ang mga ngiting iyon ay hindi umabot sa kanyang tenga. Wala ring kinang ang kanyang mga mata.

“Salamat po, Auntie at pinayagan ninyo akong magbakasyon rito.” Sabi ko habang gumanti sa kanya ng yakap.

Magdadalawang-buwan nang biyuda si Auntie May. Nag-aalala si Mama sa kanya at gusto sana niyang kasama ako sa pagbabakasyon dito sa probinsya pero abala siya. Ngayon, mag-isa akong nandito. Boring, pero kelangang magtiis para  sa mabait kong tiya.

“Nagustuhan mo ba ang kuwarto mo?”

Pinasadahan ko ng tingin ang maliit na silid. Kulay pink iyon. Kuwarto ito ni Mama noong dalaga pa siya.

“Auntie... okay lang po ba kayo?”

Di bale si Mama na isa ring biyuda dahil nandito ako para sa kanya. Pero si Auntie? Hindi sila nagka-anak ni Uncle Fred matapos mamatay ang anak nilang si Nicka noong ten years old pa lang siya. Namatay siya sa sakit na leukemia.

“Oo naman... masaya ako rito. Tanggap ko na ang mga nangyari. Magpahinga ka muna, matulog... pupuntahan na lang kita pag handa na ang hapunan.”

Tumango lang ako. Iniwan niya akong nakaupo sa kama, hinahaplos haplos ang malambot na telang sapin niyon. Tumayo ako at naghubad matapos ang sampung minuto. Saka lumabas ng kuwarto para maligo sa banyo sa pagitan ng silid ko at silid ni Nicka.

Patapos na ako nun maligo. Nagbabanlaw at humihimig nang makarinig ako ng kalabog. Noong una ay hindi ko iyon pinansin. Pero nang patayin ko ang shower, parang may narinig akong langitngit ng nabubuksang pinto. Pinto ng silid ko.

“Baka si Auntie iyon...”

Pero nang makalabas ako ay wala si Auntie. Sa halip isang manika ang nakita ko sa gitna ng kama ko. Napangiti ako. Laruan ko iyon na ibinigay ko kay Nicka noon. Mahaba ang curly at brown na buhok niyon at nakasuot ng asul na sumbrero. Asul din ang bestida ng manika. Dinampot ko iyon. Minasdan. Pagkatapos ay inilagay sa mesa sa tabi ng kama saka nagbihis.

Ngayon, matapos ang isang taon, naalala ko bigla na hindi ko man lang naitanong kay Auntie kung siya ba ang naglagay ng manika sa kama ko. Basta andun lang iyon sa silid ko, nakaupo, parang malungkot ang itim na mata, naghihintay... at parang nakatitig lang sa kawalan.

Tatlong gabi na ako roon nang magsimula akong makapansin ng kakaiba sa manika. Pero dahil manika lang naman, hindi ko na pinansin ang mga kakaibang pangyayaring iyon. Pumasok ako sa kuwarto ni Auntie para sana magtanong...

“Auntie, anong oras po tayo aalis-?”

Napatigil ako sa pagsasalita dahil naagaw ng atensyon ko sa manika. Na matiyagang nakaupo sa dressing table ni Auntie. Nakatingala ang ulo nito. Di ko alam kung imahinasyon ko pero parang nakangiti o masaya ang manika... iyon ang pakiramdam ko. Pero bago pa mapansin ni Auntie ang pagkatulala ko ay tumingin uli ako kay Auntie.

“Magbibihis lang ako.” Nakangiting sabi ni Auntie na nagsusuklay ng salamin. “Hintayin mo ako sa ibaba.”

Kinuha ba ni Auntie ang manika ni Nicka? Hindi ko alam. Hindi ko rin naitanong.

Tales of FrightWhere stories live. Discover now