Chapter 1

1.8K 18 2
                                    

Grabe s'ya! sabi ko sa isip ko nang matanaw si Patricia Madlangpuri sa bench kasama ang mga sosi friends niya. Parang gusto kong mapapalatak sa mga naglalakihang dangling earrings at charm rings at bracelets na nakasuot sa mga daliri at braso niya. At naka-LV bag pa ang loka.

Hmp. If I know, hindi iyon orig na Louis Vuitton, kundi "Lumang Vag." Kaasar talaga itong si Patring. Kung hindi pa siguro Madlangpuri ang apelido niya, baka lalong umastang galing sa de-buena familia.

Nakakaasar talaga ang mga kagaya niyang trying-hard maging conyo o sosyal. Oo nga, exclusive school ang St. Catherine High School at karamihan ng mga nag-aaral doon, anak ng mga may-kaya at mayaman. Pero hindi ibig sabihin niyon, required nang umastang mayaman ang mga estudyanteng tulad ko na hindi galing sa mayamang pamilya por que doon nag-aaral.

Nakapag-asawa lang ng Hapon ang ate ko kaya nakapag-aral ako sa SCHS. Namayapa ang tatay ko pagkatapos maipanganak ng nanay ko ang bunso namin. Si Nanay na isang pangkaraniwang empleyado lang sa isang government institution ang tumaguyod sa aming magkakapatid—si Ate Isay, ako at si Junior na bunso. Hindi na nagkolehiyo si Ate Isay dahil nagtrabaho agad siya bilang singer sa Japan. Hayun, sinuwerte at nakabingwit pa ng Hapong businessman. Kaya si Ate, feeling-donya sa Japan ngayon. At kami nina nanay at bunso naman, suportado niya.

Parang si Patring din. Ang alam ko, nakapag-asawa ulit ang nanay niya ng seaman kaya medyo lumuwag-luwag ang buhay nila. Hindi nga lang kasing bongga ng kapalaran ng ate ko. Ang balita ko, nag-demand siyang mag-aral sa SCHS kahit dapat ay sa private school lang na hindi kasing-taas ng standards ng SCHS siya balak ipasok ng nanay niyang dating tindera ng pirated DVDs.

Kaklase ko si Patring sa Pasig Elementary School dati. Noon pa man masyado na siyang bitter sa pagiging mahirap. Kunsabagay, sino ba naman ang may gustong maging mahirap? Pero may pagka-ambisyosa naman kasi siya kahit noon pa. Naalala ko noong tinanong kami ng teacher namin noong grade five kami kung anong gusto naming maging paglaki namin, ang sinabi ni Patring sa buong klase, "I want to rich."

Ay, muntanga. Nag-aambisyong maging mayaman pero ni hindi maayos ang simple English. Hindi ba dapat, "I want to be rich" 'yon?

Iyon ang hirap sa pagiging mayaman. Kailangan magaling kang mag-English. Parang requirement 'yon kasi parang walang mayamang hindi marunong mag-English. Eh, English pa naman ang pinakaayaw kong subject. 'Kaka-nosebleed kaya. Hindi naman ako kasing boba ni Patring sa English pero hindi din ako magaling mag-English.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ko ambisyong maging sosyal. Ayoko kasing mag-English at maging anemic sa kaka-nosebleed.

Napailing-iling na lang ako habang pinapanood si Patring na tinatakpan pa ng kamay ang bibig habang tumatawa. Parang pigil na pigil na tumawa nang malakas. Hindi naman siya ganoon tumawa dati. Kapag tumatawa siya noon, nagsa-shower sa laway niya ang kausap niya.

Ako ang nahihirapan sa pinaggagagawa niya. Bakit kailangan niyang pahirapan ang sarili niya nang ganoon? Ang saya kaya ng komportable kang kumilos sa gusto mo. Iyong hindi ka nagpapanggap na mayaman kahit nag-aaral ka sa SCHS.

Iyon ang naging problema ko noong ipa-enroll ako ni Ate Isay dito sa SCHS. Nag-alangan ako. Naisip ko noon, baka hindi ako bumagay sa eskuwelahang ito. Hindi ko hinangad na mag-aral sa exclusive school na puno ng sosyalero't sosyalera dahil baka ma-out of place ako. Pero nang makilala ko sina Nadine at Alex na mga naging kaibigan ko since first year high school, nawala na ang pangamba ko. Medyo jologs din 'yong dalawang 'yon, eh!

Nalaman ko rin kalaunan na hindi naman pala lahat ng nag-aaral sa SCHS, eh, ipinanganak na may silver spoon sa bibig. Si Nadine, nagtatrabaho sa abroad ang daddy niyang engineer kaya magaan ang buhay nila. Si Sandy naman, sinuwerte nang magtayo ng negosyo ang pamilya kaya gumanda ang buhay. Eh, lalo na nang makita ko si Patring na nag-enroll din pala sa SCHS.

St. Catherine High 2: Eh Di Sa Puso MoWhere stories live. Discover now