Class Retreat: Calling the Spirit of the Dead

359 5 2
                                    

iLina: Gusto ko lang po sana i-remind kayo na baawt kwento po sa CArla's Tales ay laging may ending. Parang OkatOkat, yung palabas na dati sa ABS-CBN - every episode, ibang story. Ganito rin ito. Every chapter, ibang story. Pero may pagkakataon din gagawa ako ng dalawa o tatlong stories na magkakakonekta pero hindi naman sila sobrang dependent sa isa't isa. Ganito po ang stpry na mababasa ninyo. Itong class retreat ay may part two pero ibang story na po ang nandoon. Hindi ko pa po natatapos iyong part. In the meantime, ito muna ang ipo-post ko. SALAMAT PO NG MARAMI!

________________________________________________________________

Class Retreat: Calling the Spirit of the Dead

Hiwalay ang kuwarto ng mga babae sa mga lalake. Bale, labing-dalawa kaming babae lahat ngayon sa loob ng silid.

Kahit anong isip ko ay hindi ko malaman kung paano nakapagdala ng maraming kandila ang mga kaklase ko. Nagsabwatan yata sila nang hindi ko alam. Pero alam ko na si Sarah ang may pakulo nito. Kaming labing dalawa ay nakapalibot sa gitna ng silid. Nasa isang silid kami sa first floor ng resthouse sa isang private beach na pag-aari ng academy namin.

Madilim sa buong silid at tanging ang kandilang nakasindi na hawak ng taong kasalukuyang nagkukuwento ang nagbibigay ng liwanag sa amin.

Wala akong balak na makisali sa kanila. Nakikiupo lang ako dahil hindi rin naman ako makatulog sa sobrang gulo nila. Pero sa bandang-huli ay napilitan akong magkuwento.

Warning lang, ha, hindi ako magaling na story teller. Ayaw ko lang talagang maging kj. Kaya naman naisipan kong magkuwento sa kanila ng pinakaunang kuwentong pumasok sa utak ko.

Katulad ng mga nauna pa sa akin, pinaupo nila ako sa gitna ng bilog na binubuo nila. Kasabay ng pagpatay ng kandila ni Sheena ay pagsindi ko ng sa akin.

So... the story goes like this...

***

“I am calling the spirit of the dead Kyla Morales.” Sa ganito dapat magsimula ang kuwento.

“Narinig n’yo na ba ang kuwento ng Multong naka-high heels?”

(Of course, hindi. Nakita ko iyon sa mukha ng mga kaklase ko.)

“Walang nakakaalam sa pinagsimulan ng kuwentong ito. Walang nakakaalam kung tagasaan ang multo. Namatay siyang nakakakadena.

Ang sabi, inside job ang nangyari. Pinatay siya sa loob ng bahay niya. Pagkatapos, itinapon ang katawan niya sa malayong lugar.

Hindi niya alam kung sino ang pumatay sa kanya. Hindi rin niya matandaan kung saan siya nakatira.

Kaya dalawa ang hinahanap niya... ang bahay niya at ang taong pumatay sa kanya.

Gabi-gabi, naglalakad siya. Pinapasok niya ang bawat bahay na madaanan niya...

Mahaba ang kanyang buhok. Suot niya ang kanyang pulang damit. At ang kanyang high-heels.

Madali mong malalaman kung paparating na siya.

Eksaktong pagpatak ng hatinggabi, makakarinig ka ng...

Tok! Tok! Tok!

Ang tunog ng kanyang takong habang mabagal na naglalakad.

Tok! Tok! Tok!

Isa na namang gabi, isa na namang paglalakbay, bagong bahay, bagong mga biktima.

Tok! Tok! Tok!

Walang nakakaalam na dumating na siya. Inaakala ng lahat na ang tunog ay isang imahinasyon lamang. Mga ingay ng daga o mula sa bahay na katabi.

Tok! Tok! Tok!

Pero ang totoo, nasa harap na siya ng pinto. Nakahandang pumasok. Nakahandang hulihin ang katotohanan.

Tok! Tok! Tok!

Nabuksan ang pinto. Ngayon ay nasa sala na siya. Lumingon siya sa kaliwa. Lumingon siya sa kanan. Naglakad siya.

Tok! Tok! Tok!

Tinungo niya ang isang silid... walang tao. Sabik na siya sa katotohanan. Hinihingal siya. Nanlilisik ang mga mata.

Tok! Tok! Tok!

Ngayon ay nasa kusina na siya. Naririnig n’yo ba ang ingay roon? Oo, hindi iyon isang pusa lang.

Tok! Tok! Tok!

Pilit niyang inaalala ang pangalan ng pumatay sa kanya. Jane... Jane... Ang kanyang kaibigan.

Tok! Tok! Tok!

Muli siyang lumingon.

Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok!

Bumilis ang mga hakbang. Nagmamadaling lagutok ng kanyang sapatos ang maririnig.

Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok!

Nahanap na niya! Nahanap KA na niya!

Tok! Tok! Tok!

Nang biglang nabuksan ang pinto. Lumakas ang hangin, nagsipagliparan sa ere ang maninipis na kurtina ng silid.

(At napansin ko nga rin na pumasok ang malamig na hangin mula sa bintana ng kuwarto namin. Lumilipad ang kurtina roon.)

Tok... Tok... Tok...

Dahan-dahan. Kang. Lumingon...

At makikita mong... bukas nga ang pinto!

***

Lahat kami ay tumingin sa pinto.

Ang Dragon teacher na si Miss Melba ang nakita namin. Bukas ang pinto. Hawak niya ang isang flashlight. Maaskad ang kanyang mukha. Nanlilisik ang mga mata.

Nagsigawan kaming lahat.

“Mga bata... hindi ito ang oras ng paglalaro! MATULOG NA KAYO!” sabi niya sa amin. Parang mga daga na tarantang humiga na kami sa aming mga higaan.

Alam kong bawat isa sa mga kaklase ko ay nabitin. Narinig kong humagikhik si Sarah.

“Itutuloy natin ito bukas.” Bulong niya sa akin.

 _____________

ADVERTISEMENT!  ADVERTISEMENT!  ADVERTISEMENT! 

You can also try reading my other works:

Midnight Scare (Paranormal/Mystery/Thriller)

Can't Stop Loving You (Adult Romance)

Special Beauty (Romance/Drama)

Clandestine Romance (Romance/Fantasy)

___________

Thanks Again!

Follow me at: http://www.wattpad.com/user/iLinaSky

Please Comment & Vote! Comment & Vote! Comment & Vote!

Tales of FrightWhere stories live. Discover now