Carla's Tales

1K 7 3
                                    

iLina: XD another story na naman. Sana po ay patuloy ninyong basahin ang mga kwento ko! Enjoy na enjoy po ako sa pagsusulat ng isang ito. Ang ibang kwento po kasi rito ay base sa karanasan ko at ng ibang nagkuwento sa akin. Ang iba naman, borrowed lang din sa iba. PEro nagustuhan ko ito. Althoug mahilig ako sa romance stories, pero pagdating naman sa horror o ghost stories, game na game ako. Diba, ang sarap sa pakiramdam na takutin ang sarili mo tapos mapasigaw. PArang lahat ng negative vibes sumasam doon sa pagsigaw mo? ANyways, simulkan na po ninyo ang pagbabasa. KAkahiya, puro walang sense ang sinasabi ko dito. Oh, heto na ha? BAsahin nyo na!!! And mag-comment and vote naman po kayo, please, please!!!! Thanks po!!!

______________________________________________________________ 

Madilim ang gabi

Sa bawat sulok ay may kaluskos

DI maintindihang paghinga sa iyong tabi

May halinghing na dinig mula sa ilalim ng kama

Sa may bintana tila may anino

Gusto mong pumikit

Gusto mong magtago

Di mo magawa

Sa balikat mo biglang may kumuwit.

Gusto mong tawagin si Mama, tulog na siya

Gusto mong tawagin si Papa, wala ka palang Papa

Nang biglang tumahimik

At di mawari kung saan ang ingay

Na narinig, sa labas ng pinto ay may mga yabag...

Lakad doon, Lakad dito, saan ba siya patungo?

Gusto mong bumangon

Gusto mong tumakbo

Paano ka lalabas kung may bantay sa pinto?

Sabi ni Mama, Sweet dreams, baby...

Pero kung alam lang niya,

Sa gabi, dilat ang iyong mata

Puso mo'y kumakabog

Untin-unting namamalisibis ang luha

Imahinasyon ito ba o totoo?

Sino ang nasa labas ng pinto

Kumakatok siya

Bakit gusto niyang pumasok

Sino ang gumagalaw sa seradura ng pinto

Na para bang akala niya ay pagbubuksan siya

Sa gilid ng mata, gumalaw ang upuan

Sino ang anino, bakit lamig ang dala niya

Sino ang gumagalaw sa kama,

Wala namang makita

Gumalaw ba ng kusa ang buhok mo

o baka hangin lang

Sino ang humahaplos sa pisngi mo

Kung saan isang malamig na halik ang dunampi

sabay sabing, Magandang Gabi.

-------------------------------------------------------------------------------------------

ADVERTISEMENT!  ADVERTISEMENT!  ADVERTISEMENT! 

You can also try reading my other works:

Midnight Scare (Paranormal/Mystery/Thriller)

Can't Stop Loving You (Adult Romance)

Special Beauty (Romance/Drama)

Clandestine Romance (Romance/Fantasy)

___________

Thanks Again!

Follow me at: http://www.wattpad.com/user/iLinaSky

Please Comment & Vote! Comment & Vote! Comment & Vote!

Tales of FrightWhere stories live. Discover now