Carla's Vacation 2: Nana Tela

35 0 0
                                    

iLina: I apologize for this late update. Here's the second part of Carla's Vacation

-Part 2-

Nana Tela

Mabilis na dumating ang gabi ng aming panunugis. Ilang beses kong naisip na magsumbong na lang kay Tita pero hindi ko magawa sa tuwing maaalala ko ang determinasyon sa mukha ni Dingdong. Mukha pa namang sanay siya sa gulo.

"I really hope I'm not making a big mistake!"

"May oras ka pa para umatras." Bulong ni Shiro sa tabi ko. Inignora ko siya at naunang lumabas ng kahoy na gate. "Gusto ko lang makasiguro na hindi kayo mapapahamak." Sabi ko sa kanya nang makalabas na kami. Habang nakatingin ako kay Shiro ay nakita ko si Iya na nakasilip sa bintana ng kanyang kuwarto. Hindi sumama si Iya. Bukod sa takot siya ay hindi rin sang-ayon si Iya sa gagawin namin. Mabuti na lang dahil nangako siyang hindi kami isusumbong. "'Asan si Dong?"

"Naghihintay sya sa sasakyan. Tara na."

Sumunod ako sa kanya. Habang naglalakad ay muli kong inalisa kong tama ba ang mga hakbang na gagawin namin. Simple lang naman ang unang gagawin namin. Pupunta kami sa bahay ni Nana Tela at mag-oobserba. Mangangalap daw kami ng ebidensya para mapatunayang si ang matanda ang salarin.

Lumarga na kami. May balot ng misteryo ang Baryo Melong dahil sa kadilimang nakalaganap. Kahit ang malaking gate sa mansyon ng mga Monteverde ay parang gate papasok sa palasyo ni Dracula. Nakadagdag pa ang malamig na hangin na tumatama sa aming katawan.

Di nagtagal ay natanaw ko ang bahay ng mga Caseres. Walang ilaw at nagmistulang malaking itim na anino ito sa gabi. Kulang na lang ay mga paniki at kumpleto na ang nakakatakot na view.

Nakayakap ako sa sarili ko. "Hindi kaya iyong bahay na iyon ang bahay sa pelikulang Tiyanak?" Noooooooo!!!! "Great! As if hindi na nga naninindig ang balahibo ko sa kawerduhan ng gagawin namin tapos kung anu-ano pa ang naiisip ko."

Huminto rin sa wakas ang jeep. Sa harap ng nakakatakot na bahay. "Errr... anongproblemabakittayohuminto?!"

Natawa si Shiro. "Cool ka lang. Maglalakad tayo papunta sa kubo ng matanda."

Bumaba na silang dalawa pero nanatili ako sa loob ng sasakyan. Ayaw sumunod ng mga paa at kamay ko.

"Ano, aatras ka na? Maghintay ka na lang dito sa jeep." Malumanay na sabi ni Shiro. Mukha namang hindi niya ako pinagtatawanan.

"No! Sasama ako! Wait lang, pakakalmahin ko lang ang nerves ko..." dumako ang tingin ko sa misteryosong bahay ng mga Caseres. "Bakit naman kasi dito pa kayo nag-park!"

Tipid na ngumiti si Shiro. Hinawakan niya ang kamay ko at hinihila na ako pababa. "Akong bahala sa iyo, ok? Dumikit ka lang sa akin, para kahit anong mangyari mapoprotektahan kita."

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. "O...key..."

"Dingdong?" tawag ko sa kanina pa tahimik na kasama namin. Nakatalikod siya sa amin at nakatingin lang sa direksyon ng kubo ni Nana Tela.

Bigla siyang humarap sa amin. "All right, soldiers. May misyon tayo ngayong gabi. Nakakapanindig-balahibo ito at maaaring mapanganib. Nakahanda ba kayong tanggapin ang misyong ito?"

Nagkatinginan kami ni Shiro. Napailing na lang siya. "Aye, aye, Captain!" pakikisakay ni Shiro.

"Para sa katarungan ng mga naging biktima niya. Kailangan natin ang lakas at tibay ng loob. Sugod!" Nauna si Dong sa amin.

Humigpit ang hawak ni Shiro sa kamay ko at hinila na ako.

-OO-

"Come on, soldiers! Bawal ang duwag at tamad! Oras na para malaman ang katotohanan... sa tunay na pagkatao ni Nana Tela!" May senyas pang ginawa si Dingdong at lumuhod sa may halamanan sa bakuran ng kubo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tales of FrightWhere stories live. Discover now